| Angelica tinalbugan si Marian sa husay gumiling |
|
|
|
| Wednesday, 10 February 2010 20:14 |
|
Isang bonggang prescon na ginawa pa sa Central Park, Eastwood ang handog ng cast ang Rubi kung saan sumayaw ng Latin dance ang mga bidang sina Angelica, Diether Ocampo, Jake Cuenca at Shaina Magdayao. Takaw-pansin ang suot na sexy red dress ni Angelica kung saan halos maaninag na ang kanyang malusog na boobs. Puwede niyang talbugan si Marian Rivera sa galing niyang umindak. Pero hindi raw tulad ng Marimar ang Rubi kasi wala raw sayawan sa bago niyang teleserye. Sa teaser ng Rubi ay patalbugan sila ni Shaina sa pala-kihan ng boobs, lalo na sa eksenang itinulak niya si Shaina sa swimming pool. Yes, inagaw niya si Diet kay Shaina kahit may sarili na siyang BF sa katauhan ni Jake, alang-alang sa pera. * * * Noong nauso ang game shows, isang katerbang game shows ang nagsulputan sa ere. Ngayon naman na uso ang talent shows, parang kabute ring nagsulputan ang iba’t ibang talent shows pagkatapos ng Talentadong Pinoy, tulad ng Showtime, Bitoy’s Showwwtime, Pilipinas Got Talent, Diz Is It (na pumalit sa Sis) at Pinoy Extreme Talent na halaw sa Pinoy Records na hino-host ni Chris Tiu. Ngayong Sabado (Feb. 13) ang launching ng Season 2 ng Pinoy Extreme Talent at ang sasalang na guest judges ay sina Joey Marquez, Carla Abellana at Mo Twister. Sino ang magwawagi ng P50,000 cash prize para makasama sa monthly finals kung saan ang mananalo naman ay magkakamit ng P100,000 cash? Abangan sa Sabado at 6 pm sa GMA. Sayang at ayaw magpa-interview ang host ng PET na si Chris Tiu na iniwasan ang press people dahil ayaw matanong ng mga personal na bagay. Ang dami pa namang isyu sa kanya na nagsusulputan kasama na ang pagkakaroon daw niya ng gay sponsor na mahirap paniwalaan dahil mayaman ang pamilya niya. Anyway, kung ayaw niyang magsalita, let him be. He is such a private person and nobody can force him to speak. * * * Sa 15 newbies na pinakilala ng GMA Artist Center noong 2007, si Victor Aliwalis na lang yata ang natitirang very active sa showbiz. This 5’10” hottie has what it takes to make it big. Ang tanging obstacle lang niya ay ang pananalita niya ng straight Tagalog since lumaki siya sa States pero panay na ang pagsasanay niya ngayon. His biggest break to date is being part of Sine Novela’s Kaya Kong Abutin Ang Langit where he co-starred with Iza Calzado. Sa ngayon ay na-tsi-tsismis siya kay Rhian Ramos na nakasama niya sa Seoul, South Korea last month para tanggapin ang Model Star Award sa 2010 Asia Model Festival. He is also part of PLDT MyDSL crew and has his own show called MyFitness which can be viewed at PLDT Watchpad. |
Most Popular Articles
- Tawak ( 7,502 views )
- Advertise ( 2,141 views )
- About Us ( 1,897 views )
- ‘Lupang Hinirang’ ni Arnel, kinapos! ( 1,049 views )
- Jason ng ‘PBB Double Up’ naglayas! ( 1,039 views )







Effective si Angelica Panganiban bilang isang alluring kontrabida kaya naman binigyan siya ng award bilang Villain of the Year sa 1st Supreme to the Extreme Awards ng Phil. Star as “Scarlet” sa Iisa Pa Lamang. Now the darling “bitch” is back and she is sexier and nastier bilang si Rubi kapalit ng PBB Double Up simula sa Lunes.