Home Showbiz Tsismis Regine, Ogie hindi ‘mapirata’ ng Singko
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

Banner
Regine, Ogie hindi ‘mapirata’ ng Singko PDF Print E-mail
by Noel Asiñas   
Tuesday, 09 February 2010 18:56
MANANATILING Kapuso ang magdyowang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Ito ang latest tsika sa amin ng isang very reliable source matapos kumalat ang balitang “lilipat” ang dalawa sa ibang TV network na magbibigay umano sa kanilang ng tripleng talent fee.

Hindi raw kasi maiwan ni Ogie ang Bubble Gang, SOP at ang second season ng Hole In the Wall nila ni Michael V.

Bukod sa Show Me Da Manny, may  bagong sitcom na gagawin si Ogie sa sa Marso sa GMA na bida si Michael V, ang Pepito Manaloto. Malay natin baka magkaroon din si Ogie ng solo sitcom, noh?

Tulad ngayon, dalawang buwan na-assign kay Ogie ang bida role sa Show Me Da Manny bilang si Manny Pacute.

Impressive ang naging rating ng  Show Me Da Manny mula nang pumasok si Ogie sa sitcom kasama si Marian Rivera.

Busy kasi sa training si Manny sa boxing fight niya with Joshua Clottley sa March 14 kaya hindi nakakapag-taping.

Si Regine naman ay may sisimulang bagong soap sa GMA-7 na Diva, kung saan siya ang title role. May pelikula rin siyang gagawin sa GMA at Viva Films opposite Aga Muhlach.

* * *

SI Janno Gibbs ang susu-nod na comedian na pansamantalang hahalili kay Manny Pacquiao sa Show Me Da Manny habang wala ang boxing champ.

Pinaplano nang husto ang unang sabak ni Janno sa sitcom nina Manny at Ma-rian Rivera.

Magkakaroon pa ng remote taping sa Bulacan.

Magkakaroon na rin ng outside taping para lalong gumanda ang programa. Ganyan talaga kung mag-alaga ng talents ang Kapuso Network.

* * *

SI Primo Gasmen ng Alcala, Pangasinan ay dating OFW sa Saudi Arabia.

Napagbintangan siyang pumatay ng isang Nepali overseas worker at kahit hindi napatunayan na siya ang gumawa ng krimen ay pinatawan siyang mapugutan ng ulo.

Bunsod nito, nagsagawa ang mediaman at Ahon Pinoy Party List nominee na si Fundador Soriano ng fund raising campaign sa People’s Tonight International na that time ay siya ang mana-ging editor.

Nakalikom nang mahigit P800,000 ang fundraising at ito ay ipinagkaloob ni Ka Fundy sa Department of Foreign Affairs na in turn ay nagbayad ng blood money sa pamilya sa Nepalese na umano ay napatay ni Gasmen.

Nailigtas ng Ahon Pinoy Party List  nominee ang buhay ng isang Pilipino at dahil under-represented sa Mababang Kapulungan ang mahigit 10 milyong OFWs, ito ang naging pangunahing advocacy ng Ahon Pinoy.

Ilan sa programa ng Ahon Pinoy ay ang trabaho sa bansa para sa umuwing OFW; P1 milyong pautang nang walang kolateral para ma-kapagpasimula ng negosyo; study now pay later na edukasyon hanggang kolehiyo para sa anak ng OFWs; pabahay para sa OFWs at iba pang manggagawa at sa kanilang pamilya; at tulong legal para sa OFWs.

Ang Ahon Pinoy Party List ay hindi lamang para sa OFW kundi para rin sa ibang manggagawang Pinoy. Ang first nominee ng Ahon Pinoy ay si Dante Francis Ang II, pangulo at CEO ng Manila Times.

Habang ang nominee na si Ka Fundy Soriano ay kasalukuyang board member ng IBC 13, writer-director ng komedya-satirika na Ukay-Ukay ni Manang Kikay sa DZRH, host ng Sa Hapon Lamang sa DZRH tuwing Linggo, kolumnista sa tatlong tabloids at adviser ng tatlong iba’t ibang organisasyong OFW sa Hong Kong

* * *

PATULOY sa pagte-taping si Chris Tiu ng kanyang mga programa sa GMA-7.

Last Monday ay nagta-ping siya ng  Pinoy Records para sa revival ng hit portion nilang Pinoy Extreme Talent na nagpapalabas ng kakaibang talento ng Pinoy.

Super-busy ngayon si Chris bilang player ng Smart Gilas na pambato ng Pilipinas sa international competitions sa basketball.

Mapapanood si Chris ngayong Miyerkules sa Ripley’s Believe It Or Not kung saan tampok ang Harlem Globetrotters na sasabak sa matinding laban sa hardcourt vs tatlong gymnasts.

* * *

MAGANDA  ang feedback sa pilot airing ng First Time ng GMA-7. Swak kasi sa panlasang Pinoy ang team-up nina Joshua Dionisio at Barbie Fortaleza.

Nakaka-in-love ang dalawa lalo pa at may umaagaw sa pagtingin ni Barbie, si Jhake Vargas. Masarap nga namang balikan ang ating first love at first time habang pinapanood ang First Time pagkatapos ng Family Feud araw-araw, Monday to Friday.

* * *

Sa Family Feud, tampok ang celebrity stars ngayong linggo. Hindi matawaran ang tatanggapin nilang cash prize kapag nanalo sila ng P150,000 jackpot.

Kaya naman ganado ang host na si Dingdong Dantes dahil kapwa-artista ang makakasama sa kanyang game show.
 
Banner

Most Popular Articles

Most Commented Articles...

Journal Online Content Archives

Who's Online

We have 2,811 guests online