Home Showbiz Tsismis Ex-beauty queen dahilan ng hiwalayang Shaina-John Prats
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 3,852 guests online
Banner
Ex-beauty queen dahilan ng hiwalayang Shaina-John Prats PDF Print E-mail
by Beth Gelena   
Tuesday, 09 February 2010 18:55
HINDI naman pala si Denisse Laurel ang dahilan kung bakit nag-break sina Shaina Magdayao at John Prats.

May lumalabas ngayon na ang former Miss Earth na si Karla Henry ang pinagbubuhusan ng atensiyon ni John na sa a-ming palagay ay mukhang totoo.

Guest judge kasi sa Showtime si Karla at lagi itong tinutukso nina Vice Ganda sa dancer-actor.

Lagi namang sagot ni Karla ay magkaibigan lang daw sila ni John at mabait daw itong tao.

Pansin lang namin, mahilig talaga itong si John sa magagandang babae na hindi niya ka-height, huh!

* * *

NAGKAAYOS na kahapon ang pamilya Gutierrez at ang editor-in-chief ng PEP na si Ms. Jo-Ann Maglipon.

Nangyari ang pag-aayos ng magkabilang panig sa Department of Justice kung saan sa harap mismo ng mag-inang Richard at Annabelle ay humingi ng apology ang Pep editor-in-chief na tinanggap naman ni Richard.

Sabi nga ni Annabelle nang magbeso sila ng editor: “Si Jo-Ann kaya kong patawarin, pero ‘yung iba, hindi.”

Naku, sino kaya ang pinapatutsadahan ni Tita Annabelle?

* * *

NON-EXCLUSIVE ang kontratang pinirmahan ni Diamond Star Maricel Sorianosa TV-5.

At ang una niyang project sa bagong home studio ay isang drama anthology.

Nilinaw din ng aktres na na hindi siya umalis sa ABS-CBN. Maayos daw silang nagkausap ng Kapamilya Network at wala ring pag-hahabol na nangyari.

Sa ngayon ay napapanood sa GMA-7 si Marya bilang judge ng bagong show na Diz Is It, pantatapat ng Siyete sa Showtime ng Dos.

Hosts ng bagong show sina Bayani Agbayani, Ehra Madrigal, Grace Lee, at Sam YG (aka Shivaker).

* * *

MULI na namang nahaharap sa kontrobersiya ang Baywalk Bodies nu’ng hindi sila nakasakay sa Cebu Pacific para mag-show sa Cebu.

Recently ay nagpa-presscon ang manager ng Baywalk Bodies at Wonder Gays na si Lito de Guzman para sabihing tuloy ang pagsasampa ng demanda nila laban sa pamunuan ng Cebu Pacific.

Sobra raw silang naperwisyo sa ginawa ng Cebu Pacific kaya magsasampa sila ng kaso at may danyos-perhuwisyo na PP5.8M.

Anyway, kahit nahaharap sa malaking usapin sa korte ang Baywalk Bodies, pasasayahin muna nila ang kanilang fans sa show nila tonight sa Music Box, Timog Ave., Quezon City  na may nakakikiliting titulo na Sexy and Funny at uulitin nila sa Feb. 17 and 24.

* * *

FLATTERED si Diether Ocampo nang sabihin ni Angelica Panganiban na better kisser siya kay Jake Cuenca.

Ayon kay Diether, si-guro raw ay dahil marami na silang pinagsamahang pro-ject ni Angelica lalo na sa Iisa Pa Lamang, na nagkaroon sila ng passionate love scene noon.

Muling magkakapareha sina Diet at Angelica sa Rubi, na ayon kay Diet ay mas maraming matitinding eksena sila ni Angelica na magpapainit sa televiewers.

“Medyo nakakarami na nga kami, eh,” nakangiting sabi ni Diet. Ang isang bagay daw na nagustuhan sa magandang young actress ay ang pagiging professional nito.  Wala raw dapat ikaselos ang dyowa ni Angelica na si Derek Ramsay dahil trabaho lang ang kanilang ginagawa.

Hindi rin kinumpirma ni Diet ang intrigang break na sila ng non-showbiz girlfriend na si Rima Ostwani.

Ang tanging sinabi  ng aktor, gusto niyang ayusin ang lahat sa kanila ni Rima.

Ayaw muna niyang magbigay ng statement kung ano talaga ang real score between them at iginiit na walang problema sa kanilang dalawa ni Rima.

“We’re okay. Hindi naman maiaalis sa isang couple na minsan ay nagkakaroon ng misunderstanding, but we patch up agad para hindi lumalala. Saka normal lang naman ‘yun ‘di ba? Sa ngayon, pinasok na rin niya ang showbiz, pero sa hosting siya igu-groom ni Kuya Boy (Abunda). She’s under Backroon management na,” kuwento ni Diet sa presscon ng Rubi.

* * *

INI-LAUNCH ang bagong tabloid-magazine na STIR recently na dinaluhan ng showbiz press reporters at ikinasiya ang balitang welcome ang lahat na magsulat sa kanila.

Ang bagong tabloid-magazine ay published ng October Eighty Publications with partnership ng stir.ph, ang website ng Yehey! Digital Group kung saan ang subscribers ay umaabot sa 500,000 a month mula sa Asia, Europe, Middle East at maging sa Amerika.

Hindi man malampasan ng stir.ph ang partnership website, gagawin nila ang lahat para makilala nang husto ang kanilang tabloid-magazine sa market.
 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner