Home Showbiz Tsismis Pagpapaseksi ni Angelica sasabayan ni Shaina
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 4,069 guests online
Banner
Pagpapaseksi ni Angelica sasabayan ni Shaina PDF Print E-mail
by Chan-Chan Torres   
Tuesday, 09 February 2010 18:53
Nagsalita na rin sa wakas ang isa sa star ng local version ng Mexican telenovelang Rubi na si Shaina Magdayao tungkol sa split-up nila ng dyo-wang si John Prats.

Sa panayam ng aktres sa The Buzz, ikinuwento ni-yang two years din tumagal ang relasyon nila ni John at marami rin naman silang happy times together.

Giit din ni Shaina, hindi masasabing perpekto ang kanilang relasyon at pareho raw silang may  pagkukulang sa isa’t isa.  

Last year pa raw sila nagkalabuan ni John at naspasya silang finally ay maghiwalay bago mag-Pasko.  

Paliwanag ni Shaina, natagalan siyang magsalita about the break-up kasi she’s not the type na nagsasalita about her issues pero nanaig ang paniniwala niyang she still owes the public an explanation.

Siniguro rin ng magandang aktres na wala siyang sasabihin na makakasakit kay John dahil minahal din niya ito at ang kanyang pamilya. Isa pang nilinaw ni Shaina ay walang third party sa kanilang hiwalayan.

Mukhang wala pang closure ang paghihiwalay ng dalawa at kahit nagpapansinan sila ni John ay hindi pa sila nakakapag-usap nang maayos.

Pero umaasa si Shaina na isang araw ay magiging maa-yos din ang lahat sa kanila ni John.

Kaya focus muna si Shaina sa career kasi ngayon lang niya na-realize na marami pa pala siyang mga bagay na gustong gawin bilang aktres.   

Kasama si Shaina sa all-star cast ng Rubi, na mapapanood na sa Feb. 15 sa Primetime Bida ng Dos, tampok si Angelica Panganiban.  Gagampanan ni Shaina ang role ni Maribel, ang dalagang may gusto sa kay Hector (Diether Ocampo).

Sa tanong kung handa na ba siyang makipagsabayan kay Angelica (Rubi) sa pagpapaseksi, sinagot niyang hindi lang si Maribel ang handa  kundi pati si Shaina ay handang-handang ma-kipagsabayan kay Rubi.

Kaya abangan ang pa-kikipagtarayan ni Shaina kay Angelica sa kapana-pa-nabik na Rubi.

* * *

Sa Wowowee ay pormal na ni-launch ang Wil Perfume and Body Scent kung saan ang host na si Willie Revillame ang image model ng pinakabagong line of perfume na ito ng Bench.

Present sa launching ang Bench Man na si Ben Chan,  Keren Pascual and Miguel Pastor.

Pati si Georgina Wilson (pamangkin ni Gloria Diaz)  na kasama ni Willie sa  billboard ng   Bench ay  naroon din at hinandugan pa ni Wil-lie ng song number si Georgina  na ikinakilig ng audience.

Biniro tuloy si Willie na baka si Georgina na ang su-sunod na magmay-ari ng puso ng TV host?

Sa tanong kay Willie kung balak  ba nilang kunin na guest co-host si Georgina, mabilis niya itong sinagot ng: “Oo, balak namin. Pinag-aaralan.”

Guests din sina Pops Fernandez, Martin Nievera, Randy Santiago at Zsa Zsa Padilla sa Willie of Fortune, kung saan sina Pops and Martin ang nanalo.

Sa tanong kung ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Sam Pinto ang bagong nililigawan ni Willie, makahulugang ngiti sabay sabing “Hindi ito totoo,” ang isinagot ng TV host.

Pero bakit parang may kakaibang glow sa smile ni Willie ‘pag si Sam ang itinanong sa kanya?  Wala rin daw siyang  plano sa Valentine’s Day at iginiit na gusto niyang magpahinga  matapos ang isang linggong pagho-host sa Wo-wowee.

Available na ang Wil pefume and body scent sa lahat ng Bench outlets nationwide, na swak pangregalo sa inyong love ones sa darating na Araw ng mga Puso.
 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner