Related Articles...
We have 4,079 guests online
| I want to enjoy life now — Shaina |
|
|
|
| Tuesday, 09 February 2010 17:58 |
|
Sa mga naka-miss kay Jake Cuenca sa primetime slot after Tayong Dalawa, muling mapapanood ang aktor sa Rubi with Angelica Panganiban, Shaina Magdayao and Diether Ocampo simula sa Monday. Natutuwa ang aktor dahil sa napakagandang projects na naibibigay sa kanya. From his end, ginagawa raw niya ang lahat ng makakaya to improve on his craft. Nararamdaman ba niyang big star na talaga siya? “Ang sa akin lang naman, importante ang craft ko bilang artista, ginagalingan ko, sa acting ko and everything. ’Pag sinabi mo kasing star, parang ano, eh, daming ibig sabihin nu’n, eh. “Kaya ang sa akin naman, sobrang blessed ko na maraming tumatangkilik sa akin ngayon,” masaya niyang sabi. Sa dami ng kanyang ginagawa, aniya, talagang hindi niya maharap ang kanyang lovelife na siyempre ay ayaw naming paniwalaan dahil hanggang ngayon, consistent ang tsismis na sila na ni Melissa Ricks. Pero ani Jake, sa maniwala tayo at sa hindi, hindi pa talaga sila ni Melissa. “Lumalabas naman kami ni Mel, we’re dating, pero with a group, then, minsan, nagsimba kami, wala naman masama du’n, simba naman ’yon, ’di ba? “Wala pa talaga kaming reason,” say niya nang makausap namin sa grand presscon ng Rubi the other night sa Eastwood City. Pero continuous ang panliligaw niya? “Continuous ang friendship namin. Tulad ng sinabi ko, hindi ako naniniwala sa ligaw-ligaw, pero inaamin ko, I’m very big admirer of hers, gandang-ganda ako sa kanya, bait na bait ako sa kanya. “She’s the apple of my eye, pero sa ngayon kasi, marami rin siyang responsibilidad na ginagawa, ganu’n din ako, so, ano lang naman, hindi naman kailangang magmadali.” So, sino ang iimbitahan niya for a date on Valentine’s Day? “Tingnan na lang natin. Hindi ko naman siguro kailangang sabihin kung sino dahil feeling ko, alam n’yo na kung sino ang sasabihin ko,” he said. So, confirmed! Si Melissa ang Valentine date niya? “Wala akong sinabi,” tatawa-tawa niyang sabi. * * * Nakausap din namin si Shaina Magdayao sa presscon ng Rubi at naitanong namin sa kanya kung kumusta ang pagkikita nila ng ex-boyfriend na si John Prats sa ASAP XV last Sunday. “Kasi, hindi naman na ka mi nakakapag-usap pa ulit and alam n’yo naman ho ’yon, sa ASAP last Sunday, binati naman niya ako, so, ’yon.”Binati siya ng hello? “Hindi, babay,” natatawa niyang sagot. Natanong din namin kay Shaina kung ano ang katotohanan sa isyung lagi siyang gumigimik sa bar at naglalasing na diumano’y naging reason ng breakup nila ni John. “Kasi, iba-iba ang mga tao, eh. ’Yung iba, ang gusto nila, yosi, ’yung iba, ang gusto nila, inom. Pero huwag ho nating kalimutan na tao rin naman kami. Mas lalo na ako, kasi I want to enjoy life now, being single, lahat ho ng opportunities na nakukuha ko ngayon, gusto kong i-enjoy, so, kung anuman ho ang nangyayari sa akin ngayon, and kung ano ’yung mga ginagawa ko, siguro, as long as alam ko ang responsibilidad ko bilang artista, bilang kailangan kong maging magandang ehemplo sa kabataan, at saka ’yung responsibilidad ko sa buhay at bilang tao, okay lang ho ako doon. At saka, as long as alam ko ho ang limitations ko,” she said. Hindi naman daw siya nagugulat sa grabeng negative issues na naglalabasan dahil alam niyang parte ito ng trabaho niya. “Kaya nga po, ang pinanghahawakan ko na lang po is kung ano ang totoo, may pinaninindigan ako, and okay lang ho ako kahit ano pa ang sabihin ng tao,” pahayag pa ng young actress. |
Most Popular Articles
- Nadine confirm tension at ‘Endless Love’ set ( 405 views )
- Richard magnitized on Solenn's beauty ( 373 views )
- I'm not jelous & telltale - Marian ( 229 views )
- Marian insecure to Bela ( 227 views )
- July 2010 Nursing Exam Results ( 209 views )







mi nakakapag-usap pa ulit and alam n’yo naman ho ’yon, sa ASAP last Sunday, binati naman niya ako, so, ’yon.”