| Krista Ranillo, Pacman pinatitiktikan ni Jinkee Pacquiao |
|
|
|
| Saturday, 06 February 2010 19:18 |
|
Para mawaglit kahit sandali ay dadaanin na lang daw muna ng grupong Baywalk at Wonder Gays sa pag-awit, indakan at tawanan ang traumang naranasan nila. Sa Feb. 10, 17 at 24 ay magkakaroon sila ng show sa Music Box, Timog Q.C titled Sexy and Funny kung saan magpapatalbugan ang dalawang grupo sa pag-awit at pagpapaseksi. May nag-sabi sa amin sa shows na ito, baka magtanggal ng panty ang Baywalk Bodies at underwear ang Wonder Gays bilang protesta nila sa palpak na serbisyo sa kanila ng mga kawani ng Cebu Pacific airlines noong pupunta sila sa Cebu Sinulog Festival para mag-show roon. Makakasama ng Baywalk Bodies at Wonder Gays ang singer/composer na si Blanktape na siyang uma-wit at nag-compose ng Chika Lang Yun at Banana na paboritong kantahin ngayon ng mga bagets Kasama rin sa show ang itinanghal na New Male Recording Artist of the Year sa 1st PMPC Star Award for Music na si Jimore. For tickets reservation, call 02-374-7977 or 02-374-7978, mobile number 0921-656-2303 / 0915-9931456. * * * NAPAKASUWERTE ng mga bagets na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Jhake Vargas na gumanap na batang Rhian Ramos, Dingdong Dantes at TJ Trinidad sa Stairway to Heaven respectively. Bida na sila sa First Time GMA Telebabad na magsi-simula sa Feb. 8, bago ang 24 Oras. Istorya ng mga kabataan sa high school at kani-kanilang first crush ang tema ng palabas. Kasama sa primetime series na ito ang former StarStruck kid avengers na si Bea Binene, young Eunice ng Stairway to Heaven na si Jhoana Marie Tan, atbp. Sa ginanap na presscon ng First Time ay nagpasalamat ang tatlong bagets sa ibi-nigay na suporta sa kanila ng mga batikang actor sa pa-ngunguna nina Eric Quizon, Ian Veneracion, Manilyn Reynes, Romnick Sarmenta, Ana Capri, Bayani Agbayani, Cris Villanueva, Alicia Mayer, Joross Gamboa, Michelle Madrigal Roxanne Barcelo, atbp. sa direksyon ni Andoy Ranay. * * * HINDI pa rin naniniwala si Jinkee Pacquiao na nagkikita nang palihim sa U.S. nga-yon sina Krista Ranillo at Manny Pacquiao dahil sigu-radong makararating daw sa kanya kapag nagloko ulit ang Pambansang Kamao. “Alam niya (Manny) kung ano ang mangyayari sa amin kapag ginawa niya ulit yung mga hindi kara-pat-dapat. So, kailangan behave siya,” say ni Jinkee. Muling iginiit ng wife ni Pacman na hindi naman siya nagbibingi-bingihan lang dahil may mga galamay daw siyang magpaparating sa kanya ng mga ginagawa ni Manny habang nag-eensayo para sa nalalapit na laban kay Joshua Clottey. “Basta ang masasabi ko lang ay okey kami. Nagka-kausap araw-araw. Nagkakaintindihan kami. Kung mayroon pa ring manggu-gulo, ibang usapan na ‘yan,” dagdag pa ni Jinkee na may halong pagbabanta sa tinig. * * * NAG-DEBUT kamakailan ang panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Inah de Belen Estrada. Hindi dumating si Janice sa debut party ng anak na ini-handa ni John. Nagkausap na raw sina Janice at Inah na hin-di siya makararating sa party at naintindihan naman daw ng anak ang kanyang dahilan. Sa interview kay Janice sabi niya: “Hindi naman na-susukat ang pagiging isang ina sa isang araw lang.” Samantala, nakaka-touch ang naging emosyonal na mensahe ng debutante sa party dahil sa harap ni John sinabi ni Inah na: “There were lots of times that I got mad at you. But I just want you to know that kahit na galit ako sa`yo, and even though I talked back at you because of certain issues, I forgive you and I love you. “I hope you won`t do the same thing again and I want you to be happy and I want you to be happy with Ate Pri (Priscilla Mereilles, John`s fiancée). And I`m happy that Ate Pri is with you. “I just want you to know that I will always be your lit-tle girl and I love you, dad!” Umiiyak si Inah sa paha-yag na ito. Sa ganda at pag-kakaroon ng dugong artista ay posibleng pasukin na rin ni Inah ang pag-aartista. Pero, pagdidiin ng panga-nay nina John at Janice na ta-tapusin muna niya ang pag-aaral at saka lang niya pag-iisi-pan kung papasukin na rin ang magulong daigdig ng showbiz. |







HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ng grupong Baywalk Bodies at Wonder Gays ang kahihiyang dinanas sa kamay ng mga tauhan at mga nangangasiwa ng Cebu Pacific airlines.