| Daniel Razon mas una ang gawa kaysa ngawa |
|
|
|
| Friday, 29 January 2010 19:37 |
|
Hataw na sa panga-ngampanya ang mga pulitikong kakandidato sa darating na eleksyon bitbit ang mga pangako na iaahon tayo sa kahirapan ang ating mga kababayan at magandang edukasyon para sa mga kabataan. Ito ay puro pangako pa lamang at hindi tayo nakasisiguro kung magkakaroon ng katuparan. Mas naniniwala pa ako kay Kuya Daniel Razon, tinaguriang “Mr. Public Service,” dahil mas nauuna ang gawa kaysa sa ngawa. Tulad ng pangarap ni-yang makapagbigay ng lib-reng edukasyon sa mahihirap na kabataan. Ang hindi natin alam, mayroon na pala siyang paaralan sa Pampanga na nagbibigay ng libreng edukasyon sa elementary, high school at kolehiyo, na ang gagawin na lang ng mga estudyante ay papasok na lang dahil kumpleto sila sa libro, uniform at pati sa pagkain. Sa darating na pasukan ay bubuksan na rin ni Kuya Daniel at ng kanyang Kamaanggagawa Foundation ang La Verdad Christian College sa Calookan City na magbibigay din ng libreng college education para sa mahihirap na kabataan, na ang tanging pagbabasehan ay totoong mahirap at interesadong makatapos ng pag-aaral. Libre lahat at may opportunity na kumita para pandagdag-gastos sa kanilang personal na pangangailangan. Magsisimula sa dalawang kurso ang naturang kolehiyo at ito ay ang Mass Communications at Nursing course. Dahil sa adhikaing ito ay naisip nilang itakda ang “Takbo Para Sa Libreng Kolehiyo” sa January 31 sa SM Mall of Asia kung saan ang malilikom na pondo mula sa tinatarget na 50,000 lalahok sa marathon ay idaragdag sa naturang pro-yekto. Nasa 26,000 katao na ang nagpatala para sa naturang marathon at na-break na ang Philippine record na 23,000 participants na naitala sa nakaraang fun run. Inaasahang mabe-break din ang world record sa katulad na event na 43,000 participants sa New York City noon. Ang libreng edukasyon ay isa lamang sa napaka-raming proyekto ni Kuya Daniel Razon na pinakiki-nabangan ng ating mga kababayan sa ibat’t ibang panig ng bansa. * * * MULING magpapakitanggilas ang “Himig Ariel Scholars” ng kanilang talento sa show nila sa Music Box sa kanto ng Quezon Ave. at Timog Ave., QC kung saan makakasama nila ang comedienne na si Marissa Sanchez Hindi lang sa pagkanta magagaling ang scholars ni Kon. Inton kundi maging sa pagsasayaw. Umaabot na sa mahigit na 4,000 ang estudyante sa Himig Ariel ang nabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang talento. Para makita ang mahuhusay na “Himig Ariel Scholars” panoorin sila at maaa-ring pati mga anak ninyo ay maengganyong pumasok sa naturang grupo at ma-develop ang kanilang mga talento. |






