Barge at barko nagbanggaan


MASWERTENG nakaligtas ang 265 na pasahero at crew matapos na magbanggaan ang isang barko at barge kahapon ng medaling araw sa karagatang sakop ng Lapu-Lapu City, Cebu.

Batay sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng madaling araw.

Ayon sa  ulat, nilalayag ng MV Lite Ferry VIII ang naturang karagatan mula sa Ormoc City nang aksidenteng mabangga ito ng barge na Iron Man 1 sa may bahagi ng Bantoilinao Point na sakop ng Mactan Channel.

Sinasabing sa 265 kataong nasagip ay 44 rito ay mga tripulante ng naturang barko.

Agad namang rumisponde ang mga divers at rescuers mula sa Philippine Coast Guard (PCG 7) upang tulu-ngan ang mga pasahero at tripulante.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.




Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC