6 most wanted sa Bulacan arestado


MALOLOS City -- Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang anim na most wanted persons sa lalawigan ng Bulacan kabilang ang isang 78-anyos sa isinagawang operasyon ng Bulacan Police Provincial Office kamakalawa.

Kinilala ang mga nahuli na sina Dervillano Alamachar Jr., alias Boy Singhot, 44, ng Sitio Tabing-Ilog, Bgy. Sta Clara, Sta. Maria, Bulacan, ika-18 sa listahan; Raymond Concepcion, 33, taga-Bgy. Masuso, Pandi; Romeo Valiente, 42, tubero,  ng B5, L1, Section 24, Phase 3, Pabahay 2000, Bgy. Muzon, SJDM City; Restituto Manrique, 78, ng San Pedro, Laguna; Bernardo Sacare, 23, tricycle driver, ng Malanday, Valenzuela City, at Felipe Inovero, 31, ng Bgy. Balagtas “BMA,” San Rafael, Bulacan.

Sinabi ni Senior Supt. Fernando Mendez Jr., Bulacan police director, na ang sunud-sunod na panghuhuli ng mga wanted person sa lalawigan ay alinsunod sa direktiba ni Chief Supt. Edgardo Ladao, Police Regional Office 3 director, na mas  lalong paigtingin ang kampanya laban sa mga taong nagtatago sa batas.

Ayon kay Supt. Raniel Valones, Sta. Maria police chief, si Almachar ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Guillermo  Agloro, ng Regional Trial Court Branch 83, Malolos City, sa kasong bigong pagpatay na may rekomendadong piyansang P200,000.

Idinagdag pa ni Mendez na si Concepcion ay nahuli ng Provincial Intelligence Branch nu’ng Sabado, alas-4 ng hapon, sa Bgy. Banga, Meycauayan City. May recommended bail na aabot sa P460,000 ang suspek para sa mga kasong robbery, violation of R.A. 6539, robbery with serious physical injuries.

Nahuli naman ng mga operatiba ng San Jose del Monte sina Valiente sa kasong unjust vexation at Manrique sa kasong slander na inisyu ni Judge Pelagia J. Dalmacio-Joaquin, ng Municipal Trial Court, SJDM City, Bulacan.

Ayon naman Senior Insp. Randy Korret, acting chief of police ng Meycauayan City, nadakma nila si Sacare sa tulong ng Regional Public Safety Battalion 3 (RPSB3).

Ang suspek ay may kasong pambubugbog sa isang bata na may kaukulang piyansang P80,000.

Samantala, dinagdag ni Supt. Rodolfo Henandez, hepe ng pulisya ng San Rafael, na si Inovero ay laglag sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Pinapurihan naman ni Mendez ang mga chief of police at mga tauhan nito na responsable sa panghuhuli ng mga most wanted person sa lalawigan.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC