OFW remittances umakyat ng 7 porsyento


UMAKYAT ng pitong porsyento ang remittances ng overseas Filipino workers (OFW) at nakatulong sa ekonomiya ng bansa sa unang siyam na buwan.

Sa record na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umaabot sa 14.756 bilyong dolyar ang napunta sa kaban ng bansa mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon o tumaas ng $974 milyon mula sa $13.782 bilyon noong nakaraang taon.

Ayon kay BSP Governor Amando Tetangco Jr., tumaas ng 5.3 porsyento o $11.6 bilyon sa unang limang buwan ang remittance ng land-based Filipino workers habang 14.1 bahagdan naman o $3.2 bilyon ang naipasok sa ekonomiya ng mga sea-based worker.

“Overseas Filipino remittances continued to be an important contributor in solidifying the country’s economic fundamentals amidst the lingering global economic uncertainties, driven by prospects of sustained demand for Filipino workers abroad,” sabi ni Tetangco.

Base sa estatistika ng BSP, nagmula ang 85 percent ng kabuuang remittance ng OFW sa loob ng siyam na buwan sa mga bansang  Canada, U.S., Japan, Singapore, Norway Saudi Arabia, United Kingdom, United Arab Emirates, Italy at Germany.

Ang pumasok na kontribusyon ng OFW sa bansa sa buong buwan ng Setyembre ay umabot sa 8.4 percent o $1.735 bilyon mula sa $1.6 bilyon kada taon.

Ito na ang maituturing na pangalawa sa pinakamataas na buwanang tala ng BSP makaraang makakolekta ito ng $1.737 bilyon noong Hunyo.

Ito ay patunay na in demand ang mga OFW sa halos lahat ng mga bansa, may kaguluhan man o wala.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC