Pasay Mall walang public bidding?


TOTOO ba na ang malaking mall sa panulukan ng Libertad Street at Taft Avenue, na pag-aari ng pamahalaan ng Lungsod ng Pasay, ay ipinagkatiwala ang pamamahala sa loob ng 25 taon sa isang maimpluwensyang Intsik sa panahon ni dating PGMA nang walang naganap o ginawang public bidding?

Ayon sa aking mga espiya, ang napagkalooban ng 25-taong kontrata ng pamunuan ng lungsod ng Pasay sa ilalim ni Mayor Antonino Calixto Jr. ay ang negosyanteng si Nelson C na sobrang lakas ng kapit sa adminsitrasyon ng dating Pangulo at ngayon ay Kongresista Arroyo.

At sinasabi ng aking mga espiya na may kwestionableng background umano si Nelson C at malakas din ang impluwensya sa dating namumuno sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si dating Chairan Elfren Genuino.

At kaya sinasabi na si Nelson C ay may kwestionableng background ay marami itong nalalaman o may kinalaman sa pag-imprenta ng mga pekeng ‘election returns’ na umano’y ginamit sa halalan nuong taong 2004.

Sinasabi ng aking mga espiya na si Nelson C umano ang may-ari ng Grand C Graphics, ang “favored printing firm” ni PAGCOR chair Genuino na kumu-corner sa lahat ng uri ng printing job na ipinagagawa ng PAGCOR noon.

Si Nelson C umano at ang Grand C Graphics ay binayaran ni Genuino o ng PAGCOR  ng milyun-milyong halaga ng salapi sa pag-imprenta ng mga pekeng 2004 election returns na umano’y ginamit nga nu’ng 2004.

Ang ’di lang malinaw dito  ay kung sino ang naglapit o nagpadrino kay Nelson C  kay butihing alkalde ng Pasay na si Mayor Calixto, na naging dahilan upang makopo nito kahit walang kaukulang ‘public bidding’ ang pamamalakad sa Pasay Mall sa loob ng 25 taon. He.. he.. he…

Mukhang nagkaron ng lagayan o tong-pats dito at maging ang mga kapatid ko sa hanapbuhay dyan sa Lungsod ng Pasay ay tahimik na tahimik sa malaking anomalya na nangayayari sa Lungsod.

Totoo kaya ang ibinulong sa akin ng aking mga espiya na kaya umano tahimik na tahimik  ang aking mga kapatid sa hanapbuhay dyan sa Pasay City, kaugnay ng pagkaka-award nang walang public bidding kay Nelson C nang Pasay Mall, ay bunga naman ng humigit-kumulang sa P7 milyung pinaghati-hatian ng ilang mga mamamahayag mula sa television, print at broadcast media?

Ching-Ching Bells,Ching-Ching Bells, Ching-Ching  All The Way.

Merry Christmas Po mga igan! he…he....he…

* * * *

Pina-implement na pala ng Lungsod  Quezon ang kanilang inaprubahang panukalang batas na nagbibigay ng ‘free parking fee’ para sa mga senior citizen na paparada sa mga pay parking spaces ng mga ‘shopping malls’ sa Lungsod.

Ang siste, tanging ang Robinson’s Supermarket lang sa Congressional Avenue sa Lungod  Quezon ang sumusunod sa nasabing city ordinance na naglalayon na magbigay ng libreng ‘parking fee’ ang mga mall sa Quezon City sa mga senior citizen.

Ipakita mo lang ang iyong senior citizen ID ay hindi ka na pagbabayarin nang Robinson Suprmarket ng parking fee at ito ay inagawa na nila may tatlong linggo na ang nakakalipas.

Samantalang ang malalaking mall sa syudad tulad ng SM North at SM Annex at maging ang Trinoma ay patuloy na tumatangging magbigay ng libreng parking sa mga senior citizen na nagtutungo at pumaparada sa kanilang mga ‘pay parking areas’.

Iba-iba ang idinadahilan ng mga teller ng SM North at SM Annex, SM Fairview at Trinoma sa mga senior citizens na humihingi ng libreng parking sa mga ito.

Kesyo hindi pa nila natatangap ang order mula kay Henry Sy at mga opsiyal ng SM shopping mall sa Quezon City hinggil sa pagbibigay ng libreng parking sa mga senior citizens na inaprubahan at ipinag-utos ng city council na ipatupad may isang buwan na ang nakakalipas.

Idinadahilan din ng mga malalaking mall na ito sa Lungsod Quezon na wala pa sa kanila ang orihinal na kopya ng resolution ng Quezon City Council na nag-uutos na magbigay sila ng libreng parking sa mga senior citizens.

Kaya suma tutal, nilalabag ng mga swapang na may-ari ng malalaking shopping malls sa Quezon City lalo na ang SM North Edsa at SM Annex, SM Fairview at iba pang SM mall sa Lungsod Quezon kasama na ang Trinoma ang batas at kautusan na ipinasa ng  konseho ng syudad, kaugnay ng pagbbibigay ng libreng parking sa mga senior citizen.

* * * *

Samantala, nais kong purihin at bigyang pugay ang pamunuan ng McDonalds fast-food chains dahil sa walang limitasyong pagbibigay nila ng 20 percent at 12 evat exemptions sa mga senior citizens.

Bakit kanyo? Eh! ang McDonald lang ang nagbibigay ng 20 percent at 12  percent evat exemptions sa mga senior ciotizens kahit sangkaterba ang bitbit ng lolo at lola na mga apo at anak.

Lahat sila ay may diskwento kahit na lampas ng P1,000 ang nakunsomo nina lolo at lola.

Ginagawa din nila ito sa mga ‘take-out o yaong mga drive-thru outlets nila na walang limitations ang pagbibigay ng discounts sa mga senior citizens kahit pa may kasamang chicks si lolo.

Di tulad  ng Jollibee na hanggang P150 lang ang binibigyan nilang discount samantalang ang Goldilocks, Shakey at iba pang swapang na fast-food chains ay hindi kailanman nagbibigay ng discounts sa mga senior citizens.

Bakit ’di kumikilos ang mga awtoridad laban sa mga di nagbibigay at naglilimita ng discounts sa mga senior citizens? ’Di ba nila alam na ang P150 ay para lang sa isang malaking hamburger, softdrinks at catsup at bitin ang isang senior citizen na makakain nang gusto niyang chicken, spaghetti, sundae, pie, at maging soup sa nasabing halaga?

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC