Birthing facility sa Malolos pinasinayaan


MALOLOS City -- Pinangunahan ni Mayor Christian D. Natividad ang pagpapasinaya ng bagong RHU III Birthing Facility sa Bgy. Bagong Bayan sa lungsod na ito kamakailan

Sinagot ng Rotary Club of Malolos ang mga pasilidad upang matagumpay na makapagbukas ang RHU III Birthing Facility at mapalawak pa ang serbisyong medical sa nasabing lungsod.

Ayon kay Natividad, napakalaking tulong sa pamayanan kung pagsasamahin ang kakayanan ng gobyerno at pribadong sektor.

Kinilala ni Natividad ang walang sawang suporta ng City Health Sector at mga RHU teams na kanyang katuwang sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayang kanyang nasasakupan.

Naggawad din ang batang mayor ng Most Outstanding Buntis Award sa dalawang buntis na masigasig na nagpapa-check-up at dumadalo ng mother’s class.

Dinagdag pa ni Natividad na ang pagtulong sa kapwa ang patuloy niyang nagiging inspirasyon upang lalong paigtingin ang kanyang serbisyo sa mga Malolenyo.

Nagbigay din ng kanilang pagbati sina Vice Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian at Konsehal Bernardo Ople.

Ang birthing facility ng RHU III ay patunay sa sama-samang pangangarap at pagkilos ay abot-kamay ang Bagong Malolos!

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC