Carlo J: May sikreto si Pacman kaya nanalo!


IPINAHAYAG kahapon ni National Artist at Komiks King Carlo J. Caparas na si Manny Pacquiao ang nanalo sa laban nila ni Juan Manuel Marquez.

Marami kasing sikreto ang panalo ni People’s Champ Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa   laban niya sa challenger na si  Juan Manuel Marquez ng Mexico.

Ayon sa manunulat  at  multi-awarded na director ng komiks at pelikula, isa sa pinakamatibay na armas  sa arsenal ni Pacman ay ang tapang niya at kagustuhang lumaban.

Kahit pa nga may matinding pulikat sa mga binti, umaatake  pa rin daw si Pacman sa buong 12 rounds na laban. At kahit tamaan ng mga suntok ni  Marquez,sugod pa rin, to think na si Pacman ang kampeon.

Si Marquez, kapag tinamaan ni Pacquiao, magka-counter, tapos  atras na agad o yayakap. Suntok takbo ang ginagawa ni Marquez, kahit siya ang challenger na dapat sana siya ang umaatake.

Malaking bagay sa mga judges ang pagiging “aggressor” ng isang boksingero, pati na sa mga manonood. Kaya mapapansin na ang mga Mehikano lang halos ang nambu-boo sa desisyon.

Mahusay silang dalawa, kaya close fight lagi ang magiging  laban nila. Ilang beses man silang magsagupa. Basta sa tatlong pagsasagupa nila, apat  na beses na pinababagsak ni  Pacquiao si Marquez, at ni wala kahit isang beses na bumagsak si Pacman.

Matibay si Pacman  at malakas kesa kay Marquez sa pagpapakawala  at pagtanggap ng suntok. At lalong nakakahigit si Manny Pacquiao  kay Marquez sa taimtim na  pananalig sa Diyos.         Pagkatapos ng 12th round ay agad na pumunta sa isang sulok ng ring si Manny,  lumuhod at taimtim na nanalangin samantalang si Marquez ay itinaas niya agad ang kanyang kamay.

“Kaibigan ng Diyos   si Manny,” pangwakas na wika ni Direk Carlo.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC