Ramgen & Janelle plan to marry in 2013


Sa ipinadalang statement ni Janelle Manahan sa Entertainment Live last Saturday, she revealed na nagbabalak na pala silang pakasal ni Ramgen Revilla sa taong 2013.

“Matagal na kami nagpaplano... Ang huling sinabi niya sa ’kin, gusto niya magpakasal,” pahayag ni Janelle sa kanyang text message.

Pero dahil nga sa hindi inaasahang trahedya noong October 28 kung saan ay nabaril at nasaksak si Ramgen na siyang kumitil sa buhay nito habang si Janelle naman ay nabaril sa mukha at masuwerteng nakaligtas, ang lahat ng kanilang plano ay parang bulang naglaho.

“Madami siyang plano para sa aming dalawa, sa magiging pamilya namin in the future... nalulungkot ako na hindi na siya mangyayari," sabi pa ni Janelle.

Pero sa ngayon, tanging hustisya na lang daw para kay Ramgen ang kanyang hiling.

“Everything happens for a reason, wala pa akong kasagutan sa nangyaring ’to sa amin ngayon pero in time, sana soon, maintindihan ko kung bakit ganito ang ending namin ni Ramgen,” pahayag ng Kapamilya actress.

* * *

Ayon kay Erich Gonzales, excited na siya sa pelikulang pagsasamahan nila ng Thai superstar na si Mario Maurer. Pero aniya ay sa April or May next year pa raw sila magsisimulang mag-shoot at sa Thailand at dito daw sa ’Pinas kukunan ang movie.

Nang tanungin ang leading man ni Erich sa Maria la del Barrio na si Enchong Dee kung hindi ba siya nate-threaten sa presence ni Mario sa buhay ni Erich, aniya ay hindi naman daw at natutuwa pa raw siya para sa ka-loveteam,

“Kumbaga, sabi ko nga, if tuloy na tuloy na ang movie, I’ll be the one na susuporta sa kanila kasi isang magandang move ’yun para sa kanya (Erich) na talagang she’s doing something big, ’di ba?” say ni Enchong.

When asked kung totoo bang a-appear siya in a cameo role sa pelikula nina Erich at Mario, aniya ay wala pa naman daw nababanggit sa kanya.

“Kung meron, willing naman ako.”

Okay din daw sa kanya kahit isama pa siya sa main cast pero may kundisyon lang siya.

“Okay lang ako, basta huwag lang kambal (ang role) kasi, magkamukha na kami tapos kambal pa ang role namin,” natatawa niyang pagbibiro.

Dagdag pa niya, “sige, tingnan natin ang role. Kasi honor din naman na makasama ko siya kasi international star siya.”

* * *

May lumilitaw na tsismis na kaya raw tinanggap ni Matt Evans ang supporting role sa Angelito: Batang Ama ay dahil girlfriend nito si Charee Pineda na leading lady naman ng bidang si JM de Guzman.

Kaya naman sa presscon ay natanong si Charee kung gaano ito katotoo at itinanggi niya ang balita.

“Wala, hindi. Bakit? Hindi po kami,” ang tila gulat niyang sabi.

So, ano ang real score sa kanilang dalawa?

“Hindi kami, wala po talaga. Friends kami ni Matt. Lumalabas kami with the group, halos magkakasama kami nina Helga (Krapf), Jessie (Mendiola), Melissa (Ricks), Matt. Kaya siguro lumalabas na ganoon,” sabi niya.

Parang magkapatid lang daw ang turingan nila ni Matt, tagapayo pa nga raw niya kung minsan.

“Magkakapatid kami kasi kapag may problema ako o sinuman, siya nag-a-advice since siya ang pinakamatanda sa grupo, kumbaga siya ’yung tagapayo.”

Kahit may nagsabi na sa kanyang nakikita raw silang super-sweet ni Matt sa taping, super-deny pa rin si Charee.

“Ay grabe naman, imbento na ’yun. Hindi, wala talaga. Wala akong boyfriend ngayon. Mamatay na ako ngayon,” pagdidiin ni Charee.

Samantala, ginagampanan ng young actress ang role na love interest ni Angelito (JM) at mabubuntis nang wala sa panahon.

Excited at happy si Charee sa malaking project na ito na ibinigay ng ABS-CBN sa kanya.

“Sobrang excited and pressured kasi matagal kong hinintay ito tapos ’eto na. Tapos ang ganda pa noong role na ipinagkatiwala sa akin. Sobrang happy din ako at effective ’yung pagdarasal ko.”

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC