Richard ignores Pacquiao fight


Pagkatapos ng Munting Heredera ang time slot ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown at ang pilot nito ang rason para hindi na manood si Richard Gutierrez ng laban ni Manny Pacquiao. Malalaman kung bakit sa San Vicente, Palawan ang napiling location at ipinagmamalaki ni Richard ang castaways na may kani-kanyang isyu.

Gusto munang mag-unwind ni Richard after SPCDS, in fact, the whole November ay rest month niya dahil sa December, sabak na naman siya sa trabaho. May sisimulan siyang movie at sasali siya sa triathlon.

Na-interview namin ang tambalan nina Arnold Aninion at John Odulio ng Phillipine Volcanoes at sa lakas ng humor ng una, puwede siyang comedian. Stage actor din siya sa New Zealand and he can sing.

Hindi kasama si John sa billboard ng Phil. Volcanoes, pero si Arnold nanghinayang dahil pink Bench underwear daw ang suot niya. Ang laking tuwa ng bading reporter na kasabay naming nag-interview dahil ipinakita ni Arnold na Bench underwear ang suot niya sa presscon.

* * *

Ang closeness ang binanggit nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Kristoffer Martin at Joyce Ching ang isang binanggit ng apat na nagawa sa kanila ng afternoon soap ng GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin. Naniwala kami dahil kahit sina Kristoffer at Joshua na nagkaroon ng isyu dati, mas close na. Nakita naming hinalikan ni Kristoffer si Joshua (sa pisngi) bilang paalam dahil nauna siyang na-pack-up.

“Natulungan din kami sa acting ng ILAM, kung sa Tweenhearts, pa-cute lang kami, dito, kahit light ang mga eksena ko ngayon, mas serious pa rin. Challenge sa akin na ibahin ang acting ni Charles na karakter ko dito sa Tweenhearts. Mas nabuo ang bonding naming apat dito, mas close kami,” sabi ni Joshua.

Sinang-ayunan ito nina Barbie, Joyce at Kristoffer. Sabi ng una, kahit drama ang eksena, nagkakatawanan sila minsan. Challenge naman kay Joyce ang maging bida-kontrabida kay Barbie at kinailangang ibahin niya ang istilo ng pag-iyak sa kasama para magkaiba sila.

Natutuwa si Kristoffer na extended sila, pero wish nitong madagdagan ang eksena niya dahil minsan, five sequences lang siya at lagi silang nauunang mata-pos ni Joshua. Nilinaw nitong hindi siya nagrerek-lamo, nami-miss lang daw niya ang mag-drama, kaya ito nabanggit.

* * *                                                             

Break na pala sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, more than two weeks na raw at kaya hindi agad nabalitaan dahil nag-usap yata ang dalawa na hang-ga’t walang nagtatanong, hindi nila sasabihin ang kanilang paghihiwalay.

Mutual decision ang breakup ng dalawa’t napag-usapan daw na focus na muna sila sa kani-kanyang career. Tama lang naman dahil pareho silang bata at si Alwyn, may responsibilidad sa pamilya. Medyo nawala sa eksena si Jennica at sana bumawi siya sa Sundo dahil kailangan niyang humabol para ‘di tuluyang ma-out sa race.

* * *

Anak ni Benjie Paras kay Jackie Forster si Kobe Paras, ang bagong endorser ng PLDT myDSL. Siya ‘yung guwapong bagets sa TVC na inaa-lalayan ng ina sa pag-i-Internet. Nalaman naming 14 y/o si Kobe, high school student sa Ateneo at member ng junior team ng Alaska. Marami pa sana kaming nalaman sa bagets kung natuloy ang press-con nito.

Ipinapakita sa TVC ng PLDT myDSL na kahit sa anong bagay, ang pamilya ang biggest support system natin. Ang latest plan offer ng PLDT myDSL ay para sa buong pamilya. Ito’y ang PLDT’s Triple Play package na nagbibigay ng access sa 17 channels at exclusive content. 

For more information, log on to www.myworld mydsl.com.

* * *

Simula this Monday, mapapanood ang Amaya after 24 Oras  at ang new time slot  ay hindi lang para maka-accommodate ng more viewers, para rin sa students na primary audience ng epic serye.

Sa episode mamaya, pinakawalan ni Lingayan (Ayen laurel) si Lamitan (Gina Alajar) para hindi mapahamak ang mga anak. Kakausapin ni Lingayan si Binayaan (Glaiza de Castro) para hindi isiwalat ni Lamitan ang plano ni Bagani (Sid Lucero) kay Angaway (Ryan Eigenmann).

May plano si Lamitan para bumalik ang tiwala sa kanya ni Angaway at pipilitin si Binayaan na maging sandal (second wife) ni Angaway na tinutulan ni Binayaan. Magtagumpay kaya si Lamitan na naipakasal ang anak sa lalaking ayaw niya?

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC