Rich asked to deplane


Hindi akalain ni Rich Asuncion na makakaranas siya ng kahihiyan nu’ng sumakay siya sa isang eroplano para palabasin lang.

Ayon sa nakarating sa aming kuwento, biktima raw ang isa sa talent ng GMA Artist Center na si Rich ng kaguluhan naganap sa naturang airline company nu’ng umuwi siya sa Bohol noong nakaraang Undas.

Ayon sa kuwento, binigyan na raw ng boarding pass si Rich at nakapasok na sa loob ng eroplano.

Pero nagkaroon daw ng “overbooking” at isa si Rich sa biktima.

Ang resulta, kinailangan pababain  ang Kapuso young star to give way sa mga pasaherong naunang nabigyan ng booking.

Awang-awa tuloy si Rich sa sarili kaya napaiyak sa sama ng loob at kahihiyang dinanas.

Mabuti na lang kinabukasan, nakalipad na siya papuntang Bohol, pero hindi pa rin makalimutan ang karanasan na first time napalabas sa eroplano.

* * *

Marami ang nagtaasan ng kilay nu’ng sabihin na si Sarah Lahbati na daw ang susunod na Marian Rivera.

Hindi porke may lead role na raw itong ginagawa sa GMA7, kaagad na sasabihin na susunod na siyang big star ng GMA7.

Anyway, sana nga, maging maganda at simula na ang papagandang showbiz career ni Sarah sa magandang break na ibinigay sa kanya sa Kokak ng Kapuso Network.

Samantala, masaya namang ibinalita ni Francheska Farr na unti-unti na niyang naipapagawa ang bahay nila sa Pilar Village, Las Piñas City, na kasama rin sa serye ni Sarah.

Kuwento ni Francheska, kahit na may condo unit siya sa Quezon City, gusto pa rin niyang umuwi sa Las Piñas dahil doon, nakapagpapa-hinga siya kapag walang trabaho.

Miss na rin ni Francheska ang umarte sa big screen, after ng critically acclaimed niyang Emir.

* * *

Paano at anong remedyo kaya ang gagawin ng Dos sa ginawang kumpirmasyon ni Ruffa Gutierrez sa pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?

Sa taped interview kasi kay Ruffa na iniere sa Paparazzi, she revealed na ang isa sa mga dahilan ng paglayo niya kay John Lloyd ay dahil sa sobrang pag-inom nito ng alak.   

“Yung pagiging babaero niya, pangalawa na lang ’yun. But let’s first go to the problema na sinabi niya sa akin na, “Hindi mo ako magugustuhan kapag nakilala mo na ko.” And I said, Ano yun?  Then sinabi niya sa akin na, “I drink a lot, hapon pa lang minsan umiinon na ako,” pagbubulgar ni Ruffa.

Naging problema raw ’yun sa relasyon nila dahil may times na lalabas sila at bigla na lang itong makakatulog.

“Binubuhat siya palabas ng club. Siyempre, nahihiya naman ako. That was our main problem. Para sa akin if there’s another girl, okey, I don’t even wanna be with you anymore, I don’t wanna force anyone who doesn’t wanna be with me,” say pa ni Ruffa.

Itinanggi rin ni Ruffa na siya ang naunang nag-text kay John Lloyd tulad ng sinabi ni Shaina sa kanyang panayam.

“I said it before, kung ako talaga ang nagpadala ng text messages na una kay John Lloyd, ano ang pinadala kong message and prove it? Labasan na lang ng cellphone, ako, nandito ang cellphone ko, nandito pa rin ang messages ko, kaya kong ipakita kahit kanino na hindi ako nagsimula nito. Ngayon kung may hawak silang ebidensiya, ilabas nila kasi mahirap naman na pinalalabas nilang ako ang nanggugulo,” say ni Ruffa.

Ipinakita rin ng dating beauty queen ang palitan nila ng text messages, na ayon kay Ruffa ay galing sa cellphone ni John Lloyd, pero knows niyang hindi ang aktor ang nagte-text dahil never siyang minura ni Lloydie at nagsalita nang masasakit. Hindi rin daw “Sharmaine” ang tawagan nila kundi “Babe.”

Pinaka-bothered daw si Ruffa sa text na “Stay away from us.”

“How dare you naman to say, “stay away from us” when wala naman akong ginagawa? So, ’yun ang pinakamasakit, ’yung pinapalabas niyang hanggang ngayon naghahabol ako. First of all, walang kailangang habulin, kanyang-kanya na si John Lloyd,” pagdidiin pa ni Ruffa.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC