Pasyente sa ospital sa Pasay, pinapatay?


SA halip daw na matulungan ang mga pasyente na salat sa kabuhayan ay mas napadadali pa umano ang buhay nila dahil sa umano’y kapabayaan ng isang pampublikong ospital sa lungsod ng Pasay.

Ito ang madalas na inirereklamo ng ilang residente sa lungsod laban sa Pasay City General Hospital na matatagpuan sa kahabaan ng Zamora St. ’di kalayuan sa kanto ng Libertad St.

Isa sa nakaranas ng hindi maayos na pagtrato sa PCGH ay si Grace Forte, 23, naninirahan sa 25 Carissa St., Rivera Village, NAIA, Pasay City.

Si Forte na anim na buwang buntis ay nagtungo sa nasabing ospital upang kumuha ng card para magpa-check-up subalit sa halip na tulungan ng mga doktor at nurses ay kung saan-saan pa siya ‘itinuturo’ upang masuri.

Dahil sa sobrang sakit ng tiyan ng ginang ay napilitan na lang itong umuwi sa kanilang bahay kesa magmukhang kawawa sa loob ng pagamutan.

Ayon naman kay Dindi Capilitan, 16, kasama nito ang kanyang magulang nang magtungo sa nasabing ospital dahil sa sobrang pananakit ng kanyang likod.

Halos umabot umano ng dalawang oras sa paghihintay ang bata habang nasa loob ng Emergency Room subalit hindi pa rin siya ‘inaasikaso’ ng ilang doktor at sa halip ay itinuro sila sa Out-Patient Department gayung sarado na ito.

Ayon sa impormasyon, madalas na ireklamo ang PCGH ng ilang residente sa lungsod dahil sa kakulangan ng mga gamit at hindi maayos na pagtrato sa mga pasyente lalo’t ang mga ito ay salat sa pera.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC