Home Showbiz Tsismis I love ate Norma - Cesar
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 3,190 guests online
Banner
I love ate Norma - Cesar PDF Print E-mail
by Gerry Ocampo   
Thursday, 29 July 2010 19:47
cesar-mon1KAHIT sa malayong venue ginanap ang presscon ng ba-gong teleserye ng GMA7 na Ilumina, go kami kasi newsworthy ang mga ar-tistang magsisiganap dito.

Naroroon ang dating Kapamilya actor na si Cesar Montano na nilinaw ang latest development sa alitan nila ng manager na si Norma Japitana.

Nang ma-interview namin si Buboy, tinanong namin siya tungkol sa diu-mano’y sama ng loob niya sa manager.

“Mahal ko pa rin siya (Norma J). Kung anuman ‘yung sinabi niyang nabasa ko, she’s still a mother to me.  Kung ano ‘yung sasa-bihin ng ibang tao against her, sasama ang loob ko.

“That`s why I cannot say anything bad against her. I refuse to say bad things against my manager, against my nanay. I’m sorry nobody can force me to say anything against my manager,” paulit-ulit na pahayag  ni Cesar.

May nagtanong kung nasaktan ba siya sa naging pahayag ng manager sa   isang interview sa paha-yagan.

“Hindi naman siya ma-nager lang sa akin. Kung manager lang siya, masa-saktan ako. Baka maka-pagsalita rin ako ng masa-sakit. I know na misconception lang ang lahat na nang-yayari and I need to talk to her. Magkakaayos din kaming lahat.”

Ano naman ang reaction niya na gusto siyang kausa-pin ng PAMI kung saan member ang kanyang ma-nager?

“Open ako ru’n. Nagpapa-schedule na ako. Sabi ko nga, mag-usap muna kami ni Ate Norma (Japitana) bago kami mag-meeting ng PAMI. Pero kung ipo-force nila na gusto lang nila akong mapakinggan  lang at wala rin naman akong masasabi. I want to talk to her first. Kahit ‘di niya sinasagot ang mga text at tawag ko, hindi ako magsasawang tawagan siya pa-ra makausap, makulit ako.

“This problem is bet-ween me and my manager. Kaming dalawa lang ang puwedeng mag-fix. Kung magre-react lang ako baka lalo lang hindi maayos. Ang intention ko ay maayos ito nang kaming dalawa lang,” mahabang paliwanag ni Cesar.

*  *  *

NGAYONG Sabado sa Comedy Bar, hosted by Allan K and Eugene Domingo,  maglalaro sa segment ng Ipasok Mo Sa’Yo sina Angelika dela Cruz, Aljur Abrenica at Diego Llorico.

Magpapasaya rin sa show ang stand-up comedian na si Bunch.

Kaaliw at kaabang-abang ang Fabio Ide’s horoscope at ang pagbubukas ng botohan kung sino sa Beergins ang mai-eliminate  

*  *  *

TINUTUKSO sa presscon ng Ilumina ang bagets na sina Jake Vargas at Bea Si-neneng.     

Sila na raw ang itatapat sa tandem nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Kaagad namang ipinagtanggol ni Jake ang dating mga kasamang sina Barbie at Joshua.  

Magmula raw nu’ng magkasama-sama sila sa  First Time, naging  matatalik na silang magkakaibigan at nagtatawagan pa rin naman daw sila kahit na hindi na sila magkasama sa isang programa.

Ang pagtatambal daw nila ni Bea sa Ilumina ay desisyon ng GMA7 ma-nagement at naniniwala sila na ito ang makakabuti sa ka-nilang showbiz career.

Si Bea naman, natatawa kapag tinatanong kung ni-liligawan siya ni Jake.  

“Naku! Hindi po ako nililigawan ni Jake. Mag-kasama lang po kami dito sa Ilumina at saka bata pa  po ako. Kay mommy siya manligaw, hehehe!” natatawang sabi ng dalagita.         Twelye years old lang pala itong si Bea na mistulang dalaga na mula nang pumayat dahil sa pagkahumaling sa iba’t ibang sports.
 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner