Related Articles...
We have 3,180 guests online
| Jovit, niyanig ang Araneta |
|
|
|
| Sunday, 13 June 2010 18:12 |
ISANG Randy Ortiz gown ang suot ni Kris Aquino last Saturday sa grand finals ng Pilipinas Got Talent sa Araneta Coliseum. Hindi rin naman nagpatalbog ang isa pang judge na si Ai-Ai delas Alas at comment nga ng isang kasamahan sa trabaho, parang ikakasal daw ang Comedy Concert Queen sa kanyang suot. Halos mapuno ang Araneta Coliseum ng kanya-kanyang fans ng 12 grand finalists. Ilan sa tinilian nang husto ay sina Alakim, Velasco Brothers, Ezra Band, Keith Delleva, Markki Stroem at Jovit Baldovino. But we’d say, it’s still Jovit who has the most number of supporters dahil talaga namang halos mayanig ang buong Araneta sa pagbubunyi ng kanyang mga fans. Tama ang mga judges na sina Kris, Ai-Ai at Mr. Freddie Garcia na we have a new superstar sa katauhan ni Jovit dahil sa nakikita naming suporta ng tao sa kanya, feeling namin ay may lalaking Nora Aunor na tayo. Tama rin si Kris sa pagsasabing may karisma sa masa si Jovit na isa sa pinakaimportanteng factors sa pagsikat ng isang tao. Samantala, natulala naman ang buong Araneta Coliseum sa ginawang magic act ni Alakim kung saan ay bigla itong nawala sa stage at napunta sa audience sa taas ng Big Dome. Talaga namang kamangha-mangha ang kanyang ginawa and he really deserves to be known all over the world. Anyway, last night (Sunday) ang announcement ng winner ng PGT at by the time na binabasa n’yo ang kolum na ito ay tiyak na alam n’yo na kung sino ang kauna-kaunahang PGT grand champion na tatanggap ng P2M. * * * KAHAPON bago pumunta sa The Buzz ay dumaan muna si Kris Aquino at ang kanyang mga kapatid sa Manila Memorial Park kung saan nakahimlay ang kanyang mga magulang na sina Sen. Ninoy Aquino and Pres. Cory Aquino. Nag-alay sila ng dasal at pasasalamat sa pagkakapanalo ni President-elect Noynoy Aquino. Pagkatapos naman ng The Buzz ay dumiretso na si Kris sa Araneta Coliseum kung saan ay inanunsyo na ang grand champion. Sa kabila ng hectic schedules ni Kris ay tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi niya ng school supplies sa mga kapuspalad nating grade students sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. * * * GUSTO naming i-congratulate si Empress at buong cast and staff ng Rosalka dahil ang nasabing serye ang most-watched show during afternoon slot. Pang-primetime ang ratings na nakukuha ng programa kaya naman super-happy ang lahat ng bumubuo nito. Siyempre, pinakamasaya sa lahat ang bidang si Empress dahil ito ang kanyang unang pagbibida sa serye at hindi niya binigo ang management sa tiwalang ibinigay sa kanya. Ngayong linggo, sa pagpapatuloy ng Rosalka, magkakaroon na ng mukha ng kagandahan si Rosa at ito ay si Sophia. Abangan din ang pagkakaroon ng sagot kung bakit pumapatay ang kakambal ni Rosa na si Alka. |
Most Popular Articles
- Nadine confirm tension at ‘Endless Love’ set ( 225 views )
- July 2010 Nursing Exam Results ( 203 views )
- COVER STORY: Ruffa’s New Beginnings ( 173 views )
- DALAMACIO ARMAS ( 143 views )
- Richard magnitized on Solenn's beauty ( 137 views )







ISANG Randy Ortiz gown ang suot ni Kris Aquino last Saturday sa grand finals ng Pilipinas Got Talent sa Araneta Coliseum. Hindi rin naman nagpatalbog ang isa pang judge na si Ai-Ai delas Alas at comment nga ng isang kasamahan sa trabaho, parang ikakasal daw ang Comedy Concert Queen sa kanyang suot.
Comments
RSS feed for comments to this post.