Michael V still a Kapuso

 

NAKU, ang sarap panoorin ang Tween Hearts tuwing Sunday dahil sa role ngayon ni Barbie Forteza na tipong naguguluhan na talaga sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya. 

Imagine nang mawala si Barbie sa piling ni Joshua Dionisio, pumasok naman at nakipagkaibigan sa kanya ang baguhang young actor na si Ken Chan.

Noon pa man ay nanonood na ng Tween Hearts si Ken. Mataas ang paghanga niya kay Barbie.

Kaya nang ma-meet niya sa set ng Tween Hearts si Barbie ay hindi na siya nangiming kausapin ang dalaginding na actress, and later ay magpasaring dito.

Ani Ken: “Super-bait ni Barbie. Madaling pakibagayan. Sa ganda at talino ni Barbie, di talaga maiiwasan ng kahit sinong kabataang lalaki na mag-crush sa kanya.”

Nang makausap namin si Ken sinabi niyang hanggang crush lang muna siya kay Barbie.

Ayaw daw muna niyang  seryosohin ang panliligaw dahil  nagsisimula pa lang siya bilang artista.

Pero, kung hihingin daw ng pagkakataon, sasabihin daw niya kay Barbie na type niya ito.

Inamin din ni Ken na apat na beses na siyang nagkaroon ng girlfriend, pero espesyal daw talaga ang napi-feel niya para kay Barbie.

*  *  *

HUWAG kayong mabahala, hindi totoo ang tsismis na aalis na sa Bubble Gang  si Michael V dahil lilipat na sa isa ring malaking network.        

Kung hindi na mapapanood si Michael V sa ilang episodes ng naturang gag show, pansamantala lang naman. ‘Di kasi nakapag-taping si Michael V sa Bubble Gang dahil nasa America ang  buong pamilya niya para sa kanilang yearly vacation sa kanilang bahay sa California.

Pero, ngayong Friday sa Bubble Gang, patuloy pa ring mapapanood si Michael V. Continuation ito ng summer special ng gag show.

Tuloy ang saya at kulitan sa Bubble Gang

Tuloy ang saya at kulitan sa Thunder Bird Resort sa La Union kasama ang mga guests na sina Glaiza de Cas-tro, Sheena Halili, at Janna Dominguez.

Kaabang-abang ang Caddy Monyuhan, isang sketch tunggol sa isang pilyong cad-dy na madaling maakit sa kanilang mga guests; ang Ba-litang News, isang kuwe-lang news program na gumagamit ng Taglish; Ang Check In, Check Out na tungkol sa magulo at naka-katakot na kaganapan sa isang hotel; at ang bigla ang pagkagat ng isang alimasag kay Bureche!

Kilalanin din ang Syokoy Family, isang pamilya ng mga sirena at syokoy na umahon mula sa dagat, at ang  malaki at magulong bar-kada sa Larawan ng Barka-dahan.

Makisaya at makigulo kasama ang Bubble Gang barkada ngayong Biyernes ng gabi pagakatapos ng Secret Garden sa GMA Telebabad.

*   *   *

MALAKI ang pasasalamat ni PAO Chief  Persida  Acosta  sa big boss ng TV 5 na si Manny Pangilinan dahil sa malaking suportang ibi-nibigay ng butihing big boss ng network sa kanyang  programang na mapapanood  tuwing Thursday sa Ak-syon TV ng  TV5 na mapapanood sa Channel 61 at sa Destiny cable ay sa Channel 16 tuwing  Thursday. 8:30 p.m.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC