Robin makes Kylie's would-be suitor quake in his shoes

 

ANG  hubad na katawan ni Marian Rivera ang dapat abangan sa pagpapalabas ng Amaya ang pinakamalaki, pinakamagastos na epic serye ng Kapuso Network.  Noong una raw ay atubiling mag-topless si Marian sa kanyang primetime soap na ito, pero nang ipaliwanag sa kanya kung bakit niya kailangang mag-topless ay pumayag na siya.

Kung ilang beses daw makikitang topless si Marian sa Amaya.

Kaya lang, payagan naman kaya ng MTRCB ang pagsasa-ere ng naturang pagta-topless ni Marian?

May nagbalita sa amin mula sa MTRCB na mahihirapan ang GMA7 na mapaaprubahan ang paglalabas sa telebisyon ng mga eksena kung saan topless si Marian.

*  *  *

LIMANG kalalakihan ang nakatakdang ipakilala ng TV 5 via remake at pagsasatelebisyon ng blockbuster movie noong Dekada ‘80, ang Bagets,  na mapapanood na simula May 15 sa Kapatid Network. 

Sila ay sina Aki Torio, Rico Dela Paz, Josh Padilla (anak ng mang-aawit na sumikat noong 80`s  na si Gino Padilla), AJ Muhlach (nakababatang kapatid ni Aga Muhlach) at Johan Lourens.

Samantala, binubuo naman ang Bagets girls nina Nadine Lustre na miyembro ng Pop-Girls, Eula Caballero ang grand winner ng artista search ng TV5 na Star Factor, Meg Imperial  at Shy, na member ng Pop-Girls.

*  *  *

AMINADO si Carl Guevarra na malaki ang takot niya kay Robin Padilla.

Kaya kahit gusto niyang ligawan si Kylie Padilla,  ‘di raw niya magagawa.

Sina Kylie at Carl ay mga bida sa TV remake ng hit movie noong araw na Blusang Itim na pinagbidahan noon  ni Snooky Serna.   Pero, nang sabihin ni Kylie sa presscon ng Blusang itim  na ‘wag matakot si Carl sa kanyang ama dahil mabait naman ito, nabuhayan ang binata at sinabing bahala na raw kung ano ang kahihinatnan ng pagsasama nila ni Kylie sa bagong teleserye ng GMA7.

Pahiwatig ni Carl na naalis ni Kylie kahit bahagya ang takot ni Carl kay Binoe.

Ang abangan na lang natin ay kung ano talaga ang magiging reaksyon ng father ni Kylie na si Robin kapag nabalitang nanliligaw na si Carl sa byuting bida ng Blusang Itim na malapit nang mapanood sa GMA7.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC