Matagumpay na inilunsad ang Philippine Fashion Week 2011 sa SMX MOA last Sunday sa pangunguna ng mega-trio ng top Phil. Fashion brands, Human, Kashieca and Bench.
Kamangha-mangha ang latest state of the art light and sound technology na ipinakita during the show which emulated a 3-D experience never before seen!
In full force ang 40 celebrity endorsers ng Bench na isa-isang rumampa sa stage to the delight of 1,000-strong audience inside Hall 1 & 2 ng SMX. First time na rumampa ang teen cast ng Mara Clara na hindi kami pamilyar sa mga pangalan.
Present din ang StarStruck V winners na sina Steven Silva, Sarah Labhati at Rocco Nacino. Apir rin ang PBB Season 3 winners na sina Melai at Jason na tinilian pa rin nang husto ng audience kahit pa one and a half year ago na natapos ang reality show nila.
Pinalakpakan din nang husto ang entrada ni Coco Martin!
Wala namang dating sa audience nang lumabas si Kris Bernal. Iba pa rin kung kasama niya ang ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica na conspicuously absent ng gabing ’yun.
Same goes with Kim Chiu and Gerald Anderson na magkahiwalay na rumampa. Kaya hayun, kulang din ang tili sa kanila. Siyempre iba ang reaksyon ng tao kung magkasama silang lumabas tulad ng mga nakaraang Bench shows.
Malakas din ang dating ni Enchong Dee sa mga tao, samantalang si Rayver Cruz, so-so lang. Hinahanap siguro nila si Cristine Reyes. Noong una, walang reaksyon ang tao sa pagpasok ni Angelica Panganiban pero nang hinubad na niya ang top niya revealing her bra, doon na nagsigawan ang mga nanonood.
As usual, tilian ang mga tao nang lumabas si Jake Cuenca na topless dahil kitang-kita ang maganda niyang katawan.
So-so lang ang reaksyon ng audience nang lumabas sina Diether Ocampo at Dingdong Dantes. Mas bongga sana ang reaksyon ng crowd kung rumampa rin sina Diet at Dong na shirtless din.
Nagulat naman kami nang pang-finale na lumabas si Piolo Pascual kasi never na rumampa si Piolo sa shows na Bench, Ang kulang na lang ay si Richard Gutierrez na hindi namin alam kung bakit hindi nakasama sa show.
* * *
Shocker last Sunday sa Paparazzi ang Prescon Express segment kung saan nagkaroon ng pagkakataon na tanungin ng press si Mo Twister tungkol sa nangyaring paghihiwalayan nila ni Rhian Ramos.
Hindi makatingin nang diretso sa kamera si DJ Mo habang sumasagot at parang iiyak any moment dahil sa sobrang kalungkutan at pagsisisi sa tweets na pinakawalan niya sa Twitter tungkol sa mga ilang intimate moments ng relasyon nila ni Rhian.
Kaya siya na ang nagkusang humingi ng sorry kay Rhian, sa dad ng aktres at sa buong pamilya nito sa tweets niya na parang nagpapahiwatig na nagsama sila ni Rhian sa isang bubong.
“Hindi kami live-in ni Rhian. Kasi hindi papayag ang family niya sa ganoong set-up. Hindi lang maiwasan minsan na kailangang mag-shower si Rhian sa house ko sandali pagkaga-ling sa airport just to freshen up. At saka when I tweted na “Please go home,” hindi literal ang ibig sabihin noon. Home is Rhian and me,” paliwanag niya.
Nagsimula ang “tweet war” nila ni Rhian nu’ng unang nag-tweet ang aktres na nakikipag-break na ito sa kanya. Pero dinenay ito ni Rhian at sinabing hindi raw siya ang nag-tweet nito.
Aminado si Mo, nainsulto siya sa “tweet break-up” ni Rhian kaya sinagot niya ang aktres. At lalo siyang nawindang nang hindi na niya makontak ang ex-GF sa celphone nito dahil nagpalit na ito ng number.
“Sabi nga nila, kiss-and-tell ako pero ang Twitter lang ang naging outlet ko for my emotional outburst. Hindi ko na siya makontak sa cel kaya there’s no way I could express my feelings towards her kungdi by Twitter lang.
“I am feeling very lonely right now. Rhian is my bestfriend. At wala naman talaga akong mga kaibigan na masasabi. I only have her. Our love story is so great na talo pa ang ibang pelikula diyan. I really miss her!” malungkot na pahayag ni Mo.