Dinedma na lang ni Kylie Padilla ang mga intrigang gumamit ng impluwensya ang kanyang Daddy Robin (Padilla) para siya ang maging leading star ng Blusang Itim, ang isa sa bagong GMA shows na soon ay ieere na.
“Marami po akong nabasa, pero natutunan ko na rin pong huwag masyadong pansinin,” tsika ng mestisa at magandang anak ni Binoe.
Marami kasing tila nalampasan o naungusan si Kylie sa bakuran ng Kapuso Network dahil bilang isang baguhan, talaga namang kakaiba ang pagbibigay sa kanya ng tiwala at paniniwala.
“Nag-audition naman po. I also waited for this time and chance and I believe na ngayon lang siguro dumating. Sana po ay bigyan naman nila ako ng chance to showcase my talent,” bahagi pa ng paliwanag ni Kylie.
Napakalaking proyekto ng Blusang Itim na kinabibila-ngan din nina Frank Magalona, Lucho Ayala at Carl Guevarra bilang kanyang leading men, pati na sina Wynwyn Marquez, Jackielou Blanco, Rita Avila, at Gary Estrada.
Ngayong Mayo 16 na ito magsisimula sa Dramarama sa Hapon ng GMA7, after ng Eat Bulaga.
* * *
Nasalubong namin sa lobby ang naparangalan ng Special Artist Award for Outstanding Achievement in Acting sa Newport Beach Film Festival na si Jericho Rosales.
Nakuha nga niya ito for his role as Victor sa Hollywood movie na Subject: I Love You.
As usual, wala itong ipinagbago sa kakulitan at very consistent, tugang Butch, sa pagtawag sa amin ng “noy” (shortened ng Manoy in Bikol dialect) na matagal na naming tawagan (we call him “ugang” for tugang).
Ipinakilala pa namin dito ang pamangkin naming si Bornok at tawa siya nang tawa dahil may kapatid pala siyang Bornok din ang pangalan.
Tuwang-tuwa siya ng tawagin siya ng five-year-old ampon namin ng Jerome at ’yung name niyang Korean sa Green Rose, na siyempre pa, nagpapatunay kung paanong ang kahit bata ay napapanood siya.
Masayang-masaya ang aktor nang ibalita nito sa amin ang kanyang latest feat, na nai-tweet na rin sa amin ng manager niyang si Angeli Valenciano.
Nabasa rin namin ang mga papuri sa pelikulang dinirek ni Francis de la Torre dahil ’yun lang daw ang nag-iisang entry na nagkaroon ng sell-out tickets at ikalawang screening mula sa 400 na movies sa naturang festival.
Noong May 5 nga, star-studded ang okasyon dahil ang mga bidang sina Briana Evigan, Dante Basco, with guest role appearance na si Gary Valenciano ang nakasama ng iba pang guests gaya nina Jamie Chung, Greg Evigan, Teresa Herera, Oliver Tolentino, Apl de Ap at iba pa ang nakisaya.
Bongga pala ang production outfit na gumawa, ateng, dahil talagang gastos kung gastos daw ito sa marketing, publicity at iba pang kailangan ng movie, to generate bigger awareness. Kaya hayun, napansin nga ito, pati na ang mahusay na si Jericho! Ang dinig namin, isang bilyonaryong negosyante from Brunei ang major investor ng movie na dream talagang ma-penetrate ang Hollywood!
Congratulations po!
* * *
Kahit nanalo si Pacman, may mga hindi gaanong satisfied sa naging laban niya.
Siya rin kasi mismo, tugang na Butch, nagsasabi nang ganun kaya mas lalong nag-isip ang mga tao na “pera-pera” ang naging match at feeling nalugi ang mga umaasang bakbakang umaatikabo ang ibibigay sa kanila nina Pacquiao at Mosley.
Pero mas matindi rin ang naging pagbatikos sa asawa ni Manny na si Jinkee (see, sa kawalan ng masasabi, pati dyowa niya iniintriga, hahaha!) sa social networks lalo pa’t nakasuot ito diumano ng hikaw na milyones ang halaga.
Sobrang contradicting daw ito sa panawagan ng champion boxer na magsuot ng yellow ang supporters niya to represent poverty and unity.
Sari-sari nga ang ibinansag kay Jinkee na for sure, dededmahin na lang niya dahil saan man natin tingnan ang lahat, sila pa rin ng asawa ang waging-wagi, in both fame and fortune.
Huwag nga raw tayong magulat if one of these days, endorser na rin si Jinkee ng foreign products and services, lalo pa’t napapabalitang close friend na niya ngayon si Paris Hilton.
Naku, tugang na Butch, dahil grabeng nasalanta ang Bikol ng bagyong Bebeng at mayroon pa ngang namatay sa pagkakalunod dahil kinarir nito ang panonood ng laban ni Pacman, dapat lang na huwag nating tantanan ang panawagan kina Pacman at Jinky (pati na kay Mommy Dionisia) na sana nga, ambunan naman nila ito ng kahit konting tulong.
* * *
Malambing palang sadya si JM de Guzman kaya hindi nakapagtatakang lagi itong naiintriga na malandi o puma-patol lalo na sa mga bading.
Tawa kami nang tawa habang naglalakad kami sa pasilyo ng ABS-CBN mula sa aming programa sa DZMM nang bigla nito kaming yakapin (patalikod, hahahaha!) at batiin.
Siyempre gulat-gulatan ang emote namin lalo pa’t napakaguwapo at mabango ang gumawa nu’n sa amin.
Papunta daw siya ng taping ng Mula sa Puso noon at dahil nabasa raw niyang pinuri namin siya bilang si Gabriel na handang makipagpatayan kay Via sa nasabing soap, “magpapasalamat lang po ako.”
Flattered naman kami sa gesture ng bagets dahil napaka-tagal nang panahon since Papa Piolo Pascual at Jericho Rosales na may gumawa nang ganu’n sa amin (sa mga Kapuso stars, wagi sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes sa parehong gesture), hahaha!
Anyway, unti-unti na ngang napapansin ang husay ni JM at dahil very much in character siya sa series, kahit ang mga beteranong sina Dawn Zulueta at Ariel Rivera na madalas niyang maka-eksena, high praises sa husay niya.
Kaya anak-anakang JM, keep up the good work at sana nga, lagi kang magiliw, mabango at positibo sa ’yong mga gawain!
“Mula sa Puso” namin ’yan, ha!