May mga nag-react na fans nina Angel Locsin at Phil Younghusband sa parang denial na ginawa raw ni An-gel nang itanong sa kanya kung sila nga ng Azkal pla-yer ay nagkakamabutihan na.
Tahasan kasing sinabi ni Angel na hindi pa niya naki-kita ang right person for her at sinagot pa niyang close friends lang sila ni Phil.
"Wala po talaga. We're just very good friends now,” tipid nitong sagot lalo pa't ang lahat ay nagpapalagay na sila na nga ng sports fi-gure.
Sa presscon ng upco-ming movie niya with Aga Muhlach at jake Cuenca, masayang nakipagkuwentuhan ang lahat tungkol sa mga nagawa nila in the name of love.
Si Jake, nagawa pang aminin na sila pa rin ni Melissa Ricks, na ayon sa kanya ay patuloy niyang ipinaglalaban.
Si aga ay nagawa na raw ang dapat in the name of love dahil nagpakasal na si-ya at masaya na sa pamilya niya.
Si angel ay willing na-mang iwanan ang showbiz at maging asawa if ever daw na dumating na ang tamang lalaki para sa kanya.
In the Name of Love is Angel's second movie under Star Cinema at ipinagmamalaki niyang mas maganda at bongga ito kum-para sa nauna niyang nagawa.
"Ibang maturity kasi ang kailangang gawin. Iba ang demand ng role dahil talagang extremes kami ni Ce-des (name niya sa movie), and yes, grabe rin ang phy-sical demand dahil dancer nga ang role ko," paliwa-nag ni Angel.
Mas daring din ang aktres dahil pareho siyang may bed scenes kina Angel at Jake, plus grabe rin ang kanyang drama moments.
Obserbasyon pa ng iba, tila may extra special treatment nga kay Angel dahil lagi raw may 'abroad' scenes sa kanyang pelikula if only to prove na pinaghahandaan at itinuturing siyang 'reyna' ng Star Cinema.
Take note, ito lang naman ang ika-18th anniversary offering ng no. 1 nga-yong film outfit sa bansa.
Sa May 11 na showing ng In the name of Love nationwide!
* * *
Big isyu rin sa mga sumusubaybay sa karir ni Rhian Ramos ang napapabalitang hiwalayan nila ni DJ Mo.
Sa Twitter account din kasi nila nagsimula ang mga usapang nag-away sila at may kung anong pinagda-daanan ang kanilang relas-yon.
Marami nga lang ang nagtatanong, tugang na Butch, kung gaano nga raw kaya katotoo ang tsismis na si Rhian Ramos ang mas pressured sa relasyon nila ni Mo.
Paano raw kasi, hindi lang isang beses nawalan ng pro-ject si Rhian sa GMA7 na ipa-partner sana sa iba bilang ka-love team, pero dahil nga raw sa much identified ito kay DJ Mo, hayun nawawalan ito ng show.
Ito raw ang grabeng nagbibigay ng stress at pressure kaya naapektuhan ang kanilang bongga pa namang pagsasama.
Siyempre kasi ay mas bonggang star si Rhian na plano sanang gawin bilang isa sa mga prinsesa ng Kapuso network, pero for the love of her love hayun, tila napag-iwanan ito ng iba.
Nakakalungkot na tsismis ito kung sakaling totoo dahil nasaksihan din naman natin kung paano nilang sinikap na ayusin (read: protektahan, itago) ang kani-lang relasyon.
Ayaw din naming isipin na epekto pa rin ito ng pag-kakaroon ng hindi kagandahang paglisan ni DJ Mo sa dating network.
* * *
Speaking of GMA7, bongga naman ang magaganap na grand debate nga-yong Mayo lalo pa't usa-pang RH Bill ang topic.
Ang mga pinagpipitaganang lawmakers, mga mi-yembro ng ilang grupong pangkababaehan at kaba-taan, mga media practitioners at iba ang inaasahaang maglalabas ng kani-kanilang ideya at damdamin dahil na-papanahong isyu nga ang RH Bill.
Si Tita Mel Tiangco ang mag-host nito kasama ang mga kapusong sina Pia Arcangel at RJ Ledesma, na dating debaters noong college days nila.
Asahan nating mas mara-ming impormasyon at mga bagay-bagay tayong mapupulot sa isang makabuluhang show na ito na ipapa-labas ngayong Mayo sa GMA News TV, channel 11.
* * *
Hanep naman ang bagong album ni Sarah geronimo na ONE HEART.
Makabagbag damdamin ang break-up songs dito na para bang sinadya nila na ibigay sa singer-actress para mapadali ang anumang pinagdadaanan nito.
May pitong revivals at walong original songs dito kasama na ang Sa Isip Ko ni Agot isidro at Bakit Pa Ba ni Jay-R na todo relate ang lyrics sa personal niyang pinagdaanan.
Anyway, mas okey nga siguro na ganu’n dahil kitang-kita naman ang kaka-ibang atake ng pop princess at young superstar sa mga naturang kanta lalo pa't wala namang pinipiling oras at panahon ang lagay ng ating mga puso, ‘di ba?
Sa May 13 pa ang release ng naturang album na may carrie single na SINO NGA BA SIYA, na nang itanong namin kay Sarah kung sino nga ba ang bagong nagpapa-tibok ng puso niya, ay ang usual na hagikhik at ngiti lang ang isinagot sa amin.
* * *
Speaking of bongga, iyan ang tatak ng kumpanyang BOSCH dahil sila ang nasa likod ng Cordless Race Championships na gagana-pin sa Beijing, China nga-yong Setyembre.
Out of 100 plus universities and colleges ay pumili sila ng 8 teams mula Luzon, Visayas at Mindanao (mga engineering students) na si-yang gagawa ng blueprints at sasakyang gagamitan ng mga Bosch products. Siyempre, karera ito na 'cordless' ang basehan kaya't dobleng exciting ito sa mga napiling engineering students mula sa Colegio de San Juan de Letran, Calamba, Don Bosco College, Mandaluyong; Mapua Ins-titute of Technology; Rizal Tech. Inst., TIP, UP Diliman, University of San Carlos Cebu and University of Mindanao sa Davao.
Ngayong Mayo 15 gaganapin ang national leg sa CCP Complex sa Pasay Ci-ty at isang buong araw ito na sasalihan din ng events gaya ng cheer dance mula sa pep squads ng 8 schools, plus guest artists na Velasco brothers at cager-turned-rapper na si Alex Crisano, mga bandang Amber, Gene-ral Luna, Razorback at Parokya ni Edgar.
Pakiusap sa amin ni papa Drew Arellano na siyang host ng naturang event: "Para maiba naman ang summer ng mga estudyante natin ‘di ba? Kaya sige na paki-plug hahahaha."