Angel tries pole dancing

 

ISANG malaking hamon para  kay Angel Locsin  nang gawin niya ang pole dancing sa isang eksena sa bago niyang pelikula titled In The Name of Love under Star Cinema.

Bukod sa walang takot sa pagtutuwad-tuwad sa pole, napaka-seksi pa ang kasuotan ni Angel. Kuwento niya, hindi raw siya komportableng gawin ang naturang eksena dahil hindi naman siya mahusay na dancer. Kaya lang, importante raw ‘yun sa pelikula kaya ginawa niya.

Kuwento ni Angel, nag-aral pa siya ng tatlong buwan para magawa lang ang  pole dancing scene niya. At sa tuwing nagi-ensayo raw siya, nagkakagasgas-gasgas ang ilang parte ng kanyang katawan.  Biro ng reporters  kung nagasgasan din siya sa ‘flower’ dahil sa pagpatuwad-tuwad niya habang nakabikangkang sa pole. Medyo nahihiyang napatango si Angel sabay sabing:“Pero, okey lang ‘yun basta magawa ko nang kapani-paniwala ang role ko.”    

Inamin din ni Angel na sobrang pressure ang naramdaman niya habang ginagawa nila ang pelikula dahil napakagaling daw na aktor ng leading man niyang si Aga Muhlach.

JAKE CUENCA UMAMIN SA HIWALAYAN ISYU NILA NI MELISSA RICKS

INAMIN naman ng isa pang leading man ni Angel Locsin sa In the Name of Love na si Jake Cuenca na sila pa rin ni Melissa Ricks.  Kahit madalang ang kanilang pagkikita dahil kapwa sila abala sa trabaho, hindi niya igini-give-up si Melissa in the name of  love. Hindi rin daw niya pababayaan ang acting career in the name of love din. May tamang panahon daw sa pag-ibig at trabaho.

SILIPIN NATIN SI BARON GEISLER SA LOOB NG REHAB

ekslusibong isisiwalat ni Baron Geisler ang  detalye ng kanyang buhay sa loob ng  rehab. And the struggles and triumphs of the  country’s most enduring star, Gloria Romero sa The Story of Your Life, at ang pinakamaiinit na updates matapos ang  laban nina Pacquiao at Mosley live, exclusive straight from the  U.S.

Humandang ma-knockout sa  pound for pound na intriga ngayong Linggo sa Showbiz Central.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC