Pokwang and Joey mend fences

 

Halatang kumportable na sa isa’t isa sina Vic Sotto at Pokwang dahil sa presscon ng Pak Pak My Dr. Kwak last Thursday night, nabibiro na nang todo ni Bossing ang komedyanang matatandaang nakaalitan ng best friend niyang si Joey de Leon.

“Walang kuwenta,” birong sagot nga ni Vic nang tanungin kung ano ang first impression niya kay Pokwang.

He went on na nu’ng first time niyang makita si Pokwang sa set, aminado siyang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa komedyana.

“Basta ang alam ko, kaaway siya (ni Joey). Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-aawayan nila. Tinawag niyang aswang, ano naman ang masama do’n, eh, mukha ka namang aswang talaga,” pagbibiro ni Vic habang nagtatawanan ang lahat.

“Ano ka, Bea Alonzo?” patuloy pa niyang pang-aasar. “’Pag tinawag ko itong aswang (sabay-turo sa katabi niyang si Bea na leading lady niya), baka magalit sa akin ito. Pero ikaw (talking to Pokwang), ano?”

Pero kaagad namang sinundan ito ng seryosong pahayag ni Vic. Aniya, nu’ng first time na magkita sila, hindi niya talaga alam ang sasabihin niya kay Pokwang.

“First time kaming magmi-meet, I don’t know if I met her before. Parang I was kinda uneasy nu’ng pumunta ako sa set. Pagbaba ko ng sasakyan, alam ko nandu’n siya, kunyari dedma lang ako,” kuwento ni Vic.

Ang una muna niyang binati ay ang mga kasamahan sa set, kunyari ay nakipagkumustahan siya pero nakikita na raw niya si Pokwang.

Hanggang  finally ay inilapit na nga sa kanya si Pokwang ni Direk Tony Reyes.

“Nag-“o”-han lang kami, eh. Tapos maya-maya, parang nakita ko na parang namula mga mata niya. Lumabas ’yung pangil, aswang pala talaga,” pagbibiro na naman ni Vic. 

“Nagyakap kami,” patuloy niya, “wala akong nasabi, eh. ’Yung tarantadong photographer (named Willie na paborito raw niyang stillman), kuha nang kuha. It was a very heartwarming moment dahil wala kaming usap-usapan, wala na kaming nai-dialogue, eh. Ganu’n lang.”

Pero bumawi naman si Vic sa pagbibiro niya kay Pokwang nang purihin niya ang kahusayan nito bilang komedyana.

“Magaling, eh. Hindi naman magiging Pokwang ’yan kung hindi siya magaling. She’s very talented. And one thing nice about her on and off-camera, hindi napapagod. Kahit anong oras, kahit madaling araw, ganu’n pa rin. Kami, napapagod na, siya tira pa rin nang tira. Adik ka ba?” sabay-tanong kay Pokwang.

“At saka, napakabait na tao. She’s a very good person,” say ni Vic na ikina-touch naman ni Pokwang.

Sa nasabing pelikula kasi ay kasama rin si Joey de Leon sa isang special appearance kaya ito ang naging daan sa pagkakabati nila ni Pokwang.

Anyway, first time ni Vic na tumuntong ulit sa ABS-CBN after so many years. HuLing pelikula pa niyang ginawa sa Star Cinema ay HINDi PA Tapos ang LABAda Darling with ex wife, Dina Bonnevie. MALiliit pa nga raw ang mga anak nila noon na sina Danica at Oyo Sotto pero ngayon ay may kanya-kanya nang asawa. Ganu’n na katagal.

When Vic was asked kung kumusta naman ang feeling na nagbabalik siya sa Star Cinema matapos ang maraming taon, aniya ay kumportable pa rin naman daw siya. Happy nga raw siya that he’s back at say niya, “I’ll be back for more”.

Natanong din si Bossing kung pwede ba siyang mag-promote sa ABS-CBN shows at aniya ay oo raw.

“We will be guesting on ASAP, The Buzz, kanina nga, nasa TV Patrol kami ni Bea. Exciting. It feels different. Not just excitement parang whole new experience for me,” sabi ni Bossing.

Idinagdag din ni Vic na pati si Bea ay may guesting din sa Eat Bulaga to promote the movie.

Showing na sa April 23 (Black Saturday) ang Pak Pak My Dr. Kwak at kasama rin dito ang dalawang pambatong child stars ng ABS-CBN na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

About Yahoo! Shortcuts

Yahoo! Shortcuts automatically finds and underlines people, places, organizations and other things of interest. Help us improve Yahoo! Shortcuts by sending us your feedback.

Don't like the Shortcuts Pop-ups?

Disabling this link to switch them off. Disabling the preview pop-ups involves the user of "cookies". If you don't know what these are, don't worry, just be aware that you may see the pop-ups return if you work on more than one computer, or change or update your web brower.
Star Cinema

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC