Alex is still loveless


WALANG kiyemeng inamin ng  magaling na aktres na ngayong darating na Kapaskuhan, malamig ulit ang kanyang Pasko.

And take note, ikaanim na taon na niya itong wala siyang dyowa, noh!

Huling naging boyfriend ni Alex (palayaw ni Alessandra) ay si Jeremy Marquez at five years ago na mula nu’ng mag-break sila.

Pero okey lang daw kay Alex na wala pa rin siyang kayakap ngayon na malamig na ang panahon.

Sanayan lang daw naman ito at ang maganda, nakaka-focus daw siya nang husto sa kanyang showbiz career.

May tsika kasing hindi pa raw pumoporma ang lalaki kay Alex, basted na agad. Ganun daw ang reputasyon si Alex sa kanyang manliligaw kaya maraming kalalakihan ang takot na tuloy siyang ligawan.

Natatawa naman si Alex tungkol sa tsikang ito, at sinabing hindi raw kasi siya ang tipo ng babaing nagpapaasa sa mga manliligaw.

Kapag sa tingin o pakiramdam daw ni Alex walang patutunguhan ang panliligaw nito o may balak lumigaw sa kanya, agad daw niya itong sinasabihan na huwag umasa sa wala.

Pagdating sa pakiki-pagrelasyon, wala raw ideal man o katangian ng isang lalaki na hinahanap si Alex.

Kapag may naramdaman daw ni Alex na “spark” sa isang guy, ’yun na raw ang start ng pagtibok ng kanyang puso.

* * *

WALANG katutol-tutol ang sexy actress na si Lovi Poe nang matanong kung willing ba naman siyang magdagdag ng eksena sa MMFF entry nila nina Solenn Heusaff at Maricel Soriano ng love scenes with Jericho Rosales.

Nakangiting sagot ni Lovi, payag na payag daw siya dahil siyempre si Jericho daw ’yun.

Noon pa naman siya open sa pagsasabing crush niya ang magaling na aktor.

Sa movie kasi nila ni Je-richo, walang love scene na nakunan silang dalawa, as in, wholesome ang role ni Lovi sa movie.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC