NOMINATED si Michael V na Best Comedian sa darating na Asian TV Awards sa Singapore para sa Pepito Manaloto ng GMA7. Makakalaban ni Michael V ang ibang sikat na comedy actors mula sa Singapore, Hong Kong at Malaysia.
Pero hindi ito ang first time na na-nominate si Michael V bilang Best Comedy Actor. In fact, nagka-award na rin siya Asian TV Awards din sa gag show naman nila ni Ogie Alcasid na Bubble Gang.
Special daw kay Michael V ang nakuhang nomination sa Asian TV Awards dahil sa kanyang acting sa Pepito Manaloto, na kahit mag-iisang taon pa lang sa ere sa February 2012, na-recognize agad ng international award-giving body.
Anyway, ngayong Linggo, isa na namang nakatutuwang episode ang mapapanood sa Pepito Manaloto.
Maki-kidnap kasi ang bagong baby girl nina Pepito at misis niyang ginagampa-nan ni Manilyn Reynes. Paano nangyari ito at paano nila ito malulutas?
* * *
NAKAUSAP sa StarTalk si Gwendoline Ruais last Saturday, na fresh pa sa pagkakahirang bilang First Princess sa katatapos na Miss World na ginanap sa London, England.
Sa interview kay Gwendoline, sinabi niyang type niyang subukan ang showbiz lalo na ang TV hosting. Pero kung mabibigyan daw siya ng ka-loveteam na ka-sing-tangkad o mas matangkad sa kanya ng GMA7, puwedeng-puwede rin si-yang mag-artista.
Ipinakita sa StarTalk ang pamilya ni Gwendoline noong dumating siya sa NAIA, kasama ang kanyang French na ama, kanyang brother at ang mother ni-yang sinasabing naging kaibigan ni Melanie Marquez nu’ng mag-stay ang da-ting beauty queen sa France.
* * *
MAGBIBIGAY na naman ng infotainment ang Kap’s Amazing Stories ni Sen. Bong ngayong Sunday, kung saan ang buhay ng mga insekto sa kagubatan ang kanyang topic. Patuloy din ni-yang tatalakayin ang Life in the Undergrowth, kaya tutok lang sa Kap’s Amazing Stories, pagkatapos ng Pepito Manaloto.
* * *
SPEAKING of horror movie, malapit nang mapanood ang The Road, na produced ng GMA Films, tampok ang tween stars na sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza.
Parehong proud ang dalawang young stars dahil nakasama sila sa horror movie na ito kaya talagang nag-effort sila na magampanan ng husto ang kani-kanilang role.
Naaliw lang kami kay Barbie nang sabihin niyang kuntento siya kahit alam ni-yang kulang ang kanyang “hinaharap.”
Puwede naman daw kasi itong mukhang maging malusog lalo na kapag nilagyan niya ng kutsinta. Hahaha!
Anyway, nami-miss din daw ng young actress ang ka-loveteam niyang si Joshua Dionisio, na hindi niya kasama sa The Road. Madalas daw kasi silang magkulitan kaya hinahanap-hanap niya ito.
Pero mapapanood naman silang magkasama sa Tween Hearts ngayong Sunday kung saan ang episode ay tungkol sa pagbabalik ni Joshua.