Jen and Luis' soulmate finally meet


MARAMI ang nagulat nang biglang umamin si Luis Manzano sa interview ng, “Oo, kami na,” patungkol sa relasyon niya kay Jennylyn Mercado.

Komento tuloy ng isa naming kaibigan, hindi kaya hinintay lang ni Luis na umamin ang ex-GF niyang Angel Locsin tungkol sa relasyon naman nito kay Phil Younghusband?

Kamakailan kasi, sinabi na ni Angel na maligaya siya sa piling ng Azkal player.

Ayaw na naming bigyan ng ibang kahulugan ang pag-amin ni Luis sa real score nila ni Jen dahil nakakatuwang malaman na may bagong nagpapaligaya na kina Luis at Angel.

Kahit pa inamin na ni Luis na sila na ni Jen, tumanggi ang binata ni Gov. Vilma Santos-Recto na sabihin kung kailan naging sila.   

Say ni Luis, naipakilala na rin naman daw niya si Jen sa kanyang ina, pero hirit ng host-actor, hindi pa raw gaanong nakakapag-bonding sina Ate Vi at Jen.

Ayon pa kay Luis, maging ang bestriend at soulmate niyang si Anne Curtis, personal na rin daw nakilala ang kanyang girlfriend.

Simpleng “hi and hello” lang daw ang nangyari between Jen and Anne dahil may lakad sila ni Jen that time.

Pero sinabi raw ni Anne sa kanya, even before pormal niyang makilala si Jen, gusto ng Pinay-Australian actress na maka-bonding din si Jennylyn.

Maging ang Kapuso actress, nabanggit na rin sa isang interview na “mayroon na kaming parang formality. Basta kaming dalawa, formal na rin ’yung relationship namin,” patungkol naman kay Luis.

* * *

HANGGANG ngayon, tuloy sa pamimigay ng Wil Time Bigtime ng P50K cash prizes. Ito ay kung ikaw ang masuwerteng matatawagan ni Mariel Rodriguez sa kanilang Wil Fone Cherry Mobile portion. Hindi lang ’yun, pati ang audience may chance manalo ng P50,000 kapag ang pangalan naman nila ang mabubunot.

Balik-WTBT na rin ang Cebuana Lhuillier, kung saan namimigay ito ng P1-M cash prize sa grandwinner ng WTBT, kasama ang isang Foton car at house and lot courtesy of Camella Homes,

Kaloka lang si Willie sa madalas na panunukso kay Mariel tungkol sa “maagang bumigay kay Robin,”

Sagot naman ni Mariel: “Kuya Wil, basta’t mahal mo ang isang tao at mahal ka niya, nagmamahalan kayo, ‘yun na ‘yun!”

Isa pang ikinaka-touch namin ay nu’ng humingi ng dasal si Willie sa lahat ng Pilipino na nagmamahal kay Comedy King Dolphy para sa agarang ikabubuti ng kalusugan nito, na balitang nasa ICU ulit.

Inihandog pa niWillie ang kanta niyang Smile kay Mang Dolphy, at bakas sa mukha ng TV host ang kalungkutan.

* * *

FOR the first time, sama-samang umakyat sa isang stage ang top excutives ng tatlong TV network -- si ABS-CBN Chairman/CEO Gabby Lopez III, GMA7 CEO/Chairman Atty. Felipe Gozon at TV5 Chair Manuel V. Pangilinan.

And this was made possible sa idinaraos na 22nd Ad Cong-ress sa CamSur.

After the presentation, nagpaunlak ng interview ang bawat isa.

Nauna si Atty. Gozon at ang nagtanong sa kanya ay si Korina Sanchez ng ABS-CBN.

“TV will still be there. Only devices change, but TV content will still be there in the future,” say ng GMA exec sa intrevite ni Korina.

Sa speech naman ni MVP ng TV5, inamin niyang pa-ngatlo lang ang TV5 sa Kapuso at Kapamilya Networks.

Sa tanong naman sa kanya kung papasukin ang politics, agad niyang sagot na hindi.

Pero kahit inamin ni MVP na pangatlo lang ang Ka-patid Network, super-bongga naman ang ipinamudmod niyang prizes sa Ad Cong-ress, huh!

Apat na Toyota Vios at pang-grand prize na Mini Cooper lang naman ang ipi-namigay ng TV5, kung saan si Superstar Nora Aunor pa ang bumunot ng lucky winner.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC