KAPANTA-PANTASYA ang limang poses ni Solenn Heussaff bilang 2012 Ginebra San Miguel calendar girl.
Ibinalandra niya ang hugis ng kanyang katawan, boobs at pati ang tambok sa ibaba, huh!
Eh, kumportable kasi sa katawan niya ngayon si Solenn, so, normal lang sa kanya ang magpaka-daring.
Sa pictorial nga ng filmfest movie niyang Yesterday, Today, Tomorrow, aba, walang suot na bra at manipis na panty lang ang underwear niya, huh!
To think na see-through ang suot niyang gown.
Biniro namin siya kung aprub siya sa bansag na “Bagong Tambok Queen” at tanggap naman niya ito, huh!
Take note, payag din siyang tumodo sa paghuhubad, “Basta lang classy, hindi bastos at hindi ako ikahihiya ng parents ko! Hahaha!”
Sa YTT nga pala, pag-aagawan siya nina Dennis Trillo at Paulo Avelino pero mas matindi ang love scenes niya sa una dahil obsessed sa aktor ang role niya.
’Yun nga lang, meron na raw siyang boyfriend.
“Waley naman difference kung may boyfriend ako o wala. I don’t want to talk about him! In private lang, hahaha!” sey ni Solenn.
* * *
HINDI nakaranas ng problema si Marvin Agustin kay Claudine Barretto sa mga eksenang magkasama sila sa katatapos na GMA series na Iglot.
“Alam mo kasi… hindi sa nilalabas ko ang sarili ko sa situation. Nu’ng nangyayari ’yon, hindi kami ang istorya, eh. So, nagkahiwalay kami sa story, ’di ba? Nu’ng nangyari ’yung incident na ’yon, ang kasama ko sa story, si Jolina (Magdangal).
“Nasa Maynila ang eksena ko. Sa huling eksena namin bago maghiwalay, ‘Gusto kong hanapin ang sarili ko!’ Kaya sa province siya at sa Manila ang scenes ko.
“In fact, I never experienced any problem with her. Oo. ’Yun na nga, nang nangyari ’yon, wala kasi ako,” paliwanag ni Marvin.
Eh, nu’ng mag-meet uli sila?
“Nu’ng nag-meet kami, ending na. Nabaril na siya! Doon kami nagkita. Sini-save ko siya. Ah, mahirap kasing magsalita na, yes, ganito ang nangyari, na hindi ko naman na-witness. It’s going to be unfair for her. Sa akin, during the time na magkatrabaho kami, she’s very okey,” pahayag ni Marvin.
Nalungkot ang aktor nang biglang magtapos ang Iglot.
“Not just for work. Kasi alam naming gusto ng tao ang pinanoood nila. But lahat naman ng nagsasara, may nagbubukas. Hintay lang.
“May ginawa naman ako, itong The Road. Sabi naman ni Tita Wilma (Galvante), ‘Naku, Marvin, hindi kita pagpapahingahin para hindi ka makagawa sa ibang channel.’ Mahal ko itong istasyong ito.
“Marami akong realization nang lumipat ako sa 7, eh. Mahal ko ito as much as I love Channel 2 dahil doon ako nagsimula. Channel 7, mas pinahaba nila ang career ko,” katwiran ni Marvin na freelancer na ngayon.
Pagdating naman sa kanyang pagiging concert producer, pahinga muna si Marvin after ng Back Eyed Peas na dinala niya sa bansa.
“Gusto ko namang mag-celebrate ng masayang Christmas. Nakaka-heart-attack ang concert. Sabi ko nga, bata pa ako pero magkaka-heart attack ako ’pag concert! Hahaha! Stressful! Nakakasuka sa pagod! “Fulfilling lang on the day ng event na nakikita mo ’yung mga tao, nakapila, sumasayaw at kumakanta,” pagmamalaki ni Marvin.