HINDI na bago para sa ma-tinee idol na si Enchong Dee ang mga sexy role at bold pictorials.
Dati nang ginagawa ni Enchong ang magpakuha ng eksenang shirtless siya o naka-shorts lang. Maging sa sexy pictorials o sa rampahan, appear si Enchong na shirtless o short. Pero sa susunod na taon, planado at pinaghahandaan na ng guwapong matinee idol ang pagiging sexier at matured pagdating sa roles.
Magkagayunpaman, ga-gawin daw ito ni Enchong kung maganda ang script at talagang kinakailangan.
O ‘di nga ba naman, malakas ang hatak ng sexy movies sa box-office, tulad ng My Neighbor’s Wife at No Other Woman na pawang blockbusters?
Feel din ni Enchong na magkaroon ng pelikulang tatabo nang husto sa takil-ya.
At nang matanong naman si Enchong kung sino ang feel niyang maging leading lady, kung siya mismo raw ang masusunod, feel ni Enchong na leading lady ‘yung mas may edad kesa sa kanya.
Feel kasi niya ang karakter na may temang ala-May-December affair.
* * *
SUPER-HAPPY lately ang batikang actress na si Lorna Tolentino sa sobra-sobrang blessings na dumarating sa kanyang buhay.
Ang isa sa mga ito ay ang pagdating sa pamilya niya ang isa pang miyembro at kauna-unahang apo ni LT.
Kamakailan lang kasi, naging tatay na si Rap Fer-nandez, ang eldest son nina Lorna at yumaong husband na si Rudy Fernandez.
Baby girl ang unang apo ni LT at pinangalanan na Lyla Victoria.
Hindi pa man humuhupa ang kaligayahan ni LT sa magandang feedback ng kanyang first soap opera sa TV5 na Glamorosa with Alice Dixson, heto at excited naman siya sa role sa tunay na buhay na maging isang grandma.
Tsikang kaya napili ni LT na maging Kapatid, kahit pa may offer sa kanya ang ABS-CBN, dahil mas tambak ang trabahong offer sa TV5.
As in, tuluy-tuloy ang kanyang trabaho sa loob ng dalawang taon kasama na rito ang isang posibleng paggawa ng pelikula sa Kapatid Network.