Sarah likes Derrick to be her BF


WALANG kiyemeng inamin ni Sarah Lahbati na puwede niyang maging boyfriend si Derrick Monasterio. Kaya lang may pasubali star ng seryeng Kokak na huwag muna ngayon.  Pareho pa kasi silang busy sa kani-kanilang career at mga bata pa para maging seryoso sa relasyon.

“Wala akong balak na ma-kipagrelasyon sa ngayon. Sa future malamang, kung andiyan pa rin si Derrick na umaaligid sa akin!” nakangiting sabi ng dalaga.

Pero may nagtsika sa amin na isang malapit kay Derrick na MU (mutual understanding)  na  raw sina Sarah at Derrick.

At dahil siya ang title role sa Kokak, medyo seksi si Sarah dito at may dalawang leading men -- sina JC Tiuseso at TJ Trinidad.

* * *

NAGKAROON kami ng pagkakataon na mapunta-han ang sikat na sikat ngayong Fontana Leasure Park, na nasa Clark Free Fort,  Angeles City, Pampanga.

Thru invitation ang pagpunta namin, with the Philippine Movie Press Club, para maka-experience daw namin mismo ang kakaibang atmosphere ng lugar.

Tsika nga ng kanilang marketing officer na si Lai Valiente, na mismong nag-asikaso sa amin, recently lang daw, naging guests nila ang pamilya ni Manny Pacquiao.

Super-enjoy daw ang mga anak ni Pambansang Kamao sa kanilang bagong bukas na water parks na pambata talaga at napapaligiran ng mannequin ng iba’t ibang mga hayop.

Si Manny naman daw, nag-enjoy sa swimming pool at golf course ng Fontana.

Naging bisita rin daw nila kamakailan din lang si Derek Ramsay, kasama ang mga kaibigan, para mag-swimming  at mag-golf na rin.

Nakasagap din kami ng ng PMPC members ng sariwang hangin at kakaibang environment. Feeling nga namin nasa ibang bansa kami dahil super-linis at fresh na fresh ang pasilidad sa Fontana. Pinatikim din kami ng mga kakaibang putahe na pang-five star hotel talaga ang lasa.

Super-babait pa ng kanilang staff na laging naka-smile.

Hindi tuloy kataka-takang magkakaroon ng phase 2 ng Fontana na nakatakda nilang tayuan ng high-rise hotel.

* * *

KAHIT hindi pa kumpirmadong tuloy ang kasal ni TJ Trinidad sa kanyang long-time GF next year, madalas nang sabihin ni TJ na one-woman-man siya at sobrang faithful sa kanyang dyowa.

Pansin din namin na kahit sino ang i-partner kay TJ, walang tsismis na nakiki-affair siya sa kanyang leading lady.

Basta lahat daw, trabaho lang kay TJ.

At kapag nasa set, tahimik lang ang aktor at laging nasa quarter kungdi nagbabasa ng script at nagpapahinga.

Bilang aktor, hindi rin marunong mamili ng role si TJ.  Kahit sino raw ang kanyang maging partner okay lang sa kanya.

At kahit pa this time, nasa afternoon soap siya, walang reklamo si TJ.

“Trabaho lang ang lahat,”  katwiran ng aktor.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC