Iza doesn't stay in their house after dad's burial


NAKATUTUWA si Ruffa Gutierrez  habang  nagti-tweet sa amin nitong Sunday sa nangyayari sa loob ng MGM Grand Arena, Las Vegas pagkatapos ng laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez, na pinagwagian ng Pambansang Kamao via majority decision.

Sobra raw ang galit ng mga Mehikano sa pagkatalo ng kanilang manok at tina-wag  pa si Ruffa ng mga itong “LOSER” habang hi-nihintay si Pacman para hingan ng reaction.

Natawa pa kami nang i-tweet ni Ruffa sa amin na naiihi na siya, pero hindi siya makapunta sa CR dahil baka doon siya saktan ng galit na galit na mga Mexicano na fanatic fans ni Juan Manuel Marquez.

Pati nga raw mga Pinoy na nasa loob ng MGM Grand Arena, Las Vegas, galit na sinisigawan ng mga Mehikano dahil hindi matanggap na mga ito na talo ang manok nila ni Pambansang Kamao natin.

*  *  *

Ayaw ni Iza na matigil  nang matagal sa bahay pagkatapos maihatid sa hu-ling hantungan ang yumaong ama na si Lito Calzado.

Ayaw daw niyang  ma-ging sobrang emosyunal sa pagkawala ng ama.

Gusto ni Iza na pagkatapos ng libing, balik-tranahabo na agad siya bilang isa sa hosts ng Eat Bulaga.         Nagdaramdam  man si Iza sa pagkawala ng pinakamamahal na ama, bakas naman ang saya niya sa mukha sa wake ni Direk Lito sa Mt. Carmel Church sa Quezon City dahil sa rami ng mga nakiramay. 

Hindi naman kami nagtataka kung dagsain ng mga nakiramay mula sa loob at labas ng showbiz si Lito dahil mabait at masayahing tao ang ama ni Iza, na ma-tagal na rin naming kaibi-gan. 

At alam din namin kung gaano nito pinangangalagaan si Iza. Natatandaan pa nga naming lingid kay Iza, ang ama niya ang naglalambing sa mga kaibigang press na intindihin na lang ang mga intriga sa kanyang anak at huwag na itong palakihin pa.

Bagaman personal na manager ni Iza ang ama, hin-di ito nakialam o nagreklamo sa career plan ng GMA7 para sa anak.

At never ding nakipagbangayan si Lito sa mga bumabatikos sa anak.

Lagi na lang nitong sinasabi sa mga kaibigang press na sila na ang bahalang magtanggol sa kanyang dalaga.

Kaya maraming nagma-mahal na press people kay Iza dahil sa magandang pakikitungo ng kanyang ama sa mga ito.

Paalam, Lito Calzado, isang mabait at madaling kausaping kaibigan!

*  *  *   

SALAMAT sa pamunuan ng Fontana sa Subic Pampanga sa ibinigay nilang importansiya sa grupo ng Phi-lippine Movie Press Club (PMPC) na nagkaroon ng bonding doon last Saturday and Sunday.

Grabe ang ganda ng lu-gar na laging pinupuntahan ng mga turista at pami-pa-milya para magbakasyon do-on. Isang rest house lang  ang kailangang upahan ng isang pamilya at sure na kumportable na sila. Kumpleto kasi sa mga gamit-bahay ang mga resthouse sa Fontana at air-conditioned pa ang bawat isa, huh!

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC