Controversial win must serve as lesson for Pacman


SA gitna ng kontrobersya sa naging panalo ni Manny Pacquiao kontra kay Juan Manuel Marquez, nagbibi-gay pa rin tayo ng respeto sa kanya, though mas naging karespe-respeto ang mga kapwa-Pinoy na nagpaha-yag ng kanilang honest opinion sa tila hindi convincing win ng ating Pambansang Kamao.

Ngayon nga, sobrang saya kami sa pagsasabing masarap talagang maging isang Pinoy.  Mas marami pa rin kasing mga kababayan natin ang marurunong pumarehas. Sa mga nakakaintindi ng sports at sa mga nagbigay ng respeto sa nakatunggali ni Pacman, malinaw ang mensaheng matatalino at marespeto ang mga Pinoy.

Pero hindi rin natin maku-kuwestiyon ang sistema ng mga ekspertong judges sa larong boksing dahil ang mga nasa ganitong larangan, may bihasang mga mata  na sumusuri at nag-aanalisa, bukod pa  nga sa  nakarehis-tro sa digital camera at computers ang mga suntok na pinakawalan ni Manny at power punches niya, as against Marquez.             Anyway, doon sa mga hindi satisfied sa panalo ng ating Pambansang Kamao  laban kay Marquez, maging “magnanimous” na nga lang tayo sa inaakala ng ibang hungkag na tagumpay ni Manny.        

Sana lang, ’yung mga nagbubulag-bulagan naman at siyempre pa ay may paki-nabang at interes kay Pacman, matuto rin silang ma-nalangin na landasin ni Pacman ang totoong laban sa buhay.

Isa kami sa nakikiisa na unahin sigurong “linisin” ni Pacman ang kanyang “bahay” kumbaga, bago siya magpahayag ng gusto niyang larangan sa pulitika.

While we acknowledge his greatness in boxing and his contribution to the good image of our country, kalabisan na marahil ang magpahayag na tila siya ang hinihintay na Messiah para “mabago ang sistemang pulitikal ng bansa.”

Napakahabang debate nito at hindi kailangan ng  judges at analysts para bigyan ng puntos si Pacman.

Nagdarasal lang talaga kami, tugang na Butch, na magsilbi sanang “greater lesson” para kay Pacman ang kanyang naranasan.

Hindi lahat ng ambisyon ay natutupad at naibibigay at nakukuha nang makatotohanan.

World commodity si-yang matatawag at negosyo siyang isinasangkalan ng mga nagpapatakbo ng boxing industry.        

*  *  *

MAPAKASAYA kahit nakakapagod ang ilang araw naming biyahe sa China.

Literal na bawal ang Facebook at Twitter doon kaya hirap na hirap kami sa hindi namin napakinabangang roaming phone service.

The first two times that we’ve been to China, hindi namin ito masyadong na-enjoy dahil mga probinsya ang pinuntahan namin  at hindi nakipag-bonding sa amin ang mga Panda roon.

Noong second time naman, usapang negosyo lang, hahaha! Pero this third time was quite different dahil bukod sa dream naming maakyat ang Great Wall of China, eh, nabisita namin ang mga pamosong Tiananmen Square, The Emperor’s Tomb, Forbidden City, at ang mayayamang cultural sites and traditional villages and practices ng naturang bansa na mayroon nang 1.3 billion people.

Pagkatapos nga naming i-enjoy ang pagsuporta kay Dianne Necio sa Miss International pageant kung saan itinanghal siyang Miss People’s Choice at pasok sa top 15, lakwatsa na talaga ang naging drama namin kahit mga bunduk-bundok ang aming dinadaanan   na may napakahabang mga biyahe.

Isa lang talaga ang naging pintas namin sa Miss International pageant (sa Chengdu province ginawa) kung saan si Miss Ecuador (mabait siya, in fairness, at sexy talaga) ang winner.         Noong umambon na at nagpayong na ang judges at nagkapote na ang mga manunood sa open air coliseum nila, biglang nag-decide ang organizers na huwag nang magkaroon ang Q&A portion ang top 15 semi-fina-lists. Preparadong-preparado pa naman ang pambato natin dahil kinarir niya ang pag-aaral ng Chinese Mandarin language. Pero gaya ng lahat ng kababayan nating nagpapasalamat, masaya na rin si Dianne sa inabot niya.         All out support din ang boyfriend niyang si Vice-Governor Ram Uy ng Samar na poging-pogi sa kanyang tuxedo. Talagang sinamahan niya si Dianne doon at sa katunayan nga, du’n na siya nag-birthday, two days before the grand coronation. May maliit na Pinoy community kaming nakilala roon na halos dekada na ring nakatira sa Chengdu province.

Nagkasya na lang daw sila sa mga teleseryeng Pinoy sa local cables du’n na dubbed in Chinese na kara-mihan, pinagbibidahan pa nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Bea Alonzo, Diether Ocampo, Jericho Rosales, Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.

Looking forward nga raw sila na mapanood soon ang mga type na type nilang sina Kim Chiu at Sarah Geronimo base sa mga nababalitaan nila sa Pilipinas, plus ‘yung bagets na sina Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla at Jillian Ward.

Takang-taka talaga kami sa airport ng Chengdu dahil as a domestic airport, naka-gugulat makitang super-busy ‘yun. Imagine, mayroon itong 280 flights a day kaya nakakapagtala sila ng 29 million na tao na labas-masok sa pro-binsya nila sa loob ng isang taon, gayung kung aming ilalarawan ang naturang lugar, eh, mas magaganda pa ang mga probinsya natin sa ‘Pinas.

Anyway, super-enjoy kami ng grupo namin nina Atty. Carol ‘Ganda’ Sabio, Polangui Mayor Cherrie Sampal at asawang si Kuya Bong, Tintin Mella, Albay Pageant Academy head BM Glenda Bongao, sina Bem Catangui at BU Prof. Benjie Nebres at ang tita ni Dianne na si Tita Miles Bobis. At dahil proud sa amin si dear Gov. Joey Salceda, na siyang nagpadala sa amin du’n, prouder kaming umuwi dahil wala kaming bitbit na pirated products.

Hahaha!

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC