NAIPAGTANGGOL ni Manny Pacquiao ang kanyang korona laban kay Juan Manuel Marquez sa bakbakan nila kahapon sa Las Vegas, USA.
Kaya lang marami raw ang nadismayang Pinoy fans ni Pacman dahil hindi niya napatulog o napabagsak si Marquez.
Anyway, nagtagumpay pa rin si Manny sa laban. At ngayong hindi na naman siya abala sa pag-iinsayo, mapagtutuunan na naman niya ng pansin ang kanyang programa sa GMA na Manny Many Prizes.
Kaya naman excited na naman ang kanyang mga tagasubaybay sa programa at ang mga co-hosts dahil muli na naman nilang makakasama in person ang Pambansang Kamao.
By the way, nakita namin na nang ihayag na si Manny Pacquiao ang nanalo sa laban nila ni Marquez, bina-to ng bote ng mineral water si Manny ng supporters marahil ni Marquez.
Nakita rin namin na siniko si Jinkee Pacquiao ng katabing babaing suppor-ter din siguro ni Marquez nang i-announce na si Pacman ang nanalo.
Nakita naming naluha si Marquez nang ihayag na natalo siya ni Manny.
Samantala, sa interbyu kay Manny Pacquiao kung willing pa siyang muling labanan si Marquez, yes ang sagot ng Pambansang Kamao, pero kung wala raw magiging problema sa panig ng promo-ter na si Bob Arum.
* * *
HINDI na mapigilan si Solenn Heusaff bilang mabiling product endorser.
Ang unang endorsement niya magmula nang pumasok sa showbiz ay ang pagiging calendar girl for 2012 ng Ginebra San Miguel.
Buhat nang magbida siya sa Temptation Island ng Regal Film, marami na ang nakapansin sa alindog ni Solenn. Napaka-sexy niya at super-ganda ng mukha.
Bukod sa angking ganda, full of talents din ang half-Pinay-half French na dalaga. Concert- recording artist din si Solenn.
Mabili ang kanyang first album at punung-puno ang concert hall nang dalawang araw siyang nagtanghal sa Teatrino, Greenhills.
* * *
Excited si Lovi Poe sa bago niyang soap sa GMA, ang Legacy.
Super-rich girl ang papel na ginagampanan ni Lovi sa Legacy, role na unang ibi-nigay kay Iza Calzado. Nagback-out si Iza sa soap kaya ibinigay ito kay Lovi.
Kasama rin sa soap sina Heart Evangelista at Ales-sandra de Rossi.
Ipapalabas ang Legacy sa mga unang buwan ng 2012.
By the way, dalawa ang leading man dito ni Lovi, ang magkapatid na sina Geoff Eigenmann at Sid Lucero.
Ang soap ay istorya ng awayan ng pamilya sa ka-yamanan nila.
Para pala itong kuwento ng pagkakapatay kay Ramgen Revilla na ang pinaghihilaang mga salarin ay ang mismo nilang dalawang ka-patid
* * *
Hindi pa tapos ang Mun-ting Heredera, may nakalaan nang panibagong pro-ject sa Kapuso Network si Gloria Romero.
Sobra ang pananalig ng GMA kay Tita Glo kaya bibigyan ng another project sa 2012.
Sobra rin naman ang ginawang tagumpay ng Mun-ting Heredera sa ratings game kaya super-extended ito hanggang Feb. 2012.
Sa istorya ngayon, patuloy na itinatago ni Roderick Pau-late si Jennifer. Pero, alam na nina Gloria, Ca-mille Prats at Mark Anthony Fernandez na anak nila si Jennifer.