Pinakamatalik ko siyang kaibigan
sa pasimula pa lamang ng aking buhay
hanggang sa aking mga yakap
sa walang hanggan
siya’y nahimlay.
Si Daddy.
Nag-iwan siya sa akin
ng masasayang alaala.
Lagi ko siyang kausap
araw-araw.
Lumipas na ang dalawampu’t limang taon,
marami pa rin kaming ini-istorya
sa isa’t-isa.
Dahil sa kanya
Ingles ang naging una kong wika.
Lumaki kasi siya sa panahon ng mga
Amerikano.
Halos kuwarenta na siya noong siya’y
kinasal,
kaya’t parang lolo ko na ang Daddy ko.
Sa Amerika naman nag-aral ng pagiging Civil Engineer
ang kanyang ama
bilang isa sa mga unang Filipino iskolar
ng gobyerno ng Estados Unidos.
Mga unang daan at tulay ng Luzon,
pati na ang pagbabago ng Malacañang,
si Lolo ang isa sa mga gumawa.
Kaya’t heto ako,
Inglesero,
kahit karamihan sa ating mga Pilipino
ay hirap na sa pag-Ingles nang tuwid
dala ng pagbabago ng panahon.
Ama ko rin ang humubog sa akin
na maging isang manunulat.
Kaya’t heto ako,
pintig ng bayan ko
aking naisusulat
sa awit, sa tula,
sanaysay, at kuwento.
Sa pluma’t papel
nabubuhay ko ang aking mga anak.
Pluma’t papel lamang,
sapat na.
Di ko kailangan
mag-bus,
mag-MRT,
mag-LRT,
mag-tricycle,
mag-FX,
mag-jeepney,
at suminghot ng polusyon ng
Metro Manila
para kumita ng pera,
dahil sa bahay,
sa restorant,
sa kapihan,
kahit saan,
nakakasulat ako.
‘Yan ang natatanging yaman
sa akin iniwan
ng aking ama –
ang pagiging manunulat.
Nakaka-miss si Daddy.
Naaalala ko
lagi naming dini-diskusyon
ang lahat ng mga isyu ng bayan –
Martial Law,
laban ng opisisyon
noong panahon ni Marcos,
ang pagpatay kay Ninoy,
ang Unang People Power Revolution …
Tila, para sa kanya, mas madilim pa
ang panahon ni Marcos
kaysa sa panahon ng mga Hapon
kung saan siya’y lumaban
para sa ating bayan.
Scout siya ng mga Amerikano
na taga-bigay babala kung nariyan na
ang mga kalabang Hapon.
Mas malagim daw kung di mo alam
kung sino talaga ang iyong kalaban,
sabi ni Daddy noong nagdilim ang
ating bayan
dahil sa Martial Law.
Di matapos-tapos
ang aming mga kuwento.
Kahit kuwento tungkol sa lolo niya
ikinukuwento rin niya sa akin.
Katipunero ang lolo niya,
naging Missing in Action,
di na siya nakabalik sa kanyang asawa’t
tatlong anak na lalaki,
isa sa kanila ay si Juan,
ama ng ama ko.
Bago nito,
puso nilang mag-ama ay nangagsiklab
nang sa Bagumbayan saksi sila
sa pagbaril kay Jose Rizal,
bagay na di malimutan ni Lolo Juan,
kahit anim na taong gulang pa lamang
siya noon.
Puno ng kuwento ng ating bayan
ang diwa ko
dahil sa aking ama.
Naabutan pa niya si Cory
at ang pitong madurugong attempted coup d’état
ng kanyang administrasyon.
Parang giyera sa amin sa Cubao
dahil pinalilibutan kami
ng EDSA,
Camp Crame, Camp Aguinaldo,
at mga istasyon ng telebisyon at radyo.
At niyanig ang aming komunidad
ng mga helicopter, tanke,
at mga putok ng mga bazooka.
Ramos, Erap, Gloria, Noynoy –
di na niya naabutan sila.
Saklob ng aking ulo’y
nawala,
ngunit ang mga kuwento niya’y
aking dala-dala.
Lumilingon ako
kaliwa’t kanan,
di ko na makita ang aking
pinakamatalik na kaibigan,
maliban dito sa aking puso,
sa aking isipan.
At sa panahong ngayon
na mabigat sa ating kalooban
ang maging isang Pinoy,
kinukutya’t kinaiinisan
ng buong mundo
ang ating dakilang lahi,
naaalala ko ang mga kuwento
ni Daddy.
Kundi sa alaala niya,
madaling bumitiw sa ating bayan
at mawalan ng pag-asa,
ngunit dahil iniukit ng aking ama
sa aking puso’t isipan
ang diwa’t kasaysayan
ng ating lahi,
heto ako,
umaasa’t naniniwala pa
sa kabutihan at galing ng
Pilipino.
9 Responses to Mga Kuwento Ni Daddy
1. Paul Najera says:
September 4, 2010 at 11:00 pm
Nicely written Ruby Ann. It makes me remember with nostalgia your dad, kuyang Nick. It was in Pasaje Padilla, a quaint little alley, not a street but a dead-end limb of the old Azcarraga Street in Manila around the corner of Mendiola Avenue that I first saw him or became aware of him for it is possible that I already met him before as a young tot in Pangasinan. Pasaje Padilla had several apartment houses and relatives from Pangasinan congregate and maintained apartment houses here because the location is situated near the university belt and it is easier to travel from Pasaje Padilla to the various universities in Manila. Your dad probably spent his years as a university student here and he was already a successful professional when I met him there.
Reply
2. Ruby Ann Kagaoan - Calo says:
September 5, 2010 at 5:40 am
Thank you so much, Uncle Paul, for adding another dimension to my remembrance of my father. He did graduate from the Far Eastern University, where he took up Accounting. I do recall his mentioning of a street named Azcarraga. He must already have been a CPA working for William Lines, Inc. in North Harbor when you met him. Lolo Ador Navarrete introduced Daddy to William Chiongbian when he was a young CPA, and he helped build William Lines, establishing its accounting systems and training young Chiongbians who later on became his seniors. Daddy faithfully served William Lines even after his retirement and until his last days. He was a one-company man and one-woman man. For his epitaph I had this line inscribed, “He was faithful and true.”
Reply
3. Joel Kagaoan says:
September 7, 2010 at 3:36 am
I could remember Uncle Nick’s few visits to their old residence in Tayug where we lived, riding his beige Gemini. I would always take his hand and bring it to my forehead (mano) as a sign of respect, then immediately would ran away to join my friends playing outside. That was it for a little boy like me back then. I wasted the chance to get to know him. But I know my Dad (Viven) and their other siblings have high regard to your father not only because he was the eldest but also of his good deeds to his family and friends and by not getting involved in false transactions as a CPA. I then join them and raise a toast to that.
In addition, I learned a few things about Lolo Juan that makes me proud of him…thanks for the article, cuz.
Reply
4. Ruby Ann Kagaoan - Calo says:
September 7, 2010 at 3:01 pm
Sharing a comment sent through my Facebook account:
I read the “Father…” poem you did and found it very beautifully touching. I could feel how you truly miss the presence of your father. It was haunting in its depth and maybe, gripping..if that’s the right word. I couldn’t help but think how different things might have been if your parents were alive still…but at least you have the precious memories to keep you happy.
Reply
5. Ruby Ann Kagaoan - Calo says:
September 7, 2010 at 3:05 pm
Sharing a comment sent from SBS, the Australian radio network that broadcast “Mga Kuwento Ni Daddy” on September 7, 2010:
I read the poem first and when it was aired last night I was very touched… You had such great memory of your dad and your poem encompasses all your beautiful memories of him. I could feel the truth in it all…it is without a brag…just the true account of your dad’s life that is worth remembering forever!
Reply
6. Philip Penaflor says:
October 15, 2010 at 12:53 am
salamat sa’yong pluma’t papel Ruby. Ang iyong panitik ay tunay na nagpalakbay sa aking diwa sa ating kasaysayan, at nagpaalala sa’kin na ako’y kasali sa sa kasaysayang iyon. di kayang bigkasin ng salita ang nararamdaman ko mula sa’yong panitik, ngunit hayaan mong ika’y aking pasalamatan.
Reply
7. Ruby Ann Kagaoan says:
October 21, 2010 at 6:02 pm
Salamat din, Philip, at hinayaan mo ang iyong sarili na lumakbay kasama ng aking tula. Nais ko sanang masaba mo ang iba pang mga naisulat ko dito sa aking blog. Bilang kapwa manunulat, ang iyong mga palaisipan ukol sa aking mga naisulat ay aking bibigyang halaga.
Reply
8. Philip Penaflor says:
October 22, 2010 at 1:53 am
Salamat ulit Ruby, ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat. Kailangang palagi nating paalalahanan ang ating mga mamamayan ng mga adhikain ng ating mga ninuno. Kung minsan maaaring ikaw ay isang tinig sa kawalan katulad ni Juan Bautista, ngunit ayon nga sa isang kasabihan sa wikang Ingles, “It is better to light just one little candle than to stumble in the dark…” Pagpalain ka ng Diyos!
Reply
9. Richie Anderson says:
November 12, 2010 at 8:12 am
“Pinakamatalik na Kaibigan.” Marahil wala ng hihigit pa sa samahan ng pinakamatalik na kaibigan. Ito ang iyong pagsasalarawan sa iyong yumaong ama. Ang masasayang alaala ay nagsilbing inspirasyon sa iyong tagumpay bilang isang responsableng mamamayan. Nagdulot ito ng matatag na pundasyon maging sa iyong pagiging magulang sa iyong mga anak. Ang mga kuwentong nakaraan ng iyong ama at ang kanyang mga karansan sa lipunan ay nagsilbing hamon upang harapin mo ang kasalukuyan at ang panghinaharap. Ang taglay mong malawak na kaalaman tungkol sa mga pangayaring nagaganap sa bansa ay tunay na kahanga-hanga, isang mana. Bagay na hindi matatawaran ng sinoman na iniwan ng iyong pinakamatalik na kaibigan. Salamat sa iyong pinakamatalik na kaibigan. Salamat sa iyong pagsasalaysay. Salamat sa iyo, Ruby.
Published : Wednesday December 28, 2011 | Category : Pinay@Heart | Views : 2767
By : Ruby Ann Kagaoan

Pinakamatalik ko siyang kaibigansa pasimula pa lamang ng aking buhayhanggang sa aking mga yakapsa walang hanggansiya’y nahimlay.Si Daddy.Nag-iwan siya sa akinng masasayang alaala.Lagi ko siyang kausaparaw-araw.Lumipas na ang dalawampu’t limang taon,marami pa rin kaming ini-istorya sa isa’t-isa.Dahil sa kanyaIngles ang naging una kong wika.Lumaki kasi siya sa panahon ng mga... Read more
Published : Sunday December 25, 2011 | Category : Pinay@Heart | Views : 2121

This Christmas, we once more remember the birth of the One Who died in payment for the penalty for our sins. The purest for the filthiest. His life for our salvation. His love for our forgiveness. Although not all believed Him, He still spoke the truth. And to those who... Read more
Published : Wednesday November 23, 2011 | Category : Pinay@Heart | Views : 2999

There was a cancer in the time of our national hero Jose Rizal that he elaborately depicted through his novel Noli Me Tangere, metastasized in every fiber of Philippine society back then, having its roots in the prolonged oppression of the Filipinos by our Spanish colonizers. Today, we see... Read more
Published : Saturday November 19, 2011 | Category : Pinay@Heart | Views : 2603
By : Ruby Ann Kagaoan

I watched the PACQUIAO-MARQUEZ fight, live and from beginning to end, of all places, in a church fellowship. I wanted to see how religious people react to a boxing match. They were cheering at every blow Manny Pacquiao inflicted on his Mexican opponent Juan Manuel Marquez, yet it was... Read more
Published : Saturday November 05, 2011 | Category : Pinay@Heart | Views : 11728
By : Ruby Ann Kagaoan

I think in the Philippines we officially have 3 genders: Ma’am, Sir, and Ma’am-Sir. Do you ever notice how salesladies in the malls and food courts often greet you with “Yes, Ma’am-Sir!” even though you are just alone, or you are with someone and you are both female or both... Read more