NAGCARLAN, Laguna -- Masaklap ang sinapit ng dalawang tao matapos magkasunod na pagbabarilin noong Biyernes habang nag-iinuman sa Bgy. Wakat, bayang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ni Laguna police director Senior Supt. Gilbert Cruz ang isa sa mga nasawi na si Eduardo Alejandro, 42, residente ng 221 Bgy. Tubigan, Biñan, Laguna. Nananatili pang hindi nakikilala ang isang biktima.
Sa inisyal na ulat na ipinadala kay Cruz ni Chief Insp. Jayson Bombase, hepe ng Nagcarlan police, isang tawag mula sa barangay captain ng Wakat ang kanilang natanggap hinggil sa naganap na barilan sa naturang lugar.
Hindi pa nakikilala ang mga suspect na mabilis tumakas matapos barilin ang dalawang biktima.
Dakong 10:30 ng umaga, ayon kay Bombase, kanilang pinuntahan ang lugar na pinangyarihan ng barilan kung saan nakabulagta ang dalawa.
Base sa imbestigas-yon, magkakasama sa inuman ang dalawang nasawi gayundin ang hindi pa nakikilalang mga salarin.
Ilang sandali habang nag-iinuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspect na humantong sa pamamaril.
Tumakas ang mga suspek lulan ng magkaibang motorsiklo. Patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon sa pangyayari, ayon sa pulisya.
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 26
By : Willie S. Baun

WAS it a senator-judge or a defense counsel in the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona who, in what seemed a half-cooked bid to sound philosophical, said the CJ could have committed only honest mistakes in computing some amounts in his statement of assets, liabilities, and net worth? ... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 24
By : Dennis F. Fetalino

Augmentation and rebate. That’s what this ruthlessly taxed fixed-income earner signed on for. But Ped Xing heard it wrong. It turned out that the call was for argumentation and debate. Well, if that’s the case, then let’s have more of them. Maybe something good would come out of the discourse. ... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 25
By : Vic Reyes

SA isang demokratikong bansa na kagaya ng Pilipinas, napakahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag. Sa kanilang pagganap ng tungkulin ay madalas na nasasagasaan nila ang mga makapangyarihan sa lipunan. Sila’y tinatakot, pinapapatay at madalas ay kinakasuhan ng libelo para lang perhuwisyuhin at patahimikin. Kung minsan, sila ay nakukulong... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 27
By : Jess V. Antiporda

MUKHANG hindi na masyadong pinapansin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers ang mga reckless bus drivers dyan sa killer highway o Commonwealth Avenue at maging sa Quirino Highway, Macapagal Ave., EDSA. Quezon Ave., at iba pang malalaking daan. Rumaragasa at walang kiber sa pag-swerve kaliwa’t... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 23
By : Sec. Antonio 'Bebot' A. Villar, Jr.

SANA hindi tuluyang makaiwas sa hustisya si Melvin Sia, ang Tsinoy businessman na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pag-angkat ng walong kilo ng shabu! Dismayado ako dahil pinahintulutan ng korte ang pansamantalang paglaya ng suspect nitong February 3 batay sa inihaing writ of habeas corpus petition... Read more