WALANG katigil-tigil ang pagtaas ng presyo ng maraming bagay na kailangan natin sa araw-araw. Nariyan ang gasolina, ang toll fees, mga pangunahing bilihin, etcetera, etcetera.
Lahat ng ‘yan sa gitna ng hindi naman tumataas ang sahod ng mga tao at nariyan pa ang banta na madadagdagan ang mahabang listahan ng mga walang trabaho sa Pilipinas. ‘Yan ay sa dahilang mga taga-Indonesia na lang daw ang kukunin ng Taiwan kapalit ng mga Pinoy na hindi nila ipapa-renew ang kontrata at papayagang makapasok doon, dahil sa patuloy na pagmamatigas ng gobyerno sa hindi pag-apologize sa pagpapa-deport ng 14 Taiwan nationals sa kalaban nitong China at sa kaguluhang nangyayari sa Libya kung saan napilitang umuwi ang maraming Pinoy at iwan ang kanilang trabaho doon.
Hindi tuloy maiwasan na mukhang may punto naman si Senator Bongbong Marcos nang sabihin nitong kung hindi natanggal sa puwesto ang kanyang ama na si yumaong President Ferdinand Marcos, malamang ay ‘Singapore’ na tayo ngayon.
Speaking of which, hindi ko naman maintindihan itong si P-Noy kung bakit nitong nakaraang selebrasyon ng EDSA People Power Revolution ay biglang binira si dating First Lady Imelda Marcos pati na ang mga sapatos nito. Napanganga ako at napasabi ng, ‘what the...?!?’
Kung ‘yan ang sagot niya sa mga naging pahayag ni Sen. Bongbong, mukhang sablay at negatibo ang dating para sa kanya at very un-presidential ang kanyang naging actuation, sa ganang akin.
Una sa lahat, he should have shown magnanimity in victory. Ni hindi naman naka-direkta sa kanya o sa kanyang pamilya ang sinabi ni Sen.Bongbong pero ang naging sagot niya, direct attack sa nanay ni Senador. Kumbaga, binatukan kita tapos tatadyakan mo nanay ko? Anu ba ‘yun?
Isa sa mga pinakamagandang kaugalian ng mga Pilipino ang pagiging gentleman at magalang sa babae. Pinababa ni P-Noy ang kanyang pagkatao sa ginawang pag-atake kay Mrs. Marcos dahil una, babae ito, malaki ang tanda sa kanya at balo pa.
Ni hindi niya isinaalang-alang ang pagpapakumbaba na ginawa ng mga anak ni Mrs. Marcos na sina Imee at Bongbong nang dumalaw mga ito sa burol ni yumaong President Cory Aquino.
Sana, kung nainis siya sa sinabi ni Sen. Bongbong, sinagot na lang niya ito ng kung ano ang mga naging pakinabang sa bansa ng nangyaring pagpapaalis kay President Marcos. O kaya, nag-cite sana siya ng mga positibong bagay na idinulot ng People Power.
Better yet, sana ay ipinaubaya na lang niya sa mga ‘bata’ niya ang pagsagot sa sinabi ni Bongbong at hindi ‘yung siya pa mismo ang bumira at babae pa ang binanatan.
Kasi nga, Presidente siya at dapat ay siya ang mamuno sa pagkakaroon ng tunay na pagkakaisa o reconciliation sa bansa, hindi ‘yung ipinakikita niyang siya ay mapagpatol, mapagtanim at kulang sa respeto sa mga kababaihan, lalo pa nga kung ito ay may edad at balo na.
To me, it was a big turn off. Ibinoto ko pa naman siya...
* * *
MGA BASTOS SA RAON -- May mga nagrereklamong magulang dahil sa nadadaanan nilang mga bastos na paninda sa overpass ng Raon sa Quiapo. Kapag nga naman kasama nila ang anak na dumadaan du’n at nagtatanong kung ano ‘yung mga paninda na ‘yun, walang maisagot ang mga magulang.
Sa pagkakaalam ko, hindi pinapayagan ni Mayor Fred Lim ang mga panindang ‘yan. So, sino ang naga-allow diyan???
* * *
Jokjok (from Johnny de Asis of Marikina) -- Pedro: Pare alam mo ba lima ang chicks ko ngayon./Juan: Sino pinakamaganda?/Pedro: Wala. Magkakamukha eh./Juan: Ows? Imposible naman yata ‘yan, pare./Pedro: Totoo. Lahat sila magkakamukha. PURO MUKHANG PERA.
* * *
Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
or please text 0917-5277768.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 10

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 13
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more