‘Di namin kailangan ang bright boys!’ (1)


“Ginawang tambakan ang ARC (agrarian reform community) namin sa San Jose Del Monte, Bulacan. Apat na barangay ang sakop ng ARC, pero sa may dulong barangay, ang San Isidro, naro’n ang dalawang sunugan ng goma ng gulong at isang malaking tambakan ng basura ng tao at mga nakalalasong kemikal. Matagal na naming inilapit ang problemang ito sa DAR (Department of Agrarian Reform) at DENR (Department of Environment and Natural Resources),” ayon sa isang magsasakang nagsasagawa ng organikong pagtatanim sa kanyang bukid.

Dugtong ng magsasaka, “paanong mamumulaklak ang mga tanim naming palay at gulay kung ang sapa na ginagamit naming patubig ay puno ng kemikal at iba pang lason mula sa mga lamang –loob ng tao na itinatambak sa “sanitary landfill’ kuno?”

“Hirap na kaming huminga rito. May hika na ang mga apo ko. Ang ilog namin dito ay nangitim na hanggang sa tuluyang mamatay. Nawalan kami ng patubig at tubig inumin, nagkaroon pa kami ng sakit,” lahad ng isang lola na isang dating magsasaka, at  may apat na apo.

Ang lola ang dating nagsasaka ng kanyang bukirin sa Bgy. San Isidro na siyang kinalalagyan ng “sanitary landfill” at sunugan ng goma ng gulong. Ang anak na niyang lalake ang nagsasaka ng lupa.

“Apektado ang pananim namin dito, apektado na mga baga namin!” galit na pahayag ng isang magsasakang may tatlong anak. “Sira ulo ang mga nagsusunog ng mga gulong na ‘yan! Labag sa batas ang ginagawa ng Tsino na may –ari n’yan! Pati na ang tambakan ng basura na nagtatapon ng nabubulok at ‘di nabubulok na tinawag nilang “sanitary landfill” daw,  parang gusto talaga kaming patayin ditto sa barangay naming! Pero bakit parang walang ginagawa ang mga kinauukulan?”

Sa ARC naman sa may Brgy .Tarcan, Baliwag Bulacan, kahit na nagbigay na ng Notice of Closure ang DENR, patuloy pa rin ang pagtatapon ng mga dump trucks sa naturang ARC. Malaki ang pananagutan ng lokal na pamahalaan ng Baliwag.

“Kailangang tulungan din kami ng DAR at DENR dito. Hawak lang namin ay xerox copy ng NOC, pero dapat ay may kinatawan dito ang DENR at DAR. Sila ang dapat katulong naming nagpapatupad nitong order!”Galit na pahayag ng isa pang magsasaka.

“Ginawa pa kaming ARC ng DAR tapos ay iiwanan lang kami sa pansitan! Dapat ay kasama namin sila sa laban! Namatayan na kami ng isang bata nang uminom siya sa poso na dating napakalinis na pinagkukunan naming ng tubig-inumin.May sakit na ang matatanda rito dahil sa mabaho at may lason  ang hanging hinihinga namin mula sa tambakang ito! Agricultural land ito at ARC pa. Bakit parang pinapayagan ng gobyerno na mangyari ang pagsira sa pinagkukunan ng gulay at prutas ng mga mga Pilipino?  CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) o CARPER (Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms) o kahit ano pa ang gusto nilang itawag, hindi mahalaga ‘yon! Ang mahalaga, ang buhay ng magsasaka at ng kanilang lupang taniman ay hindi nalalason!”  daing ng isang may-idad ng magsasaka.

“Magagaling lang silang magsalita. Mga bright boys daw! May mga bright ideas daw ang mga namumuno! Pakiwari ko’y nakalutang sila! Kailangang makita nila ang mga katulad ng lugar naming na ginawa pa nilang ARC, pero nilagyan naman ng tambakan ng basura at iba pang mapanirang elemento.. Hindi namin kailangan ang mga bright boys, bright ideas na ‘yan kung mamamatay naman kami at masisira ang kabuhayan namin,.Ang kailangan naming tunay na reporma sa lupa at hindi basura!” Sabi ng isang kabataang magbubukid.

Ecological or organic agriculture does not only concern the Department of Agriculture or DA. It also concerns the DAR and DENR. The convergence of these three departments must be put into practice already.

Paano nga naman magtatagumpay ang agrarian reform, environmental protection, at organic agriculture kung sinisira ng mga kemikal at mga tambakan ng basura, quarrying, tire pyrolysis atbp ang mga taniman ng mga magsasaka?

Dalawang ARC pa lang ang binanggit ko. Puwede ko kayong samahan sa buong Bulacan para makita n’yo ang iba pang mga ARC na sinisira ng lason mula sa  mga tambakan ng basura, quarrying, mining, mga plantang nagbubuga ng usok-lason. May ganito ring nagaganap  sa mga tanim ng mga magsasaka sa Mindanao at Visayas. Hindi ko muna tutukuyin ang mga lugar..

Marami pang pagsira sa kalikasan partikular sa mga taniman ng ating pagkain ang nagaganap  sa Luzon, at hindi na kaya ng ispasyo ko para banggitin lahat. Kailangan lang mamulat ang pamununan  lalo na nang DAR at DENR, na hindi magtatagumpay ang kanilang mga programa kung patuloy na sinisira at sinasalanta ang Inang Kalikasan.

Opinion

Trial by publicity

Published : Wednesday February 08, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 119
By : Jonathan A. De La Cruz

Trial by publicity

Here’s what Sen. Chiz Escudero told the prosecution team headed by Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. the first time they brought the matter of Chief Justice Renato Corona’s alleged ownership of a 300-square-meter unit at the Bellagio in Taguig City and some other real estate properties as well as other... Read more

Pulis! Pulis! Bakit ka dedma?

Published : Wednesday February 08, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 65
By : Itchie G. Cabayan

Pulis! Pulis! Bakit ka dedma?

MY good friend, the indefatigable and ever-reliable chief of the Department of Social Welfare in Manila, is confused and upset over what he termed as ‘inaction’ of certain police officers on his request for the apprehension of a known drug pusher in the area where he grew up, in Gagalangin,... Read more

Busted lamps pose toxic risk

Published : Wednesday February 08, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 67
By : Manny C. Calonzo

Busted lamps pose toxic risk

  WHEN busted fluorescent lamps are improperly disposed of, mercury -- a potent neurotoxin -- is released into the environment, endangering the health of both workers in garbages sites as well as the general public. Environmental health groups aired this warning after conducting a “photo documentation” to find out how spent... Read more

Nagpapaupa ng bahay dapat mag-isyu ng resibo

Published : Wednesday February 08, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 64
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Nagpapaupa ng bahay dapat mag-isyu ng resibo

Kgg. na Chief Acosta, Mapagpalang araw po sa inyo. Nais ko po sanang idulog ang isang katanungan tungkol sa pag-upa ng bahay.Kapag po ba ang upa ay umabot na sa apat na libong piso (P 4,000.00) ay kailangan na ba ng resibo at iparehistro sa BIR?  Kung mababa naman po... Read more

Analysis: Boomerang effect in impeachment trial

Published : Wednesday February 08, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 103
By : Winston A. Marbella

DISPLAYING an uncanny understanding of  intricate aerodynamics, the native Australians devised a wooden weapon that when thrown always came back.  It is called a boomerang.  Undoubtedly, the boomerang found immense usefulness in vanquishing prey and foe. The word has also enriched the English language and the political lexicon, as we... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC