Fans anticipate Angel's pole dancing

 

PALAGI kaming napapaiyak tuwing mapapanood ang trailer ng pelikulang In The Name of Love ng Star Cinema na handog nila para sa kanilang ika-18 anibersaryo.

Ang pelikula ang pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Aga Muhlach at Angel Locsin and directed by Olive Lamasan.

Ewan ba namin, pero sa tuwing nakikita namin ang trailer nito, palaging may kurot sa puso kaming nararamdaman. Nakaka-relate ba kami sa tema ng pelikula o talaga lang magagaling ang mga aktor na nagsiganap dito na kahit sa trailer pa lang, sobra na silang nakakakonek sa mga manonood.

Ang kaibigan naming direktor na rin ngayon na si Enrico Santos ang sumulat ng script ng pelikula. Teka, ano na kaya ang nangyari sa pelikulang Basted na si Enrico ang direktor?

Anyway, ang In the Name of Love ay isang kuwento ng pag-ibig na susubukan ang katatagan, pag-ibig na susugalan ang lahat  at pag-ibig na ibibigay ang lahat.

Si Aga ay si Emman Toledo, isang dating dance instructor na naatasang magturo ng sayaw sa nalalapit na Governor’s Ball. Doon niya makikilala si Cedes Fernandez (Angel Locsin) at Dylan Evelino (Jake Cuenca).

Hindi inaasahan ng tatlong taong ito na ang pagkakakilala nilang iyon ay magdudulot ng malaking pagbabago sa kani-kanilang mga buhay.

Ayon kay Direk Olive, isa sa mga eksenang dapat abangan sa pelikula ay ang pole dancing ni Angel. Mahaba raw ito at tiyak na magpapainit sa mga manonood.

Bukas na ipalalabas ang In The Name of Love sa mahigit 100 sinehan. Ngayong gabi naman ang premiere night nito sa SM Megamall Cinema 10.

May international premiere din ang pelikula sa May 28 sa Alex Theater, Los Angeles) at sa May 29 sa Fox Theater in San Francisco.

* * *

ITO ang “masustansyang” balita sa amin ni Lito “Yanggaw” Alejandria.

May concert si Sam Milby para sa kanyang nalalapit  na kaarawan. Gaganapin ito sa Sabado (May 14) sa Zirkoh Tomas Morato. Ang title ng concert ay SAMthing Special... A Birthday Concert. Kasama sa concert ang   Star Power Girls na sina K-La Rivera, Krissel Valdez, grand winner na si Angeline Quinto at Toni Gonzaga.

Ang concert ay hatid ng Dermablend Papaya Orange soap at Backroom, Inc. Minor sponsors naman ang Glutamax, Mang Inasal, Boda Angela Designs at Cruven Auto Specialist. 

For tickets inquiries, maaring pumunta sa lahat ng SM Ticketnets o tumawag sa 470-2222, Zirkoh Morato 376-7287 o maari ring tawagan ang 0917-4398587 at hanapin si Reggee Bonoan.

Bukod sa mga nabanggit na special guests, marami pang surprise celebrity guests ang darating na hindi alam ni Sam kaya sugod na sa Zikoh Morato sa Sabado at maki-celebrate sa kaarawan ng aktor.

Opinion

Honest mistakes too many

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 26
By : Willie S. Baun

Honest mistakes too many

WAS it a senator-judge or a defense counsel in the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona who, in what seemed a half-cooked bid to sound philosophical, said the CJ could have committed only honest mistakes in computing some amounts in his statement of assets, liabilities, and net worth? ... Read more

A coup for the prosecution

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 23
By : Dennis F. Fetalino

A coup for the prosecution

Augmentation and rebate. That’s what this ruthlessly taxed fixed-income earner signed on for. But Ped Xing heard it wrong. It turned out that the call was for argumentation and debate. Well, if that’s the case, then let’s have more of them. Maybe something good would come out of the discourse. ... Read more

Senate Bill No. 83 ni Sen. Jinggoy, suportahan

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 25
By : Vic Reyes

Senate Bill No. 83 ni Sen. Jinggoy, suportahan

SA isang demokratikong bansa na kagaya ng Pilipinas, napakahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag. Sa kanilang pagganap ng tungkulin ay madalas na nasasagasaan nila ang mga makapangyarihan sa lipunan. Sila’y tinatakot, pinapapatay at madalas ay kinakasuhan ng libelo para lang perhuwisyuhin at patahimikin. Kung minsan, sila  ay nakukulong... Read more

P-Noy tiwala kina Biazon, Lim

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 27
By : Jess V. Antiporda

P-Noy tiwala kina Biazon, Lim

MUKHANG hindi na masyadong pinapansin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers ang mga reckless bus drivers dyan sa  killer highway o Commonwealth Avenue at maging sa Quirino Highway, Macapagal Ave., EDSA. Quezon Ave., at iba pang malalaking daan. Rumaragasa at walang kiber sa pag-swerve kaliwa’t... Read more

Melvin Sia, bakit pinayagang magpiyansa?

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 23
By : Sec. Antonio 'Bebot' A. Villar, Jr.

Melvin Sia, bakit pinayagang magpiyansa?

SANA hindi tuluyang makaiwas sa hustisya si Melvin Sia, ang Tsinoy businessman na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pag-angkat ng walong kilo ng shabu! Dismayado ako dahil pinahintulutan ng korte ang pansamantalang paglaya ng suspect nitong February 3 batay sa inihaing writ of habeas corpus petition... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC