Aminado si Mariel Rodriguez na at first ay sumagi sa isip niya ang magpa-convert na lang sa Muslim tulad ng asawang si Robin Padilla at talikuran na ang pagiging Catholic since ayaw nga silang payagan ng simbahan at bawal na magkaroon sila ng church wedding.
Matatandaan kasing nagpaplano ng June wedding sina Mariel at Binoe sa simbahan pero naudlot nga ito nang magsalita si retired Lingayen Archbishop Oscar Cruz na hindi sila allowed magpakasal sa simbahan dahil isa nga kasi sa kanila ay Muslim.
“For a time, it did cross my mind, sabi ko ‘hmmp, mag-convert na lang kaya ako,’ naisip ko naman siya talaga, pero sabi ko, parang hindi naman tama na ngayon ko tatalikuran ’yung paniniwala ko porke’t merong problema, porke’t meron kaming hindi napagkaka-sunduan, hindi naman porke’t ganu’n, tatalikuran mo, ’di ba? Ang pangit.
“So, nabanggit ko ’yun nang magkaroon kami ng presscon sa Lingayen, pero never ko sinabi na magko-convert ako. If magko-convert ako, dahil ’yun sa paniniwala ko, hindi dahil sa mga... kasi ’yun nga ang sabi ko, sa Islam, there’s no compulsion in Islam, walang sapilitan sa Islam.
“So, kung para magkaroon ako ng dream wedding, magko-convert ako, it doesn’t make sense kasi kinasal kami sa Muslim rites. So, hindi ko kinailangang mag-convert.
“So, hindi iyon ang magiging daan para ma-achieve ko ’yung pangarap ko,” mahabang pahayag ni Mariel.
Tuloy pa ba ’yung plano ni Robin na sulatan ang Pope?
“Hindi ko alam, eh, hindi naman po namin na masyadong pinag-uusapan. Kasal naman na kami talaga, it was just the church blessings na gusto ko sana magkaroon dahil nga Catholic ako. Kaya lang nga, hindi nga ina-allow ng Catholic Church, so right now, sa totoo lang, hindi ko na lang siya masyadong pinagtutuunan ng pansin.”
Kaya hindi pa raw niya alam kung kailan matutupad ang dream wedding niya pero right now, ang importante raw ay masaya sila ni Binoe.
“Right now, sobra talaga naming saya, lagi ko ‘yang sinasabi kay Toni (Gonzaga, her best friend and co-host sa Happy Yipee Yehey), ’pag nag-uusap kami, sinasabi ko sa kanya na ang saya-saya ko, sinasabi ko sa kanya kung ano ang dapat pag nag-asawa na siya, ganito-ganito. Lagi ko siyang inaano na dapat talaga, tayong mga babae... Iba, iba talaga,” sabi ni Mariel.
Ang baby ay wala pa rin daw sa plano nila at ine-enjoy daw muna nila na silang dalawa lang.
* * *
Nang makausap naman namin si Toni, aniya ay mga three years pa raw siguro ang bubunuin nila ng boyfriend na si Direk Paul Soriano bago sila lumagay sa tahimik.
Madali na lang daw hintayin ’yun dahil sa ngayon nga raw ay nakaka-four years na sila nang hindi nila namamalayan.
Dream wedding daw niya ay sa Taytay, kung saan siya lumaki at ’yun din daw naman ang gusto ni Direk Paul.
Ang reception?
“Sa Taytay na rin,” aniya.
Biniro namin si Toni na bakit may detalye na at baka naman talagang may plano na pero aniya, tinanong daw kasi namin siya kung ano ang dream wedding niya kaya naman sinagot lang niya.
“Ang dream ko lang, kung saan ako lumaki, kung saan ako nagsisimba, doon. Pero sa ngayon, dahil wala pa akong singsing, wala pa.”
Sino naman ang magkakasal?
“Ay, wala pa nga akong ring. Pangunahan ko na ang lahat ng arrangement? ’Pag nabasa ni Paul, aba, may magkakasal na, may reception na, may simbahan na, wala pa nga akong proposal,” natatawang sabi ni Toni kaya nagkatawanan lahat.
Pero sa ngayon, sobrang busy pa sa showbiz career ni Toni. Imagine, seven days a week siyang nakikita sa telebisyon – Mondays to Saturdays sa HYY tuwing tanghali at every Sunday naman ay sa The Buzz.
Hindi ba siya napapagod?
“Maraming time magpahinga. Darating ang time, magpapahinga rin ako. Pero hangga’t may trabaho, go lang nang go. Hindi naman araw-araw Pasko, di ba, sa buhay ng artista? Minsan lang ’to, so hangga’t okay pa, meron pang opportunity, meron pang break, go,” sey pa ni Toni.
Published : Tuesday February 07, 2012 | Category : Opinion | Views : 33
By : Win Sandico

The Philippine economy, as measured by the gross national product, eked out a mere 3.7-growth in 2011 despite government efforts to boost spending in the fourth quarter. The government’s last-quarter effort to boost total economic output was restrained by the slowdown in exports and the lingering debt problem in Europe.... Read more
Published : Tuesday February 07, 2012 | Category : Opinion | Views : 38
By : Dennis F. Fetalino

An impeachable offense is whatever a majority of the House considers it to be at any given moment in history; conviction results from whatever offense two-thirds of the other body (the Senate) considers to be sufficiently serious to require removal of the accused from office. – Former US President Gerald... Read more
Published : Tuesday February 07, 2012 | Category : Opinion | Views : 43

WHY do they grieve? Why do they nearly cry their hearts out as they watch him lay motionless in the family home in Lambunao, Iloilo? Why do they feel a deep sense of loss as they talk about what might have been?Why do they come to watch again... Read more
Published : Tuesday February 07, 2012 | Category : Opinion | Views : 61
By : Paul M. Gutierrez

BEFORE proceeding, happy reading to Parañaque City councilor, Jun Virata, a public servant that the local folk of Bgy. Don Bosco and nearby areas should feel comfortable in having at the city council not only to look after their interest but the entire city as well. Mabait na, matulungin pa... Read more
Published : Tuesday February 07, 2012 | Category : Opinion | Views : 58
By : Jess V. Antiporda

NATAWAG ang aking pansin sa kaso ng dalawang dayuhan na naging dahilan upang mabilad ang ‘double-standard’ na katarungan na ibinigay ng mga namumuno sa dalawang ahensiya ng ating pamahalaan sa ilalim ng Department of Justice (DOJ), na ayon sa aking mga espiya ay pinagkakitaan umano ng milyun-milyong piso ng mga... Read more