| Gemma, tandaan na ang panlabas na anyo ay kumukupas |
|
|
|
| Wednesday, 10 February 2010 18:33 |
|
MAS mainam ang nakaranas ng pag-ibig at nawala kaysa sa isang taong nabubuhay nang matagal ngunit hindi nakaranas ng pagmamahal. Anong silbi ng isang damdamin kung hindi niya magagamit upang malaman ang kirot ng mga hinaing at ligayang dulot ng pusong umiibig. * * * BINABALAK ni Mary Grace ng San Jose Del Monte, Bulacan na magtrabaho sa ibang bansa ngunit mahigpit ang pagtutol ng kanyang nobyo na pumunta siya doon. Nais naman niyang masuklian ang mga paghihirap ng kanyang mga magulang bago pa man siya mag-asawa. Ano raw ang nararapat niyang gawin upang mapasang-ayon niya ang kanyang nobyo. Higit sa lahat, matupad daw kaya ang mga pagarap niya sa buhay. Narito ang aking tugon: Damang-dama ko na talagang mahal ka ng kasintahan mo at talagang labag sa kayang damdamin ang nais mong gawin. Subalit isa sa katangiang nagustuhan mo sa kanya ay labis siyang maunawain at mapagmahal sa magulang kaya may katiyakang sasang-ayon din siya sa ma-giging desisyon mo na mag-abroad muna bago kayo magpakasal. Bilang magiging kabiyak naman ng kanyang puso ay nararapat lamang na maging tapat ka at tumupad sa pangakong bibitawan. Ang pag-unlad ay iyong makakamtan at matatawag na nakaririwasa balang araw sa piling ng lalaking labis na nagmamahal. May mahaba pang buhay ang mga magulang mo na masasaksihan ang pagginhawa ninyong magkakapatid sa hinaharap. Huwag makalilimot sa pagdarasal. * * * GEMMA L. HIDALGO ng Bagong Pag-asa Street, Baclaran, Parañaque City: Kailanman ay hindi na kayo magkakabalikang mag-asawa sapagkat maligaya na siya kapiling ang babaing ipinagpalit sa iyo. Malapit na rin silang magkaanak na ipinagkait mo naman sa kanya. Tandaan mo na hindi habang panahon ang panlabas na anyo, ang lahat ay kumukupas. Ang kabuuan ng isang babae ay kung nagawa niyang magluwal sa kanyang sinapupunan. Tandaan mo ang aking sinabi. * * * ANNABELLE DELA CRUZ ng Old Samson Road, Balintawak, Quezon City: Huwag kaligtaan ang mga taong tumulong sa iyo, alalahanin na walang mararating ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan. Ang mga anak ang magiging gabay sa iyong katandaan. Matatawag kang mayaman sa hinaharap, laging magdarasal. * * * PARA naman sa nagdiriwang ng kaarawan sa araw na ito, ang masuwerteng kulay ay yellow, red at silver. At sa numero naman ay 9, 32 at 47 ang buwenas. * * * SA mga nagnanais ng aking paglilingkod ay maaari ninyo akong sulatan dito sa tanggapan ng People’s Taliba, 6th floor, Universalre Bldg., 106 Paseo de Roxas Street corner Perea & Gallardo Streets, Legaspi Village, Makati City. Ilagay lamang ang tunay na pangalan, tirahan at petsa ng kapanganakan. Huwag kalilimutang lakipan ng 20 logo ng People’s Taliba at buong puso ko kayong paglilingkuran. Maaari ring tumawag sa telepono bilang 410-8745, 410-8749, at 373-3866. Ang Diyos pa rin ang tunay na pagtitiwalaan. Sumainyo ang pag-ibig at kapayapaan! |
Most Popular Articles
- Tawak ( 7,401 views )
- Annabelle rejects dinner with Kris ( 3,347 views )
- Valerie ‘hot’ pa rin ( 2,702 views )
- Toni ok lang na kapalit ni Angel ( 2,620 views )
- Ruffa, ’di na makikipagkita kay Kris ( 2,138 views )







