Home Opinion Maaari ko bang gamitin ang apelyido ng stepfather ko?
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 3,669 guests online
Banner
Maaari ko bang gamitin ang apelyido ng stepfather ko? PDF Print E-mail
Wednesday, 10 February 2010 18:16

AGADEAR Atty. Aga,

Isang mapagpalang araw sa inyo Atty.  May nais lamang po akong ihingi ng payo, tungkol po ito sa pagpapalit ng aking apelyido sa aking birth certificate.

Lumaki po akong gamit ang apelyido ng pangalawang asawa ng aking ina.  Maaga po kasi akong naulila sa ama, kung kaya’t hindi ko po nalaman na may tunay po pala akong ama. Hindi naglaon ako po ay nag-asawa at nagkaroong ng limang anak.

Nagkaroon po ako ng pagkakataon na makapunta sa ibang bansa. Dahil dito kinailangan kong maasikaso ang mga legal na dokumento upang mai-proseso ang aking passport at visa application. Ngunit laking gulat ko po nang makuha ko ang aking birth certificate sa NSO. Iba po ang nakalagay na apelyido ko doon. Ang sabi po ng aking ina, apelyido daw po iyon ng aking tunay na ama.

Ano ang dapat kong gawin atty.? Patay na po ang step-father ko na itinuturing kong ama. Nakalagay na po sa lahat ng aking records ang apelyido ng aking step-father. May paraan po ba na mabago ko ang apelyido ko sa birth certificate? Nais ko pong gawing legal na ang apelyido ng step-father ko. Paano din po ang magiging birth records ng aking mga anak? Nawa po mabigyang linaw ninyo ang aking suliranin.

Nagpapasalamat,
Ellen

Para sa iyong impormasyon Ellen, upang magamit mo ng legal ang apelyido ng iyong step-father, kinakailangan na magdaan sa proseso ng adoption. Ngunit dahil nga sa patay na ang iyong step-father, ang proseso ng pagpapalit ng iyong apelyido ay magagarantiya ko sa iyo, ngunit ito ay depende kung ikaw ay legitimate child o hindi ng iyong tunay na ama.

Mahalagang malaman mo, na kung ikaw ay isang legitimate child, hindi mo na maaari pang baguhin ang iyong apelyido. Ito ay malayang ipinahayag sa kaso ng Republic vs Hernandez (253 SCRA 509), kung saan sinabi dito na, “xxx the following as sufficient grounds to warrant a change name: xxx (b) when the change is a legal consequence of legitimation or adoption; (c) when the change will avoid confusion, xxx.  It must be stressed that a change of name is a privilege, not a matter of right, addressed to the sound discretion of the court, which has the duty to consider carefully the consequences of a change of name and to deny the same unless weighty reasons are shown.”

Bukod dito, nilinaw din sa kasong Republic vs Court of Appeals, et. al (G.R. No. 88202, December 14, 1998) na “Confusion indeed might arise with regard to private respondent’s parentage because of her surname. But even, more confusion with grave legal consequences could arise if we allow private respondent to bear her step-father’s surname, even if she is not legally adopted by him.” Ibig sabihin nito, upang maiwasan ang kalituhan sa iyong parentage at pagkakakilanlan, nararapat lamang na gamitin mo ang apelyido ng iyong tunay na ama. Ang mga personal records mo na lamang ang siyang dapat mong baguhin through an Affidavit of Discrepancy.

Sa kabilang banda, kung ikaw ay isang illegitimate child, maaari kang mag-file ng petition for change of name, ayon ito sa naging ruling sa kasong Llaneta vs Agrava (57 SCRA 29),kung saan ipinahayag dito, “The principle remains valid but only to the extent that the proposed change of name would in great probability cause prejudice or future mischief to the family whose surname it is that is involved or to the community in general.”

Sa iyong kaso Ellen, kung ikaw ay isang illegitimate child, ang biglaang pagbabago ng apelyido mo dahil sa paglitaw ng apelyido ng iyong tunay na ama sa iyong birth certificate ay magiging resulta ng kalituhan sa iyong mga personal na records. By reason of your illegitimate birth, maaari mong mabago ang apelyido mo at i-adopt na ang surname ng step-father mo, dahil ito ay beneficial at favorable sa iyo, upang maiwasan ang anumang kahihiyan sa publiko.

Tungkol naman sa birth records ng iyong mga anak, which I presume nakapangalan ang apelyido ng step-father mo, ipa-correct mo lamang ito by means of filing a Petition for Correction of Entry in the Civil Registry. Mas mabuti pa, kumuha ka na ng abogado para matulungan ka.

* * *

Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong magsadya o sumulat sa aming tanggapan sa DZXL RMN MANILA sa Guadalupe Complex, 4th Floor, Guadalupe, EDSA, Makati City.  Patuloy din tayong makinig sa ating radio program, ITO ANG BATAS WITH ATTY. AGA, Lunes hanggang Biyernes, 6-7:30 p.m., RMN Manila sa 558 khz. Puwede ring mag e-mail sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it o magtext sa cellphone number (0918) 904-6867.

Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS!

 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner