Home Opinion 3 lalaki ang nakasama
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

Banner
3 lalaki ang nakasama PDF Print E-mail
Wednesday, 10 February 2010 17:41

acuinKUNG mahirap sa mag-asawa ang mawalay sa kapareha ay mas masakit ang nararamdaman ng mga anak nila. Marami sa mga supling na nagmula sa sirang pamilya ang napariwara ang buhay dahil sa hindi pagkakaunawaan ng kanilang mga magulang.

Tunghayan ninyo ang kasaysayan ng buhay ni Jonna. Si Jonna ay panglima sa magkakapatid. Siya ang bunso at nag-iisang anak ng kanyang inang si Josie sa huling lalaki na kinakasama. Bagama’t hindi kasundo ni Josie si Hernan ay napilitan siyang pakisamahan ang lalaki dahil sa awa kay Jonna.

Nakita kasi ni Josie kung paano nasira ang buhay ng mga anak niya sa una at pangalawang asawa nang mapahiwalay siya. Dalawa ang anak ni Josie sa unang asawa. Si Jimmy at si Nadjie. Habang maliit pa sina Jimmy at Nadjie ay lagi nilang nakikitang nagbabangayan ang kanilang ama at ina.

Saksi rin sila sa pambubugbog ng tatay nila at sa pag-iskandalo ng nanay nila kapag natunton ang babaing kinahuhumalingan ng kanilang ama.

Nang maghiwalay ang kanilang mga magulang ay napuna ni Josie  na madalas mapa-away si Jimmy sa kanilang kapitbahay. Samantala, tinamad namang mag-aral si Nadjie.

Lalong nagkaproblema si Josie nang makipag-relasyon siya sa ibang lalaki. Sa tuwing may umaakyat ng ligaw sa kanya ay nagdadabog ang dalawang anak niya at pinapatay ang ilaw sa sala.

Hindi nagtagal, sinagot ni Josie ang isa sa masugid na manliligaw. Ang pakikipag-nobyo niya ay may basbas ni Hernan na mayroon na ring ibang kinakasama. Umuwi sa kanila ang lalaki at nagbunga ang kanilang pagsasama ng dalawang anak. Si Gary at si Meryll.

Nang ipanganak si Gary ay napansin ni Josie na lalong tumigas ang loob ng dalawa niyang anak.

May pagkakataon pa nga na dala marahil ng selos, nahuli niyang tinatakpan ng unan ni Nadjie ang ilong ng kapatid na bagong silang.

Lalong lumala ang kanilang problema nang masundan nang kapatid ang anak niya.

Mula noon, lagi nang hindi pumapasok sa eskwelahan si Nadjie. Samantalang umaalis ng bahay si Jimmy dala ang mga gamit sa eskwela. Subalit nabuko ni Josie na hindi rin pumapasok ang kanyang panganay nang ipatawag siya sa eskwelahan.

Ginulpi ni Josie ang dalawa. Nang hindi na makatiis sina Jimmy at Nadjie ay naglayas at tumira sa kanilang ama.  Subalit hindi rin sila nagtagal sa bahay ng ama dahil panay ang away ng mag-asawa.

Nakitira si Nadjie sa kanyang ninang samantalang si Jimmy ay naging palaboy at napasama sa masasamang barkada.

Nang sumapit sa walong taon ang panganay ni Josie sa pangalawang asawa ay naghiwalay din sila. Naiwan kay Josie ang dalawang anak.

Lumipas ang isang taon, nakilala ni Josie si Melchor at muling nakisama. Si Jonna ang naging anak nila. Halos araw-araw ay nag-aaway sina Josie at Melchor subalit ayaw na niyang maulit ang nangyari kina Jimmy at Nadjie.

Sinikap niyang ayusin ang buhay nila subalit kahit ano ang gawin niya ay lumaki pa ring matigas ang ulo nina Gary at Meryll. Sinundan nila ang mga yapak nina Jimmy at Nadjie.

Subalit muling napariwara ang buhay ng dalawa.

High school na ngayon si Jonna subalit naawa siya sa ina na laging sinasaktan ng kanyang ama. Nang kausapin siya ni Jonna na makipaghiwalay na sa kanyang ama ay malungkot si Josie subalit nauunawaan niya ang ina. Siya man ay hindi makatagal sa pananakit ng asawa.

Bukod sa ang nanay niya ang naghahanap-buhay, lagi pa silang inaaway ng tunay na asawa ng kanyang tatay.

Nang matunugan ni Melchor na hihiwalayan siya ni Josie ay pinagbantaan niya ang asawa.  Hindi niya pinalabas ng bahay si Josie hanggang  sa wala na silang maipanggastos sa bahay.

Kalaunan, napilitan na rin siyang payagan si Josie na magtrabaho. Bagay na sinamantala ni Josie. Naglayas siya kasama si Jonna. Tumira sila sa isang kuwarto na mag-ina at namuhay ng tahimik subalit isang araw ay natunton sila ni Melchor. Nauwi sa away ang pagtatagpo ng dalawa hanggang sa hindi na makapagtimpi si Josie.  Nadampot niya ang kutsilyo at sinaksak si Melchor.

Katwiran ni Josie, sawang-sawa na siya sa buhay niya. Tatlong  lalaki na raw ang nakasama niya subalit hindi siya sinuwerte maski sa isa. Kasalukuyan siyang nakakulong samantalang si Jonna ay kinuha ng isang kapatid niya.

Sana ay magsilbing halimbawa sa iyo ang buhay ng nanay mo. Lagi mong iisipin na ang pag-aasawa ay hindi garantiya upang lumigaya ang isang tao. Kung mag-aasawa ka, kailangan ay mahal mo ang lalaki at hindi mo iisipin na kaya ka mag-aasawa ay para maisalba ka sa iyong problema.

 
Banner

Most Popular Articles

Most Commented Articles...

Journal Online Content Archives

Who's Online

We have 2,981 guests online