Mas magastos ang hindi mag-aral kaysa mag-aral

 

MALIGAYANG PAGTATAPOS sa lahat ng graduates ng Emmanuel Ministry Institute (EMI) School Year 2010-2011. Kahapon ay ginanap ang 6th Commencement Exercises ng EMI sa Valenzuela Convention Center, Valenzuela City na tinampukan ng 121 graduates mula sa iba’t ibang programa ng pag-aaral. Congratulations EMI Batch 2011!

Madalas nating naririnig na magastos ang mag-aral. Ngunit sa totoo lang ay mas magastos ang hindi mag-aral. Ang gastusin ng hindi mag-aral sa kabuuan ng buhay ay mas malaki kaysa sa mag-aral. Sumahin man natin ng literal, mas malaki ang mawawala sa isang tao kapag hindi siya nag-aral. Ang gastos ng panganib ng kamangmangan na nakaamba sa kanya habang buhay ay mas malaki kaysa literal na gastusin ng pag-aaral. Ang mga gastusin sa pag-aaral ay nagagawan ng paraan ng taong gusto, ngunit ang mga ito’y ginagawang dahilan ng taong ayaw.

Ang pag-aaral ay lubhang mahalaga sa anumang larangan ng buhay. Ang kawalan ng kaalaman ay mapanganib. Ang sabi ni propeta Hosea sa wikang Ingles, “My people are destroyed for lack of knowledge.” (Hosea 4:6). At sa kabilang panig naman ang pagkakaroon ng kaalaman ay kapangyarihan. Ang sabi ni Solomon, “A wise man has great power, and a man of knowledge increases strength.” (Proverbs 24:5) Ito ay totoo sa lahat ng larangan ng buhay. Ang taong nagsikap sa pag-aaral ay nagtataglay ng kapangyarihan sa larangan ng kanyang kaalaman. Ito’y totoo sa sekular na edukasyon gayundin sa espirituwal na edukasyon.

Ang palaging iniisip ng mga tao na ang pag-aaral ng Biblia ay para lamang sa mga pari, ministro o pastor. Ang ganitong uri ng kaisipan ay mali at salungat sa mas-maunlad na buhay Kristiyano. Ang pag-aaral ng Biblia ay tungkulin ng bawat Kristiyano. Ang wika ni Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.” (Juan 5:39).

Ang pautos na wika ni Jesus na tayo’y magsaliksik ng mga Kasulatan ay tinapatan niya ng dalawang dahilan. Una, sa mga Kasulatan ay mayroong buhay na walang hanggan. Pangalawa, ang mga Kasulatan ang nagpapatotoo tungkol kay Jesus. Nais mo ba ng buhay na walang hanggan? Nais mo bang higit na makilala si Jesus? Halina’t tayo’y mag-aral ng Salita ng Diyos.

Sa aklat ng Kawikaan ganito ang ating mababasa, “Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit na mabuti at malalim. Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga’t kalakasan ng katawan.” (Kaw. 4:20-22). Ang wika ni Solomon, ang kaalaman ng Salita ng Diyos ay daan ng mainam na buhay at nagbibigay ng kalusugan at kalakasan ng pisikal na katawan.

Sigurado, ang lahat ay gusto ng mainam na buhay at malusog na katawan. Samakatuwid, ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay para sa lahat. Kapansin-pansin ang pautos na wika ni Solomon sa konteksto nito, “Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng kaalaman, ito’y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal” (Kaw. 4:7). Punahin mong maigi ang mga pautos na salita, “unahin” at “pilitin”. Ang malakas na ipinahihiwatig nito’y dapat ilagay natin sa ating priyoridad ang pag-aaral ng Salita ng Diyos. Dapat ito’y unahin at piliting makuha kahit gaano kamahal ng walang anyo ng panghihinayang sapagkat ito’y daan ng mainam na buhay, malakas at malusog na katawan.

Sa wikang Ingles ang sabi ni Solomon, “For the reverence and fear of God are basic to all wisdom. Knowing God results in every other kind of understanding.” (Proverbs 9:10 TLB). Gayundin ang sinabi ni David na kanyang ama, na ang kaalaman sa Salita ng Diyos ay nagpapatalino sa tao. “Ang patotoo ng Panginoon ay tiyak, na nagpapatalino sa kulang sa kaalaman.” (Mga Awit 19:7)

Marahil sa simula’y hindi ka naman interesado kumpletuhin ang sertipiko o diploma, ngunit siguradong gusto mong matuto ng Salita ng Diyos, makapagsanay sa gawain ng paglilingkod at makapamuhay ng mainam.

Ang Emmanuel Ministry Institute (EMI) ay para sa iyo. Maaari kang magsimula bilang special student. Maaari kang pumili lang ng mga subjects na gusto mo, at hindi mo mamamalayan natapos mo na ang isang sertipiko o diploma ng pag-aaral. Ano pa ang hinihintay mo? Tawag na 4444-777 para sa libreng pag-aaral.

Halina’t tayo’y mag-aral ng Salita ng Diyos!

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Dumalo sa Believers’ Conference 2011 – Partnering with God in Growing Our Church. Ika-12 ng Hunyo, alas 4:00 ng hapon sa Patio Queen Sofia, Maysan Road Valenzuela City (Free Admission). Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www. facebook.emi.ph

Opinion

I pity Margie Juico’s successor

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 60

I pity Margie Juico’s successor

I honestly feel sorry to whoever will succeed Margie Juico sa Philippine Charity Sweepstakes Office  pagdating ng oras at binulabog na niya ang magandang set-up ng PCSO noon sa Quezon Institute Complex.  I pity the next PCSO Chairman for it would really be a tall, tall order to reorganize that... Read more

Day of reckoning comes fast for Tupas, Quimbo

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 105
By : Winston Marbella

ITS patience stretched to the limit by the continuing disrespect of House prosecutors Reps. Niel Tupas and Romero Quimbo, the Senate impeachment court led by Senate President Juan Ponce Enrile and other irate senators lowered the boom on the prosecutors and served them stern warning to stop trying the case... Read more

Is what I am feeling love?

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 37

Is what I am feeling love?

LOVE is in the air as we begin this month of February, and one obvious phenomenon is how we see ourselves in the context of love.  Now-a-days saying “I LOVE YOU” seems to be so easy and ordinary that it is as if we were just saying “HI” or “HELLO”... Read more

‘Daang matuwid’ still not working

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 72

‘Daang matuwid’ still not working

ANOTHER proof that the country’s partnership with U.S. Imperialism in the war against terrorism is working is the “air strike” launched by the AFP in the early hours of Thursday at an alleged “terrorist camp” in Sulu where at least 15 suspects were killed. Among those killed, according to my... Read more

Out with the SALNs and ITRs

Published : Friday February 03, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 105
By : Jonathan A. De La Cruz

Out with the SALNs and ITRs

Today is the 85th birth anniversary of our former boss and mentor, Ka Blas Ople. As we join his family and friends as they gather in Ka Blas’ grave at the Libingan ng Mga Bayani in the annual rite of prayers and remembering,  we look back at the fruitful years... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC