Home Opinion Cool si Nonoy Libanan, hot si Manny Villar
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 4,011 guests online
Banner
Cool si Nonoy Libanan, hot si Manny Villar PDF Print E-mail
by Erwin Tulfo   
Tuesday, 09 February 2010 18:38
ANG jueteng operations sa buong bansa ay laganap at nagpapatuloy nang walang kaabug-abog, tila “invisible” sa pulisya.

Matapos ikabagsak ng dating Pangulong Erap ang iskandalo sa jueteng at ikaluklok ni Gloria Arroyo sa kapangyarihan, lalong lumawig ang illegal numbers game sa bansa.

Namamayagpag ang mga gambling lords sa ilalim ng ilong ng Philippine National Police (PNP), at bakit kamo?

Iyan ay dahil ilang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay “patong” sa jueteng.

DILG ang may awtoridad at kapangyarihan na magdirekta sa PNP.

At tulad sa Mafia, may “bagman” sa DILG ang sindikatong nagpo-protekta sa gambling lords at kanilang operasyon.

Ang bigating bagman na ito ay tinaguriang “Asek Bryan Yamsuan,” ang siyang kolektor ng Godfather ng jueteng sa DILG.

Milyun-milyong piso bawat araw ang nakokolekta mula sa gambling lords na may “timbre” ng DILG.

Huwag magtaka kung bakit hands-off ang PNP sa illegal gambling na jueteng.

* * *

Ang Bureau of Immigration (BI) ang isa sa iilang sangay ng pamahalaan na umaani ng maraming papuri dahil sa innovative na pamamahala ni Commissioner Marcelino “Nonoy” Libanan.

Isa sa brainchild ni Libanan ay ang “Visa Issuance Made-Simple” o VIMS na ipinatupad ng commissioner upang mapabilis lalo ang pagse-serbisyo sa mas maraming dayuhan na kumukuha ng visa para makabisita at legal na makatigil sa ating bansa.

Maliban sa BI main office sa Intramuros, Manila, ipinatutupad ang VIMS sa 29 out of 42 BI satellite offices o branches sa Metro Manila at mga siyudad ng Laoag, Baguio, Angeles, Cebu, Davao at Zamboanga, at paradise island ng Boracay.

Inilunsad ni Libanan ang VIMS noong January 2008 bilang flagship project niya  at nabawasan ang red tape at sumibol ang professionalism among BI staff.

“We intend to implement the VIMS in other major ports so that foreigners there can also enjoy the benefits and advantages of this project,” ani Commissioner Libanan.

Palalawigin ang VIMS sa iba pang tanggapan ng BI sa mga subports sa buong bansa.

Hindi nakapagtataka’t very smooth ang kalakaran ng serbisyo-publiko sa BI dahil smooth operator itong si Libanan tulad ng mahusay niyang pagtugtog ng guitara.

* * *

Kung hindi ang mga “Boto” dahil sangkaterba ang mga nag-aasam  maging Pangulo, banderang-tapos na itong si Sen. Manny Villar.

Hindi naman talaga magtatagal ang pangunguna ni Noynoy sa mga surveys kung hindi naparami ang presidentiables sa May elections.

Ayon sa Pulse Asia, panalo si Villar sa “one-on-one” square off nila ni Noynoy sa poll na isinagawa nitong nakaraang buwan.

Inudyukan ng mga power-brokers sa Liberal Party si Sen. Noynoy Aquino at sinalisihan si Sen. Mar Roxas sa pagiging LP standard-bearer.

Halatang-halata kasi na sinamantala ng mga trapo (traditional politicians) sa LP, kabilang ang mga bumalimbing mula sa Arroyo administration, na isuong si Noynoy sa presidential race nang makita nila ang sentimiyento ng taumbayan sa pagpanaw si Tita Cory.

Pinulitika ang pagkamatay ni Tita Cory at ang nahalukay na putik sa libingan ay ibinato sa ibang kandidato.

* * *

Birthday greetings to Shiela G. Mendoza of Dumantay, Batangas City, best wishes coming from Sherryl Gonzales and the staff of Erwin Tulfo Action Center; Happy Birthday to Jovy Banaston-Sevilla, greetings coming from Joan Christi, Hannah Lee, Elijah David of Makati City, Banaston Family of Davao City, and your soulmate, Ferds.

* * *

Inaanyayahan namin kayo na ibigay ang inyong reaksiyon sa kolum, opinyon o anumang saloobin sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it . Maaari rin po ninyong idulog ang inyong mga problema sa aming tanggapan sa #163-E Mother Ignacia St. nr. cor. EDSA, South Triangle, Quezon City (tel.410-4478, 410-4480).
 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner