PINAKASUWERTENG araw daw sa 2011 ang Abril 6 kaugnay sa maliyab na pagtatalik ng araw at lagalag na Jupiter… nasa tugatog ang bulwak ng magkasanib na alimuom o katas nila sa pagitan ng alas siete’t alas nueve ng umaga.
Mapapasagunson—katagang Batangan ‘to, “sunduin” o “dalhin pauwi” ang kahulugan—ang ningning at ningas ng araw kasanib ang pag-unlad at kasaganaan na hatid ng Jupiter kung gagawin ang isang payak na ritwal… ang paglalapat ng balintataw o inla sa mata ng dragon.
Hindi na kailangang bumili pa ng imahen o pigurin ng dragon sa Chinatown … download na lang sa Internet, naglisaw do’n ang samut-saring imahen ng dragon… ‘yung mga nais makatipid, puwede na ring lapatan ng balintataw ang mata ng kambal na dragon na nakataliba sa bukana ng Jones Bridge sa pagitan ng National Press Club at Philippine Post Office, o kahit ‘yung nasa bunganga ng Ongpin na nakatanaw sa simbahan sa Sta. Cruz…
Pinsel at tintang itim lang ang kailangan para lagyan ng tuldok na balintataw ang dragon… kailangan lang na may malakas na tugtugin na isasaliw habang idinuduldol ang brotsa (pinsel) sa mata ng imahen o pigurin… siyempre, masayang tugtog—sakto siguro ‘yung I Want To Be A Billionaire, pero ‘yang pagwawalis-tambok, teka, masidhi (mula Sanskrit, saddha at siddhi, “disiplina” at “puspos ng liwanag na paham”) masinsinang pagbrotsa ay kailangan ng mas malibog na tugtugin… kaya mas angkop yata ang mga obra nina Antonio Vivaldi, Johann Sebastian Bach, Wolfgang Amadeus Mozart, at Richard Strauss… bahala kayo kahit I Who Have Nothing pa ang patugtugin n’yo, mwa-ha-ha-haw!
Sangkaterba raw ang nagbabasa sa pitak na ‘to, lalo na sa online edition… dahil yata sa mga ganitong pagsisiwalat. Meron daw antique value para sa mga mahilig maghalungkat ng kaalamang antigo.
Saka matagal ang tinatawag na period of obsolescence… kung ilang ulit daw binabasa ng mga nakatutok dito para lang maunawaan nang lubusan ang mga inilalahad. Lalim daw kasi.
Mas gusto raw nila ‘yung mababaw lang… ‘yung apat na pulgada lang sa kababawan because that’s the average length of the fifth limb for probing into lush, silken-wet depths… noblesse oblige. Ibinibigay ang hilig ng mga mahilig.
Dahilan: Kung hindi maantig ang nasa pagitan ng dalawang mata, tiyak na mauuntag ang nasa pagitan ng dalawang hita…
Hindi na siguro uungot, uungkat pa ang mambabasa namin hinggil sa sagisag ng dragon… nakakubli ito bilang pantig sa katagang “tulong” at talagang marami—lalo na ang ilang nakaniig na dilag— ang nangangailangan ng too long. Even for a short time.
Walang mawawala kung gagawin ang ritwal na inilahad… ilang patak lang ng tintang itim, ilang saglit na pagduldol ng brotsa, at ilang sandaling saliw ng liwanag at masayang musika.
Catch eternity’s bounty through a dragon’s eyes.
Published : Saturday February 04, 2012 | Category : Opinion | Views : 62

I honestly feel sorry to whoever will succeed Margie Juico sa Philippine Charity Sweepstakes Office pagdating ng oras at binulabog na niya ang magandang set-up ng PCSO noon sa Quezon Institute Complex. I pity the next PCSO Chairman for it would really be a tall, tall order to reorganize that... Read more
Published : Saturday February 04, 2012 | Category : Opinion | Views : 106
By : Winston Marbella
ITS patience stretched to the limit by the continuing disrespect of House prosecutors Reps. Niel Tupas and Romero Quimbo, the Senate impeachment court led by Senate President Juan Ponce Enrile and other irate senators lowered the boom on the prosecutors and served them stern warning to stop trying the case... Read more
Published : Saturday February 04, 2012 | Category : Opinion | Views : 38

LOVE is in the air as we begin this month of February, and one obvious phenomenon is how we see ourselves in the context of love. Now-a-days saying “I LOVE YOU” seems to be so easy and ordinary that it is as if we were just saying “HI” or “HELLO”... Read more
Published : Saturday February 04, 2012 | Category : Opinion | Views : 74

ANOTHER proof that the country’s partnership with U.S. Imperialism in the war against terrorism is working is the “air strike” launched by the AFP in the early hours of Thursday at an alleged “terrorist camp” in Sulu where at least 15 suspects were killed. Among those killed, according to my... Read more
Published : Friday February 03, 2012 | Category : Opinion | Views : 106
By : Jonathan A. De La Cruz

Today is the 85th birth anniversary of our former boss and mentor, Ka Blas Ople. As we join his family and friends as they gather in Ka Blas’ grave at the Libingan ng Mga Bayani in the annual rite of prayers and remembering, we look back at the fruitful years... Read more