Cesar launches self-titled album

 

BUKOD kay Kris Aquino, na nag-launch ng kanyang music album (o ’di ba, singer na singer ang arrive niya?), ang amigo naming si Buboy o Cesar Montano naman ang may bago ring album na ilalabas.

Ang kanyang CESAR MONTANO album under Sony Music ay nasa market na nga at wala naman sigurong kukuwestiyun sa galing ni Cesar dahil singer naman talaga siya.

But more than being a singer na may nakaka-inlab na boses, magaling din siyang composer, guitar player, painter, at iba pang larangan ng sining na talaga namang pinaghuhusay niya.

Hit na hit na rin sa airwaves ang Darating ang Araw na (again) super-relate kami dahil kuwento ito ng isang nagmahal na iniwan para sa iba, tapos bi-nabalikan, eh, may iba ng nagmamahal sa iniwan at minamahal na rin nito. Kaya madali nitong nasasabi na “kasi naman, sinabi nang darating ang araw na...”

Nakakatawa, pero napaka-realistic ng kanta nito,  tugang na Butch, and for sure, somehow o somewhere in the song, mahahanap mo ang sarili mo.

Hahahaha!

Tatlong awitin ang kinanta ni Buboy noong mag-press launch ang Cesar Montano album. Kahit tumatagaktak na ang pawis, kering-keri niya ang paggi-tara ng Patawarin Mo (na inihandog din niya para kay Sunshine Cruz), Para Sa’yo Lamang at Panahon na Naman.

Inilarawan niyang pang-masa ang Bago Maging Bato dahil ultimo mga anak niya, kinakanta ito. Type din namin ang sinulat ni-yang Awit ni Melvin na para sa isang bata na kasamang nalason sa kamoteng kahoy sa Bohol kung saan sari-sari ring mga nakaka-antig na kuwento ang naisulat na.

Gaya ng ibang recording artist, plano rin ni Buboy na mag-mall tour at TV guesting para i-promote ang album niyang Cesar Montano.

* * *

Ngayong Sabado ng gabi sa Spooky Nights Presents Bampirella ni Marian Rivera (hahaha! parang tumutula naman ako), muling gumawa ng sumpa si Mitch (Gelli de Belen) para kay Cindy (Marian). Tuwing umaga, pumapangit si Cindy at kapag hatinggabi, patuloy pa rin ang pagiging bampira niya.  Na-meet din ng pangit na Cindy si Michael na nagli-lead ng rally laban sa Choko-Loko factory na siyang sumagip sa kanya nu’ng siya ay mahuli ng mga gustong pumatay sa kanya.   Samantala kumuha ng hired killer si Mitch para patayin si Michael. Pero bumawi si Cindy nang siya naman ang nagligtas sa lalake. 

O, huwag masyadong seryosohin, ha, dahil comedy-horror lang po ang pa-labas sa GMA7.

* * *

Usapang-bagets naman tayo.

Puno ng aliw factor ang 12 na kalahok (9-12 yrs.old) sa bagong pambatang show ng Kapuso Network na Amazing Cooking Kids.

Lahat kasi sila mga bibo, hindi mahiyain, though ga-ling sa iba’t ibang antas ng buhay, pare-parehong mahilig magluto at type pakainin ang mga gaya ko.

Hahaha!

Kidding aside, gusto naming papurihan ang “utak” behind such a show dahil noong una, inakala naming panay rich kids lang ang nakasali rito.

Pero may mga kalahok nga (halos kalahati ng bilang). galing talaga sa mahihirap na pamilya.

As in, nakatira sa barung-barong at squatters’s area na pinalad na mapili dahil mahilig ngang magluto. Wala naman sigurong sisigaw ng “child exploitation” sa bagong palabas na ito dahil makikita mo ang paghahanda, ang pagiging maingat at pagprotekta sa interes ng mga bata ng mga nagpa-patakbo nito.

May mga personal bets kami at this early, dahil bukod sa natikman namin ang masarap nilang inihandang “food” noong presscon, nakakatuwa silang kausap.

Pero hahayaan na lang muna namin sa culinary experts na sina Chefs Rosebud Benitez, Jackie Ang-Po at GB Barlao ang pag-judge sa mga niluto nila na magsisimulang umere sa April 16 (Sabado) bago mag-Eat Bulaga.

Si Carmina Villaroel ang host nito. In the meantime, kilatisin muna sana ninyo ang matatawag nating future culinary artists na sina Dingdong Lagman, Tasha Pulgado, Nica Fortuno, Xymon Caballero, Duday Reyes, Budik Villalobos, Pat Reyes, Ice Almalmani, Tarah Santos, Angela Rosales, Ronin Leviste at Pau Sablaya.

* * *

Speaking of kids, mabilis ang naging tugon nina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat na mabait katrabaho si Bossing Vic Sotto.

Pero nang tanungin ng press kung may regalo na itong naibigay sa kanila, magkaiba ang kanilang sa-got.

Tsika ni Zaijian, “marami na po.

Sabad naman ni Xyriel, “wala pa po.”

Nang tanungin ni Bossing Vic kung ano ang type ni Xyriel na gift, “kahit ano po,” ang sagot nito kung saan humirit si Zaijian, “bakit ako bossing hindi mo tinanong?” na nauwi sa ha-lakhakan dahil obvious na “showbiz” ang naisagot ni Zaijian sa tanong tungkol sa dami niyang regalo.

Hahaha!   

Anyway, tuwang-tuwa si Bossing na makasama nga ang dalawang bagets at mukha namang bibigyan sila ng bonus bago pa man mag-showing sa April 23 ang Pak, Pak My Dr. Kwak movie nila.

Ikinaaliw din ni Vic na makatuntong ulit sa ABS-CBN compound, kasama pa sina Wally Bayola at Jose Manalo na nagbirong “may colisuem pala ang Kapamilya Network” (referring to Dolphy Theater).

Feeling “queen” ang leading lady ni Bossing na si Bea Alonzo dahil talaga namang asikasong-asikaso siya ng mga kasamahan kahit ng mga extra sa movie na co-production ng Star Cinema at M-Zet Films. Hindi lang si Bossing Vic ang naniniwalang keri ni Bea mag-comedy dahil base sa trailer, halata namang bungisngis at kuwela si Bea, plus si Pokwang na over-over sa pagsasabi ng “salamat” at nakasali siya sa Pak, Pak My Dr. Kwak movie.

In fact, say ni Bossing, hinihintay na si Pokwang ni Joey de Leon na mag-guest sa Eat Bulaga, pero mukhang si Bea lang ang may schedule at nabigyan ng permiso ng Star Magic.

Bea will be seen sa Eat Bulaga habang si Bossing Vic ay aapir sa ASAP at sa The Buzz.

Opinion

I pity Margie Juico’s successor

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 62

I pity Margie Juico’s successor

I honestly feel sorry to whoever will succeed Margie Juico sa Philippine Charity Sweepstakes Office  pagdating ng oras at binulabog na niya ang magandang set-up ng PCSO noon sa Quezon Institute Complex.  I pity the next PCSO Chairman for it would really be a tall, tall order to reorganize that... Read more

Day of reckoning comes fast for Tupas, Quimbo

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 105
By : Winston Marbella

ITS patience stretched to the limit by the continuing disrespect of House prosecutors Reps. Niel Tupas and Romero Quimbo, the Senate impeachment court led by Senate President Juan Ponce Enrile and other irate senators lowered the boom on the prosecutors and served them stern warning to stop trying the case... Read more

Is what I am feeling love?

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 37

Is what I am feeling love?

LOVE is in the air as we begin this month of February, and one obvious phenomenon is how we see ourselves in the context of love.  Now-a-days saying “I LOVE YOU” seems to be so easy and ordinary that it is as if we were just saying “HI” or “HELLO”... Read more

‘Daang matuwid’ still not working

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 73

‘Daang matuwid’ still not working

ANOTHER proof that the country’s partnership with U.S. Imperialism in the war against terrorism is working is the “air strike” launched by the AFP in the early hours of Thursday at an alleged “terrorist camp” in Sulu where at least 15 suspects were killed. Among those killed, according to my... Read more

Out with the SALNs and ITRs

Published : Friday February 03, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 105
By : Jonathan A. De La Cruz

Out with the SALNs and ITRs

Today is the 85th birth anniversary of our former boss and mentor, Ka Blas Ople. As we join his family and friends as they gather in Ka Blas’ grave at the Libingan ng Mga Bayani in the annual rite of prayers and remembering,  we look back at the fruitful years... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC