UMARANGKADA uli ang iligal na sugal na negosyo niya at ngayon naman, ang mahal naming probinsiya ng Pangasinan ang pinasukan niya.
Ito ang laman ng aking talumpati noong Martes nang maging panauhing pandangal ako sa 431st Founding Anniversary ng Pangasinan at pangalawang taon lamang na selebrasyon ng tunay na Agew na Pangasinan (Araw ng Pangasinan) sa pamumuno ni Gobernador Amado Espino Jr. na siyang nagpasimuno upang bumuo ng isang Research Group para maisagawa ang “historically correct” na pagkakatatag ng Pangasinan.
Kamakailan lamang ay pinulong ni Atong Ang ang mga mayor ng Pangasinan sa isang hotel sa Lingayen, Pangasinan. Marami-rami rin ang pumunta ayon sa aking bubuwit.
Ang siste, jai-alai daw ang i-o-operate ni Atong sa Pangasinan. Sa pagkakaalam ko, kuwestiyonable pa ang operasyon ng kanyang Meridien Vista Gaming Corporation sa Cagayan Export Zone na doon lamang puwede at hindi dapat gamitin sa labas ng naturang lugar.
Hindi naman tayo tanga para paniwalaan ang salita ng notorious na taong ito. Naturalmente, jueteng ’yan in the guise of jai-alai!
Ang style ni Atong, ginagamit pa niya ang mga taga National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para magsagawa ng mga raids dito sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan upang hulihin ang mga pobreng kobrador na nagbabakasakaling kumita maski konti sa kanilang hanap-buhay bagamat guerilla na lang maituturing ang mga ito.
Gusto kasi ni Atong na matigil sila para siya na ang maghari. Ang masama, mukhang nagpapagamit ang mga taga NBI pati ilang taga Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mawala sa landas ang kalaban sa operasyon ni Atong Ang.
* * *
Lumipas ang ilang araw at ayon pa sa aking bubuwit ay nagkaroon daw ng delivery ng espesyal na regalo (parang naka-bundle diumano, pera kaya ’yun?) sa bahay ng ilang opisyal ng bayan!
Kaya’t ito na nga, nagsimula na ang operasyon ng jai-alai (kuno) pero jueteng din naman sa ilang bayan sa Pangasinan at binigyan ng Mayor’s Permit si Atong.
Kaya, Atong rides again and happy days are here again para sa mga ilang mayor ng Pangasinan.
Nalaman ko na ang mga pangalan ng mayor na mukhang naabutan na ni Atong ng biyaya at pikit-matang binigyan siya ng permit. Ilan sa kanila ay malapit sa akin.
Nakakalungkot at nakaka-high blood.
Nasaan na ang kanilang prinsipyo?!
Kayong mga mayor na tumanggap, mga buwaya kayo! Nawala na ang respeto ko sa inyo!
Panay daw kasi ang labas ng kanilang sariling pera upang matugunan ang mga hiling ng kanilang kababayan. Mula sa sunud-sunod na eleksyon hanggang sa mga solicitation sa graduation, fiesta, kasal, binyag, libing, etc., walang tigil diumano at talagang said na said na ang naitatabi nilang pera.
Ang tanong ko naman: Puro na lamang ba pera ang nasa isip ninyo?! Hindi niyo na lamang mahintay ang ilalagay na “loterya ng bayan” na kung saan kikita ang bayan at maraming tao ang matutulungan mula sa pondong makukuha dito.
* * *
At sa mga taga NBI at CIDG na ginagamit ni Atong sa kanyang pagkakaperahan, ito ang tanong ko: May basbas kaya sila nina Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at ni NBI Director Magtanggol Gatdula?
Alam niyo ba ito Sec. Robredo at Director Gatdula? Namantikaan na rin ba kayo ni Atong Ang?
Hindi ito ang tinatawag at gustong daan ni Pangulong Noynoy! Mukhang liku-liko na yata ang daan ninyo. Papuntang Kennon Road na ba kayo?
Dapat hintayin na lang ang implementasyon ng Loterya ng Bayan na ligal na kapalit ng jueteng na isinusulong ng gobyerno. Ito na lang ang suportahan ninyo hindi ’yong taong kaduda-duda ang personalidad. Pangalan pa lang ng taong ’yan, nakakasuka na.
Baka nakakalimutan ng ating mga mayor kung anong klaseng pagtra-traydor ang ginawa ng taong ito sa dating nag-alaga sa kanya na si dating Pangulong Erap na pinakinabangan niya ng todo pero nilaglag din niya para sa pansarili niyang kapakanan noong masabit sila sa isang mabigat na asunto.
Maraming tinawagan si Atong Ang. Sinabi nga sa akin ng aking Chief of Staff na si Jeff Patawaran, na nagkausap sila ni Atong at nabanggit nga daw sa kanya na ang unang nakausap at nagdala sa kanya sa Pangasinan ay si Cong. Rachel Arenas. Totoo ba ito Cong. Rachel? Kunwari ka pang ayaw mo ng sugal ngunit mukhang namantikaan ka na rin yata ni Atong Ang? Nakakahiya ka naman kung totoo ito.
“Ang Pangasinan ay para sa mga Pangasinense lamang!”
Maaaring hindi mo ito maiintindihan Cong. Rachel dahil ’di ka naman talagang lumaki sa Pangasinan.
Kung sino man ang ginagamit na ninong ngayon nitong si Atong, mag-ingat kayo at sobrang makamandag ’yan! Baka kayo ang susunod niyang tuklawin!
Sa mga kababayan ko sa Pangasinan, hahayaan na lang ba nating maghari-harian sa Pangasinan ang estrangherong ito?
* * *
Sa pinaigting na kampanya natin laban sa ipinagbabawal na gamot, nadiskubre nating parami nang parami ang nahuhuling partnership ng mga mag-asawang sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga.
Ginagawa na nilang hanap-buhay ang tulak sa halip na magtrabaho ng ligal at matiwasay. Mas nahihiyang yata sila sa maligalig at maruming pangtawid-gutom!
Katulad na lamang ng mag-asawang dinakip ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) na kinilalang sina Fernando T. Du, 60, at Florida L. Du, 37, na nahulihan ng apat na heat sealed transparent plastic sachet na mayroong lamang white crystalline granules na umano’y shabu, marked money at drug paraphernalia sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 3, Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union n’ung Abril 3, 2011.
Matatandaan din na isang mag-asawang Salonga B. Naga at Bulawan Radja naman na umano’y pangulo ng notorious Basilan Drug Group ang nasakote ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio Silungan, Barangay Bonuan-Binloc, Dagupan City.
Ang drug-pushing couple na ito ay nakumpiskahan din ng PDEA ng limang plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at isang black shirt na mayroong PDEA insignia!
Bagama’t hindi nahuli ang tatlo pang miyembro ng nasabing grupo na kinilalang sina Malik Ampuan, Tebe Radja at Cairoden Linog, hindi rin nakatakas sa AIDSOTF sina Gleen Gutlay, Jerry Del Rosario, Rolly Luna, Hasnar Bocua at Connie Quinto.
Kamakailan lamang, sila ay sinampahan na ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act of 9165.
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09175928228 o di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 10

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 13
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more