Chief Justice biggest news maker


HINDI maikakailang biggest news maker ngayon ng bansa si Chief Justice Renato Corona dahil sa kinakaharap niyang impeachment complaint sa Senado, pero sana ay hindi naman ito maging dahilan upang lumamlam ang ating awtoridad sa kanilang kampanya laban sa mga sindikato ng iligal na sugal at droga.

Bago simulan ang paglilitis kay CJ Corona, humahataw ang ating kapulisan sa pagtugis sa mga sindikato ng iligal na droga kung kaya nga naglalakihang mga laboratoryo ang kanilang natisod.

Masyadong agresibo noon ang ating kapulisan sa paglipol sa mga sindikato ng droga kaya nga natutulala na lang at naiiwan sa pansitan ang mga lokal na kapulisan. Biruin n’yo, nasa tungki na ng ilong nila ang langaw eh hindi pa nila nakikita?

Sa totoo lang, dapat ay tularan ng ibang opisyal sa CAMANAVA area itong si Chief Inspector Allan Rabusa Ruba, ang hepe ng Station-Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Valenzuela Police.

Sa ilang buwan pa lang nito bilang hepe ng SAID-SOTG, marami na siyang naipadakma na drug pushers sa kanyang area of responsibility. Noong isang buwan lang, nakuha nila ang madulas na si Rafael Villasana, ang anak ng itinuturing na “shabu queen” sa Valenzuela City. Halos 10 taon nitong nalulusutan ang batas pero natiklo ito ng mga tauhan ni Major Ruba.

Kumakain ng alikabok ang mga counterparts ni Maj. Ruba kung trabaho ang pag-uusapan. Tsk, tsk, tsk..

Kabaligtaran ni Major Ruba si Chief Inspector Romeo Ricalde, ang hepe ng District Anti-Illegal Drugs ng Northern Police District (DAID-NPD) kung dedikasyon sa tungkulin ang pag-uusapan.

Si Ricalde ay kinasuhan ni Gng. Editha Morales sa NAPOLCOM ng mga asuntong extortion at planting of evidence ng nakaraang buwan ng Enero, kasama pa ang anim pa niyang tauhan.

Muli na namang gumawa ng alingasngas ang grupo ni Ricalde ng nakaraang unang Linggo ng Pebrero nang arestuhin nila ang isang hinihinalang user sa Valenzuela City.

Pagdating sa DAID, parang nasa  palengke nang magtawaran ang mga bata ni Ricalde sa kanilang huli. Sa takot na huwag makasuhan, naglagay ang kawawang hinuli kung kaya’t nakalaya.

Ang kaso, pati ’yung silver bracelet ng tao, tinangay pa ng mga tao nitong si Maj. Ricalde.

Tsk! Tsk! naman. Totoo ba ito Major?

Isa pang walang kabuhay-buhay na hepe ng SAID-SOTG ay itong Chief Inspector Leoben Ong ng Caloocan City Police.

Halos mag-iisang taon na itong hepe ng nasabing departamento, pero wala pa akong nasusulat na nakadale ito ng malaking drug pusher.

Ang nakakahiya pa,  ’yung mga lungga ng mga sindikato ng droga na dapat ay sila ang nakakahuli eh ang Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force pa ng Camp Crame ang nakatisod.

Sa madaling salita, naiskupan sina Major Ong at Major Ricalde sa sarili nilang mga bakuran.

*****

Heto pa ang isa, kung hindi dahil sa video karera, buhay pa sana si Ana Aguilo at hindi rin masisira ang pamilya ni Ivan Lou Climaco na ang misis ay anim na buwan ng buntis.

Pinasok ni Climaco ang bahay nina Aguilo sa Baesa, Caloocan, noong Pebrero 5 at pinagsasaksak itong si Ana at dinamay pa ang tatlong anak n’ya na sina Justine Anne, Arvin John at Allen John, pawang mga menor de edad.

Ang ugat ng krimen? Pagkalulong ni Climaco sa video karera na naging dahilan kung bakit siya nagkautang ng P200 kay Ana.

Si Ana ay maintainer ng Video Karera sa Caloocan City. Hindi na n’ya pinautang para  makalaro si Climaco kung kaya’t naburyong ito at isinagawa ang krimen.

Protektado raw ng isang “Major” at opisyal ng RDPSTM ang nagkalat na  mga  video karera sa  Caloocan City, lalo na sa first district ng siyudad .

Kung hindi ito masusupil ni Mayor Recom Echiverri, may Ana pang mamamatay at may Ivan Lou pang makukulong. Naku mayor, baka pati pangalan mo eh kinakaladkad ng mga pinagkakatiwalaan mong mga tauhan.

Bukod sa video karera, laganap din ang jueteng sa Caloocan. Ipinaalam ko lang po sa kinauukulan na hindi ito imbentong kwento. May nakuha pong kopya ng resulta ng bola sa jueteng ang On The Beat....hindi po kayo makapagsisinungaling dito...Mga malalapit din daw kay mayor ang pasimuno sa illegal numbers game sa Caloocan. Alam din kaya ito ni mayor?

Para po sa inyong reklamo, komento o impormasyon, maaari po kayong mag-text sa 09205198833 o mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 10

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 13
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 8
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 9
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC